Napahinto nalang ako at nanatiling nakatitig kay Mark noong mga sandaling nakita ko ito, parang nawala lahat ng tao sa paligid ko, walang salita akong maisip na sabihin sa kanya sa sobrang pagkabigla ko. Hanggang sa nabalik nalang ako sa katinuan noong kausapin ako ng isang nurse na kasama ko sa pag-aayos kay VJ.
"ah ehh Excuse me Doc, Doc, Doc" ang paulit-ulit na tawag saakin ng nurse
" Ah sorry ano yon?" Balik ko naman dito
" Ayos ka lang ba Doc? " Tanong niya
" Oo naman akin na nga yang reseta"
Pagkabigay nya saaki ay lunapit na ako sa yaya ng bata at kinausap ko si ito, habang nasa harapan ko ngayon si Mark na tila hindi makapaniwala na nakikita niya ako ngayon, Nanatiling tkom ang bibig ni Mark sa mga sandalinh iyon at nakinig lang ito sa mga sinasabi ko sa yaya ng bata.
Habang ibinibigay ko ang mga gamot ni VJ ay siya namang dating ni James na tila nagmamadali at may hinahanap.
"Oh Doc. James anong meron? May hinahanap kaba?" Ang tanong ko dito
Bago paman makasagot si James ay siyang malakas na pag-tawag ni VJ sa kanya
" Tito James! Tito James! I'm Here!"
Nagulat naman ako sa aking narinig Tinawag na tito ni VJ si James, pero mas nagulat ako sa sumunod na dumating walang iba kundi si Vanessa ang ina ni VJ at asawa na ni Mark.
"Oohhh Baby What Happen to you?" Ang mabilis na sabi nito sa anak.
" Im okay na Mommy, Ginamot ako ni kuya Doc" sabay turo saakin,
Nakita ko na tumingin si Vanessa sa akin at doon nagulat ito ng makita ako.
"JV " ang nasabi nalang ni Vanessa
"Hi Vanessa" ang balik ko naman dito.
Nagulat si James na magkakilala kami ni Vanessa kaya nag-tanong naman ito agad.
"Wait.... Wait.. Ate Vanessa Kilala mo si Doc JV?" Ang tanong nito kay Vanessa
" Yes James kilalang-kilala ko si JV , siya lang naman ang pinakamamahal na kaibiga/kapatid nitong kuya Mark mo"
Kayo magkakilala na ata kayo? Balik na tanong nito kay James.Tila nagulat si James sa mga sinabi ni Vanessa, habang si Mark naman ay nanatili paring matahimik ng mga oras na yoon.
"by the way thank you JV at hindi mo pinabayaan itong si VJ ang kulit kasi nito,
Si James nga pala ang Bunso kong kapatid, dito siya nag trabaho before kaya siguro magkakilala na kayo, ikaw JV hindi mo sinabi na isa ka palang Doktor" ang paliwanag at pag-usisa ni Vanessa.Hindi ko alam pa ang sasabihin ko sa kanila matapos kong malaman ang tungkol sa relasyon ni James at Vanessa ganun din ang mararamdan ko ng makita kong muli si Mark, kaya minarapat ko nalang magpaalam sa kanila.
"Ah mauna na ako dahil may mga kailangan pa akong ayusin" at doon ay mabilis kong nilisan ang emergency room ng hospital, kakausapin pa sana ako ni James pero naging mabilis ang aking pag alis.
Nagtungo ako sa aking quarter para doon isipin at pagmuni-munihan ang mga nangyari, naiinis ako sa aking sarili dahil ni katiting na galit ay di ko naramdaman noong nakita ko si Mark kundi kakaibang saya at pagkasabik.
Alam ko sa isip ko na hindi na namin maibabalik ang nakaraan ni Mark, at mukang masaya naman na ito kay Vanessa at ngayon ay may anak a sila ang cute na si VJ.
Lumipas ang maghapon na hindi maalis sa isip ko si Mark, ginawa ko nang busy ang maghapon pero Si Mark parin ang laman ng isip ko hanggang sa matapos ang duty ko.
