Sa aking paglingon ay siyang laking gulat ko ng makita ang nag salita.
"Ha? Ikaw? Bakit" ang sunod-sunod na tanong ko
"Ahh ehh Sorry talaga are you okay" tanong niya saakin
"Oo ayos lang ako pero bakit at saan mo ako dadalin?" Tanong ko
"Ahh ehh wala naman kakausapin lang sana kita para mag thank you sa pag save kay dad kanina by the way i'm Dave" ang sabi niya.
Oo tama kayo si pogi in blue polo ang kumuha saakin. Kasunod noon ay siyang biglang paglipat niya ng upuan para tumabi sa akin
"Actually ang sabi ko sa mga gago na ito (sabay turo sa tatlong naka unipormeng lalaki) na pasakayin ka dito pero nagulat din ako ng hilahin ka nila papasok"
"Sorry po boss mali pala ang intindi kasi namin kuhanin si sir." ang sabi naman ng isang naka unipormeng lalaki
"Ahh ganun ba? Kala ko naman anong gagawin mo sa akin, pero ayos na ung kanina nakapag pasalamat na kayo" sabi ko kay Dave
"Kahit na gusto ko na personal na magkausap tayo para makapag-pasalamat talaga" sabi ni Dave
"Okay, pero saan nga ba tayo pupunta?"
"Sa bahay ko " ang sagot ni Dave
Ilan minuto pa ang nakalipas nang pumasok ang sasakyan sa isang kilalang subdivision na tanging may kaya lang ang nakakapasok. Huminto ang sasakyan sa tapat ng isang malaking bahay.
"We're here tara na baba ka" sabi ni Dave
Bumaba kami at pumasok sa loob ng bahay may tatlong kasambahay ang sumalubong saamin.
"Manag ayos naba ung pinahada ko?" Tanong ni Dave sa isang babae
"Opo Mayor" ang sabi ng isnag babae.
Nagulat ako at napatingin nalang kay Dave ng tawagin siyang Mayor ng isa sa mga kasambahay nginitian lang naman ako ni Dave kasunod noon ay ang bigla niyang paghawak sa aking mga kamay para sumunod ako kung saan ito pupunta.
Narating namin ang kusina ng bahay doon sa lamesa ay may nakahanda na napakaraming pagkain halos seafoods ang nga laman ng lamesa.
"Alam ko pagod ka sa trabaho kaya nagpahanda ako ng pagkain" ang sabi ni Dave
"Àyos lang naman ako Mayor Dave hindi mo kailangan gawin ito" sagot ko
"Ano kaba maupo ka na nga at ng makakin na tayo isa pa tigilan mo yang pagtawag sa akin ng Mayor, Pwedi nang Dave " ang sabi ni Dave sa akin
Masaya nga naming pinag-saluhan ang mga pagkain habang nag kukwentuhan. Tinanong din ako ni Dave sa mga nangyari saakin , doon ko tuloy na ikwento sa kanya ang mga nangyari sa akin sa loob ng tatlong taon na pagkakakulong pero sympre hindi ang sex life ko.
"Hindi kaba natatakot sa akin Dave? Seryosong tanong ko sa kanya
Tinignan ako sa mata ni Dave at tinitigan ng ilang minuto bago ito sumagot
"Natatakot"
Napayuko naman akong bigla ng marinig ang sinabi ni Dave pero ilan saglit pa ay inangat niya ang muka ko para mapatingin muli sa kanya.
"Natatako ako para sa kaligtasan mo, Natatakot ako dahil alam ko na wala kang kasalanan at malaya pa ang pumatay sa anak ni Gov ang dahilan ng pagkakakulong mo anytime baka balikan ka niya" ang mahabang paliwanag ni Dave
Doon ay maluha-luha akong nagpasalamat kay Dave dahil sa ibinigay niyang tiwala sa akin.
Nagpatuloy ang aming masayang kwentuhan sa terrace ng kaniyang kwarto dito kami pumwesto dahil maganda ang tanawin.
BINABASA MO ANG
ANAK NI GOV
RomanceIto ay kwento ng Pagkakaibigan at Pagmamahalan. Sino ang unang Bibigay? Disclaimer: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of t...