(43) Muling Pagkikita

3.5K 174 61
                                    

Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Dave, at muli ay nagpasalamat sa kanaya.

"Salamat talaga Dave hindi mo alam gaano ako kasaya ngayon"

"Walang katumbas yung ginawa mo na pag save kay Dad, kaya you deserve everything na i oofer namin" ang sabi ni Dave saakin

"Mauna na ako Dave Salamat ulit" ang sabi ko

"Salamt din JV , si Mang Mando na pala ang maghahatid sayo pauwi" ang kasunod na sabi ni Dave

"Okay lang salamat"

Sumakay na nga ako sa sasakyan para umuwi na sa bahay, si Mang Mando ang driver sa harapan na ako umupo  para naman makipag kwentuhan narin kay Mang Mando.

Nagsimula na kaming magbyahe sa una ay tahimik lang kami walang kibuan, pasimple ko lang din itong tinitignan

Gwapo si Mang Mando nasa Late 50"s na ito pero napakaganda ng katawan, gwapo  at halatang malinis ito nagulat nalang ako nang magsalita ito.

"Sir ano ayos ba?" Tanong ni Mang Mando

Hindi ko napansin na kanina pa pala ako nakatingin sa katawan niya.

"Ah h ehh sorry po, nagandahan lang kasi ako sa katawan nyo" palusot ko naman

"Ahh ganun ba sir? Alaga sa Gym yan kaya medyo maganda hubog sir" ang sabi naman niya

Tumagal pa ang aming kwentuhan at naging maayos na ang pakikitungo namin sa bawat- isa, medyo pansin ko din na kanina pa may mga pahiwatig si Mang Mando pero sympre nagbago na ako hindi na ako basta-basta bibigay sa mga pag-aakit niya.

Ilan saglit pa ay nakarating na kami sa Boarder ng aming lugar medyo mahaba ang pila bago makapasok dahil me check point

Noong nakalapit na kami sa check point ay sakto sa tapat ng bintana ko ang isang pulis, alam ko naman na maghihingi ito ng ID kaya naman naghanap na agad ako, hindi ko na pansin na binaba na pala ni Mang Mando ang bintana ng sasakyan.

Habang abala ako sa paghahanap ng Id ay narinig ko ang pulis na nag salita at doon ay napatigil ako sa aking ginagawa

"Good morning sir ID po for security purposes po"

Alam ko at pamilyar ang boses na nagsalita, nag alangan ako sa pagharap sa kaniya pero wala akong magawa kundi tumingin sa kaniya

Tama nga ang hinala ko ang lalaki ngayon na nasaharapan ko ay walang iba kundi si Sir Gerald.

Gulat na gulat ito noong makita ako hindi ito agad makapaniwala na kaharap niya ako. Hindi ko naman ito kinausap kaya biniga ko nalang ang ID ko na siyang tinangap niya habang nakatingin parin saakin

"JV" ang mahinang sabi ni Sir Gerald

Hindi na muli nag salita ito ng sumingit si Mang Mando

"Boss ayos na ba? Medyo malalate kami sa appointment namin" ang sabi ni Mang Mando kay Gerald

"Okay na Boss salamat" sabi ni Gerald

Isasara na sana ni Mang mando ang bintana ng sasakyan ng muling pigilan ito ni Gerald

"Ano po yun boss" tanong ni Mang Mando

"Ingatan mo yang kasama mo ha! Mahalaga siya saakin" ang sabi ni Gerald kay Mang Mando at doon ay umalis na nga kami ni Mangando

Naging tahimik ako pagkatapos ng pangyayari iyon kaya naman hindi ko narin namalayan na nakarating na pala kami sa bahay.

"Sir JV andito na po tayo" ang sabi ni Mang Mando

" Ahh ehh sorry andito na pala tayo pasensya na po" ang sabi ko naman

"JV kilala mo ung pulis kanina? Mukang importante ka sa kanya " usisa ni mang Mando

"Ah eh opo, kaibigan ko dati, pero dati po yun ngayon hindi na" sagot ko naman.

"Boyfriend mo?" Diretchong tanong ni Mang Mando.