Mag aalas nuwebe na ng gabi ng matapos ko ang trabaho kaya naghanda na ako para umuwi, nakalabas na ako ng hospital at naghihintay nalang ng masasakyan ng may isang Malaking itim na sasakyan ang pumarada sa aking harapan kasunod noon ay ang mabilis na pagbaba ng tao sa harapan at pagbukas ng pintuan at doon ay mabilis akong ipinasok sa loob ng sasakyan at mabilis din itong umandar palayo sa hospital. Sisigawa sana ako dahil sa takot ng may isang- pamilyar na boses ang nag-salita.
"Alam mo na saan tayo Pupunta " ang utos nito sa Driver.
Doon ko nakita ang taong nag sasalita ay walang iba kundi si Mark. Mabilis akong umayos ng upo, wala naman akong balak kausapin ito, isa pa alam ko na hindi ako sasaktan kaya nanahimik nalang ako.
Nasa sampung minuto ang nagdaan ng marting namin ang isang kilalang Condominium sa lugar at doon ay pumasok kaming dalawa ni Mark. Nang makapasok na ako ay naupo ako sa isang upuan sa sala , nakita ko na papalapit si Mark sa akin.
Tinitigan ko ito sa mata para alam niya na galit ako sa ginawa niya pero nakipag-titigan ito saakin hanggang sa naupo ito sa aking tabi na nakatitig parin ang mga mata. Nagulat nalamang ako ng kuhanin nito ang aking mga kamay at sabay sabing..
" Suntukin mo na ako JV, Suntikun mo na"
Ako naman ay nanatiling nakatitolig lang sa kanya
"Suntukin mo na itong taong gago na minsan mong nakilala, ano pa suntukin mo na ako " ang pasigaw na niyang sinabiNaawa ako kay Mark pero gusto ko iparamdam sa kanya ang sakit ng naramdaman ko noong panahon na iyon.
"Uuwi na ako Mark pagod ako".
ang nasabi ko nalang sa kanya at tumayo ako mula sa pagkakaupoSorry".
ang kasunod na sabi niya at mabilis akong niyakap habang nakatalikod ako at doon na bumuhos ang aking mga luha na matagal na na-ipon dahil sa sobrang sakit ng loob kay Mark, naramdaman ko din na umiiyak na rin ito. Naging masaydong emosyonal ang mga sumunod na sandali sa pagitan namin ni Mark tanging mga iyak ang maririnig sa buong kwarto.Nanatili lamang kami sa ganoong pwesto walang pag-uusap kundi puro iyak lang ang aming nagawa.
Lumipas pa ang mga minuto at maluwag na ang damdamin ko naibuhos ko na ang mga luha ko para kay Mark, lumakad ako papunta sa may lamesa dahil may nakita akong isang bote ng mineral water, kinuha ko ito at uminom lumakad akong muli papalapit kay mat at inabot ko naman sa kanua ang sobrang tubig para makainom din ito at doon ko muling nasulyapan ang gwapong pagmumuka ni Mark.
"Thank you JV" ang sabi nito bago uminom.
" Pwedi naba tayong mag usap" kasunod na sabi pa ni Mark.
Pumayag na akong mag-kausap kami ni Mark naupo kaming muli at doon ay ipinaliwanang ni Mark ang mga nangyari bago ang pag-amin ni Vanessa na buntis ito at ang mga nangyari noong nawala ako sa tabi niya.
"Alam mo ba JV marami ang nagbago simula ng hindi kita nakikita, pakiramdam ko kaaway ko na ang lahat napakahirap mawalan ng kapatid" ang sabi niya
Nanatili lang akong nakikinig sa kanya hanggang sa magtanong ito saakin.
"Bakit ka pala biglang nawala?"
"Para sayo ang ginawa ko Mark".
ang sabi ko sa kanya" Anong para saakin hindi ko maintindihan"
"Tulad ng sabi ko gusto kong maging maayos ka kayo ni Vanessa, alam ko kasi na mas magagawa mo yon pag wala ako sa tabi mo"
Pagkasabi ko noon ay siyang biglang pagyakap ni Mark saakin at mabilis na paghalik saaking mga noo
"Hindi mo kailangang gawin iyon JV mas komportable ako pag kasama ka tandaan mo yan Mahal na Mahal na Mahal kita yan ang ilagay mo lagi sa isip mo"
BINABASA MO ANG
ANAK NI GOV
RomanceIto ay kwento ng Pagkakaibigan at Pagmamahalan. Sino ang unang Bibigay? Disclaimer: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of t...