Isa ang malinaw sa ngayon nag kita na nga kami ni Dex pero hanggang sa mga oras na ito ay hindi ko talaga maalala.
Kinabukasan ay naging maayos naman ang pakikitungo ng mag-kakapatid saakin kahit na ganoon si Drei ay patuloy parin naman ako kinakausap nito. Naging madalas din ang pag dalaw saakin ni Gerald at si Atty Alli ay ganun din.
Sa paglipas ng mga Araw ay uti-unti ko nang nakabisado ang pamumuhay sa kulungan. Sa araw-araw ay ibat,-iba ang mga gawain namin tulad ng mga pag- gawa ng mga disenyo mula sa kahoy at iba pa bilang bahagi ng proyekto para sa mga bilango.
Nakilala ko rin ang limang lalaki na laging nagtatangka sa akin sila pala ang tinatawag na V5 sa kulungan pero hindi nila ako magalaw dahil protektado ako ng tatlong magkakapatid na isa din sa kinakatakutan dito.
Lumipas pa ang mga buwan sa kulungan ay patuloy na akong nasanay sa loob ng selda, un nga lang kapansin-pansin ang naging pagdalang ng pagbisita ni Sir Gerald samantalang si Nanay at Tatay naman ay hindi naman makadalaw lagi dahil sa iniindang sakit nila, mas nag-aalala nga ako dahil hindi ko man lang sila matignan.
Sa loob ng isang buwan ay nasa 3 beses nalang kung dumalaw si Gerald at habang patagal ng patagal ay Halos hindi na nga ako magawang dalawin nito dahil daw sa dami ng trabaho, hanggang sa may mga buwan na hindi man ako nito napuntahan, medyo nagtataka ako at nalulungkot napapaisip na nga lang ako na baka tuluyan na nga akong kinalimutan ng isang lalaki na tinuring ko bilang kapatid at higit pa sa kapatid.
Nagising ako sa ingat na nangagaling salabas hudyat ito na kaylangan na naming tumayo mula sa pagkakahiga tulad ng regular naming ginagawa mag eehersisyo lang at pipila na sa kainan.
Pero iba ang araw naito dahil saktong siyam na buwan na pala akong nakakulong at halos 5 buwan nang walang dalaw malungkot mang isipin na tuluyan na akong kinalimutan ng mga taong tinuring kong pamilya pero ganoon talaga kaylangan ko magtiis at maging matatag, buti nalang at andiy an ang tatlong magkakapatid na patuloy na kasanga ko dito sa loob ng selda at si Dex na kahit hindi ko man aminin ay unti-unting nagkakaroon ng parte sa aking puso.
Kung tinatanong nyo kung may nangyari na sa pagitan namin ng mag-kakapatid
ang sagot ay WALA!Oo ganoon ako prinotektahan ni Dex wala ni isang magbalak na galawin ako dahil alam nila na hindi maganda ang mabgyayari sa kanila.
Habbang naglilinis ako dito sa kusina ay biglang lapit naman ng isang Jail Guard saakin
"JV may dalaw ka pumunta kana sa visiting Area bilisan mo" ang sabi ng Jail Guard
Nagtataka ako kung sino ang taong nakaisip na dumalaw sa akin naisip ko na baka si Gerald ito kaya mabilis din akong nagtungo sa Visiting Area.
Pagpasok ko sa loob ay medyo konti lang ang tao kaya naman laking gulat ko ng makita ko kung sino ang dumalaw saakin
maygalit man akong nararamdaman ay lumapit parin ako dito ng buong tapang."Anong ginagawa mo dito" tanong ko
"We need to talk" ang sabi niya
"Ano para saan? " ang sabi ko kay Mark
Hindi ko maaring ipinakita kay Mark na nahihirapan ako dito sa loon kaya naman umupo ako kaharap nito, kapansin pansin na panay ang tingin nito saakin , pumayat kasi ako sa loob at nangitim dahil din sa stress at puyat ay napabayaan ko na ang sarili ko.
"Magsalita ka" ang sabi ko kay Mark
"Matagal akong nagipon ng lakas ng loob para kausapin ka JV! alam mo JV hanggang ngayon hindi parin ako " ang sabi ni Mark
BINABASA MO ANG
ANAK NI GOV
RomanceIto ay kwento ng Pagkakaibigan at Pagmamahalan. Sino ang unang Bibigay? Disclaimer: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of t...