"Ha? Ano po" sagot ko naman

"Kala mo ba hindi ko halata na silahis ka? Haha mga tingin mo palang saakin mukang gusto mo akong kainin" sabi ni Mang Mando

"Hehe , una hindi ko po nahing boyfriend si Sir Gerald kaibigan lang talaga na ako lang ang nagpahalaga, tama na ngayan mang Mando baka masyado kanang naabala una na ako salamat sa paghatid" ang sabi ko kay Mang Mando

"Salamat din Pero..sir"

"Ano po mang Mando?" tanong ko sa kanya

"Wala banag goodbye kiss man lang saakin" ang sabi ni Mang Mando

Natawa lang ako sa sinabi ni Mang Mando at mabilis din akong bumaba, nakita ko na tumatawa rin siya kaya alam ko na biro lang niya iyon.


Nakahiga na ako sa aking kama para matulog,  pero kahit anong gawin ko hindi parin maalis sa isip ko ang muling pagkikita namin ni Gerald , dumagdag pa yung sinabi niya na mahalaga ako sa kanya.

Mag-aalas dos na ng madaling-araw ng hindi parin ako makatulog kaya naman napag desisyunan ko na magkape nalang sa labas ng bahay.

Habang nagkakape ay naisipan ko rin magbukas ng cellphone para ma i-check ko naman ang aking mga social media accounts.

Habang ginagawa ko ito ay may narinig ako na isang parating motor, hanggang sa makita ko ito na tumigil sa harapan ng aming gate, nagulat ang nakasakay sa motor ng makita ako kaya mabilis itong umalis.

Ako naman ay napatulala nalang sa aking nakita, kahit na malayo ay hindi ako maaring magkamali kung sino ang taong iyon.

Alas-kwatro na ng umaga ng bumalik ako sa kwarto at doon ay nakatulog na ako.

Halos tanghalian na ng magising ako sabado naman ngayon kaya walang ibang gagawin sa lunes pa kasi ako mag-sisimula mag trabaho sa kapitolyo sinabi ko rin ang magandang balita kay Nanay at Tatay at halata sa mga ngiti nila ang saya.

Pagkatapos kumain ay napagdesisyunan kong lumabas muna para naman makapag relax, naisiapan ko na puntahan ang mga sikat na Art Gallery  malapit sa lugar namin, ganun din ang tindahan ng bulaklak dahil balak ko rin pasyalan ang puntod ni Ian.

Natapos ko puntahan ang Art Gallery nakabili narin ako ng bulaklak para kay Ian kaya naman sumakay na ako ng tricycle para magpahatid sa simenteryo.
Buti nalang at tanda ko pa saan nilibing si Lola Ester malamang doon din nilibing si Ian.

Pagkababa ng tricycle ay konting lakad lang ay narating ko nga ang puntod ni Ian, dito ay taimtim akong nagdasal tumutulo ang luha ko hindi sa galit kundi sa awa sa nangyari kay Ian, isa ngayon ang gusto ko mangyari ang malaman ang tunay na pumatay sa kanya.

Hindi narin ako nag tagal pa at aalis na sana  ng mapansin ko na may parating na isang pamilyar na sasakyan kaya naman mabilis akong nagtago sa likod ng isang nityo na malapit.

Tama ang hinala ko bumaba mula sa sasakyan si Mark mag isa lang ito at may dalang bulaklak. Pagbaba nito ay parang nagtataka ito na may bagong bulaklak  ang nakalagay sa puntod ni Ian, patingin tingin si Mark sa paligid na tila may hinahanap at noong wala itong makita ay naupo nalang sa tabi ng puntod ni Ian, medyo malayo ako pero kitang-kita ko na tumutulong ang luha ni Mark habang nakatingin ito sa libingan ni Mark

Ilang minuto pa ang nakalipas ay napansin ko na pa-aalis na ito, nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa pag alis niya ay makakaalis narin ako.

Lumakad ito palayo sa puntod ni Ian, at noong hindi ko na ito natanaw ay siyang labas ko sa aking pinagtataguan dumaan muli ako sa puntod ni Ian at muling nag paaalam dito ngunit laking gulat ko ng may biglang magsalita mula saaking likuran.

"Alam ko na kanina ka pa andiyan alam mo kahit hindi man kita nakita malakas ang pakiramdam ko na andito ka lang sa paligid" ang sabi ng isang oamilyar na tinig

Alam ko na si Mark ito kaya  hinarap ko ito ng may tapang.

"Mark"

"JV" sagot niya.

"Mauna na ako" ang sabi ko sa kanya at mabilis na tumalikod at lumakad palayo kay Mark

Pero hindi paman ako tuluyang nakalalayo ay may isang mahigpit na yakap mula sa aking likuran ang nagpatigil saakin.


ANAK NI GOVTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon