Halos lahat ng aming naipundar ay unti-unting nawawala saamin, dahil sa agarang paniningil ng pautang ng kumpanya na pag-mamayari nila Mark.
Buti nalang at andito si Alli na nag-alok ng tulong ayoko itong tanggapin bilang bigay kaya naman napagkasunduan namin na itoy hiram, nag abot siya ng pera na pweding pambayad sa sinanlang pension nila nanay at tatay, ganun din ang pagbayad upang maikabit na muli ang aming kuryente.
"Salamat ulit Alli ah" ang sabi ko sa kanya
"Basta ikaw" ang sabi niya sabay ngiting medyo nakakaloko saakin.
Kinabukasan ay inayos ko ang lahat ng mga dapat asyusin tulad ng pagbabayad ng kuryente, pagbabayd sa bangko at marami pang iba halos sa loob ng isang linggo ay ito ang aking ginagawa.
Hindi pa muling tumawag si Alli dahil ang alam ko ay may lakad ito sa ibang bansa ang sabi naman niya pagbalik daw niya ay kaylangan ko nang tuparin ang pangako ko.
Binalak ko din mag-apply muli ng trabaho sa mga kumpanya pati sa dati kong pinag-tatrabahuhan ngunit bigo ako dahil halos silang lahat ay takot na ipasok ako sa kumpanya at ung iba naman na pinag-applyan ko ay halatang binilinan na ng pamilya ni Mark para hindi ako tanggapin.
Hindi parin ako makabalik bilang isang doktor dahil patuloy parin dinidinig ang isinampang kaso ni Tita Gov para mawalan ako ng lisensya.
Kaya naman halos araw-araw akong lumalakad para maghanap ng mapapsukan pero wala, wala talaga
Andito ako ngayon sa isang kilalang mall sa kabilang bayan dahil nagbabakasakali na may mahanap na magandang trabaho
at habbang naglalakad-lakad ako ay may isang tinig ang bumangit ng aking pangalan."Doc JV?"
Napatingin naman agad ako sa babaeng tumawag saakin
"Dra Jane" ang bati ko sa kanya
"Wow wow! Kelan pa Doc? Malaya kana pala Doc kamusta?" Ang sunod-sunod na tanong nito
"Ah oo last week lang" sabi ko
"Anong ginagawa mo dito? May bibilin kaba?" Sunod na tanong ni Jane
"Actually wala, andito ako para mag hanap ng trabaho" sabi ko.
Inaya ako ni Jane sa isang restaurant malapit sa mall maganda ito at halatang mga maykaya lang ang pumupunta.
Ikinwento ko lahat kay Jane ang mga pagsubok na dumating sa akin at ang pagtatangka kong mag apply muli ng trabaho, ganun din ang hindi ko pa pweding paggamit ng aking lisensya sa paggagamot.
"Ah eh Doc JV actually saamin itong restaurant na ito" ang sabi ni Jane
"Wow pwedi ba akong mag apply dito" tanong ko sa kanya
"Kung ako lang okay sana kaso kakapasok lang ng HR namin at wala nang bakante bukod sa.." ang sabi ni Jane
"Ano"
"Waiter" malungkot na sagot ni Jane
"Anu kaba kaylangan ko ng trabaho kahit ano payan payag ako Jane, kaylangan kong bumangon at hindi naman pangmatagalan ito kaylangan ko lang talaga makapag-ipon ng kaunti"ang masayang sabi ko dito
Labag man sa kalooban ni Jane na tila naawa sa akin ay pumayag ito na mag trabaho ako sa restaurant ng pamilya nila.
Kinabukas ay maaga akong pumasok sa restaurant dahil kaylangan ko mag training sa mga gawain, naging maayos naman ang aking pagsasanay madali ko rin natutunan ang iba pang gawain.
BINABASA MO ANG
ANAK NI GOV
RomanceIto ay kwento ng Pagkakaibigan at Pagmamahalan. Sino ang unang Bibigay? Disclaimer: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of t...