Pagkatapos ng gabing iyon ay mas lumalim pa ang pagkakaibigan namin ni Gerald.
Kinabukas ay luwas ako pa- probinsya para sa aking bagong mundong gagalawan na malayo sa aking nakasanayan sa loob ng tatlong taon.
Maaga akong nagising para umatend ng pre-orientation sa hospita alas-nuebe ang call time pero 8:30 palang ay nadating ko na ang hospital naka received din ako ng txt kay Geral na nag sasabing ng goodluck sa akin.Halos Hindi naman ako nanibago sa set-up ng hospital dahil nasa pitong taon din akong nag trabaho sa isang kilalang hospital sa syudad.
"Good morning Doctors and nurses welcom to DO*R Hospital" (ang sabi ng babae na nakatayo sa harapan saaking pagkakatanda sya ang medical director dito si Ms Cruz)
Halos limang bagong doctor ang aking kasabayan halatang bagong graduate palang ang mga ito at 10 nurse naman ang nasa isang side nahati ang grupo sa tatlong team para sa aming daily schedule sinabi na lahat ni Ms.Cruz ang mga rules and SOP ng hospital pero bago ito mag tapos ay ..
👩⚕️" By the way gusto ko pala sabihin sa inyo young doctors (sabay turo sa lima na nasaaking side) na Dr. JV will be your head Doctor for now on sa kanya kayo mag consult ang ask for refferals. (Halata sa mga muka nila ang pagkagulat). Pagkatapos ng orientation ay nag siuwian na kaming lahat bukas pa kasi ang totong simula ng paban.
Nag karoon din ako ng chance na tawagan si Gerald naikwento ko sa kanya lahat ng nangyari ngayon at kasunod noon ay ang pagbibiro nito saakin
👮📞" Ikaw bunso ah kabilis mo akong pinagpalit hindi panga kita natikman pinag palit mo na ako " kasabay nito ang pag tawa
" Ikaw kasi kuya Gerald may chance ka na nga matikman ako di kapa kumagat" kasunod na sabi ko dito na siyang nag patawa sa kanya at medyo nag painit saaking nararamdaman
" Wag mo kong binibiro baka kahit anjan ka puntahan kita para kagatin"
" Hahaha loko-loko ka talaga kuya ang unahin mo Kuya maghanap ng Asawa jan"
" Darating din yun bunso oh sigue na inaantok nako Goodnight" ang paalam niya.
Nahiga na ako para matulog Pero sa tuwing pipikit ako ang aking mga mata naaalala ko padin si Mark madalas tinatanong ko ang sarili ko kung Naaalala din kaya ako ni Mark? kamusta na kaya siya ? Ano kaya ang ginagawa nya? Ilan lamang ito sa mga iniispi ko gabi-gabi hanggang sa nakakatulog nalamang ako na may luha sa aking mga munting mata.
Kinabukasan maaga akong nagtungo sa hospital para sa unang araw ng aking duty, nakakapanibago parin pala na bumalik sa ganitong trabaho, pero sa paglipas ng mga araw at buwan ay madali naman akong nakapag adjust.
Halos bahay at hospital lamang umikot ang aking mundo.Pansin ko din na masyadong naging abala ang unang tatlong-buwan ko na pagtatrabaho, ni hindi ko na regular na nakakausap si sir Gerald madalas kasi hindi nagtutugma ang oras namin isa pa hindi parin ako umuwi sa bahay.
Lumipas pa ang mga buwan halos walong buwan na pala akong hindi umuuwi puro txt at calls nalang sa pamilya ang aking nagagawa.
Isang araw habang nasa canteen kami ng hospital ay may isang grupo ng mga nurse ang narinig kong nag- kukwentuhan.
N1 " uy ganito din ang kasal na gusto ko tignan mo "
N2 " gaga! pangmayaman yan, maghanap kadin ng mayaman para ganyan din ang kasal mo"
N1 " pero alam mo sabi sa balita hindi daw umattend ung Groomsmen nya bakit kaya?
Kinabahan ako sa narinig ko na paguusap ng dalawang nurse, tila kilala ko ang kanilang pinaguusapan kaya agad akong lumapit sa dalawa para tanungin sila.
" Ahh excuse me narinig ko kasi yung pinaguusapan nyo if you don't mind sino ba ung kinasal?
Biglang inabot saakin ng babae ang isang diyaryo kung saan bumungad saakin ang kasalan ni Mark at Vanessa na ginawa sa isang kilalang lugar.
Hindi ko mawari ang nararamdaman ko ng mga oras nayon tila gumuho ang mundo ko sa balitang aking nakita, sa totoo lang matagal ko nang inihanda ang sarili ko para sa araw na ito ang araw na makikita ko ang kanilang kasal pero iba parin pala pag dumating na.
Ibinalik ko sa babae ang dyaryo at mabilis akong pumunta sa CR, papasok palang ako ng CR ay tumutulo na ang aking luha pansin ko na bukas ang cr kaya mabilis akong pumasok pumaharap ako sa pinto ng cr at umiyak ng umiyak doon ko binuhos ang lahat ng sama ng loob na nararamdaman ko para kay Mark.
Hanggang sa may isang tinig ang nagsalita galing sa aking likuran na siyang kinagulat ko.
" Ayos lang yan Doc life must go on sabi nga"
Pagtalikod ko may isang maamong muka ang bumungad saakin matangkad at maputi ito at tulad ko isa din siyang doctor. Nagpunas ako ng luha at agad ko siyang tinanong.
" Bakit ka andito? Anong ginagawa mo dito? Pano ka nakapasok dito?
"Ehemm doc mukang mali ang tanong mo? Bakit ka pumasok dito habang nasa cr ako? " Ang kasunod na sabi nya
Hindi ko pala na pansin na may tao sa cr dahil sa kakaiyak ko, nag punas ako ng luha habang nakatingin sa kanya sabay ang pag hingi ko ng patawad"
" Sorry hindi ko na pansin"
Lalabas na sana ako ng cr ng bigla nalang niya akong hilahin dahilan para mapasandal at yakap ako sa kanyang matigas na dibdib at nagsalita ito...
" Iiyak mo lang doc "
Noong narinig ko iyon ay hindi ko na napigil pa ang aking sarili na umiyak ng umiyak habang naka yakap ako lalaking doctor na hindi ko man lang kilala ng mga oras nayon.
Ilang minuto pa ang dumaan alam ko na kaya ko na nagpunas ako ng aking mga luha, nasa cr padin kaming dalawa inabutan nya ako ng face tissue na agad ko namang ginamit.
"Okay ka na ba?" Tanong niya saakin
" Oo Salamat pala Doc"
Nag pakilala ako sa kanya sabay abot ng aking mga kamay
By the way ako nga pala si JV.
Inabot din nya ang kamay nya sabay ng kanyang pagpapakilala
" Im Doc James"......
BINABASA MO ANG
ANAK NI GOV
RomanceIto ay kwento ng Pagkakaibigan at Pagmamahalan. Sino ang unang Bibigay? Disclaimer: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of t...