Pagpasok ko sa opisina ay binuhos ko na lahat ng luha na aking mailuluha pa para kay Mark, okay na ito kesa naman sumakit pa ang dib-dib ko kakaisip at kakatago ng nararamdaman ko.
Lumipas ang maghapo na hindi man lang ako lumabas ng opisina nagpatuloy paring ang ginagawa kong pag-aaral sa mga gusto ni Tito Gov.
Nagkaroon din ako ng chance na makausap sina Dex, Drei at Drew at ibinalita ko sa kanila na may maayos na akong trabaho at tulad ng pinangako ko sa kanila ay sinimulan ko nang maghanap ng magaling na abogado tulad ni Alli na magtatangol para sa kanila.
Alas-sais na ng hapon ng maisipan kong lumabas ng opisina para umuwi naglalakad ako sa labas ng kapitolyo ng muli kong makita si Mark na naghihintay ito malapit sa gate, maamo parin ang muka nito at halatang kanina pa ito dahil yoon parin ang kanyang suot napahinto ako sa paglalakad at siyang lapit niya saakin.
"Can we talk" ang sabi ni Mark
Balak ko narin siyang harapin ng matapos na ang lahat sabi nga parang isang malaking libro na ang buhay namin ni Mark na kaylangan nang isara.
"Sigue at sana huli na ito" ang sagot ko
Inaya niya ako sa malapit na parke na matatagpuan din sa lugar at sa isang bakanteng damuhan kami naupo casual lang ang naging set-up namin ng mga oras na iyon.
"Andito na tayo so pwedi kana mag simula dahil gumagabi na Mark" ang sabi ko sa kanya
Alam ko na may kakaiba kay Mark ng mga oras na ito parang may gusto itong aminin na hindi niya masabi.
"First gusto ko mag Sorry" ang sabi niya
"Okay yun lang ba? Wala na saakin yun so pwedi naba akong umuwi?" Tanong ko sa kanya
"JV please listen to me wag ka munang ganyan" sabi naman niya
"Sigue" sagot ko
"Alam ko hindi mo ako agad mapapatawad , alam ko napakalaking kagaguhan ang ginawa ko lalo na nung panahon na nawala si Ian hindi ko alam anong mararamdaman ko JV napakasakit na ikaw pa ang pinagbintangan
Sa lahat ng tao sa lahat ng gago na andiyan ikaw pa itong diniin sa pagkawala ni Ian......
Ikaw pa na mahalaga sa'akin ikaw pa na...." At doon nga ay bigla nalang natahimik si Mark
"Na ano " tanong ko
Bigla naman itong humarap saakin
"Ikaw pa na ....... Ikae na Mahala ko" ang sabi ni Mark at doon nga bumagsak ang luha ni Mark
Nadala narin ako sa pagluha niya at di ko mapigilang mapaluha narin lalo na nang marinig ko na Mahal pala ako ni Mark at alam ko sa puso ko na kahit ilang beses akong gaguhin nitong si Mark at siya parin talaga ang mahal ko.
"Hindi ko alam bakit JV, hindi ko alam paano nangyari basta alam ko kahit na sino paman ang dumating sa buhay ko ikaw parin ang pinakamamahal ko" dagdag pa ni Mark
Doon nga ay binigyan niya ako ng isang napakahigpit na yakapa habang patuloy kaming umiiyak dalawa.
"Tama na Mark ayos na ang buhay mo at mas magiging ayos ito pag wala ako sa tabi mo, lalo na alam ko na hindi magiging tangap ng pamilya mo na muli akong pumasok sa buhay mo, isa pa masaya na ako ngayon" paliwanag ko kay Mark
"No JV I can't imagine my future without you! gusto ko lagi kitang kasama" sagot naman ni Mark. Malaking pagkakamali ang ginawa ng pamilya namin sayo JV maniwala kaman sa hindi, hindi ko gusto na makulung ka noon pero hindi ko mapigilan si mommy kaya kahit labag sa kanya ay gumawa ako ng paraan para tulungan ka, si Dex kaibigan ko siya binayaran ko siya para protektahan ka sa loob ng piitan" ang rebelasyon ni Mark.
BINABASA MO ANG
ANAK NI GOV
RomanceIto ay kwento ng Pagkakaibigan at Pagmamahalan. Sino ang unang Bibigay? Disclaimer: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of t...