Natapos kami sa paliligo ni Gerald at doon ay mabilis din kaming lumabas ng kwarto, sakto na nakahain na ang pagkain na aming pagsasaluhan.
"Oh iho tara na at makakain na" aya ni Nanay Eva
"Salamat po" tugon ko
Magkatabi sa upuan si Maricar at Gerald samantalang magkatabi kami ni Nanay Eva masaya naming pinagsaluhan ang masasarap na luto ni nanay, pansin ko rin na masaya si Gerald kay Maricar kaya naman masaya narin ako para sa kanya, balak ko narin kausapin si Gerald mamaya na itigil na namin ang mga nangyayari sa pagitan namin upang hindi na makasira sa pamilya nya sympre mananatili parin kaming magkaibigan.
Natapos kaming kumain at naghahanap lang ako ng tamang oras para makapag usap ni Gerald buti nalang at nagkaroon kami ng pagkakataon ni Gerald na magusap ng kaming dalawa lang noong inaya niya ako na pumunta muli sa water falls upang makita muli ito at doon ako nakakuha ng tympo para sabihin sa kanya ang gusto kong sabihin.
Noong naroon na kami at naupo sa tabi ng malaking bato sa umpisa ay parang hindi ko kaya pero dapat ko nang sabihin sa kanya kaya lakas loob ko itong kinausap.
"Gerald"
"Bakit JV?" Tanong niya
"Ahh ehh maysasabihin sana ako sa'yo pero wag kang magagalit" sabi ko
"Cgue ano?" Sabi naman ni Gerald
"Alam mo naman na parte kana sa puso ko, mahalaga ka sa akin pero ngayon na magkakapamilya kana, ngayon na andiyan na si Maricar, pwedi bang last na ung nangyari saatin kanina" mahinahong sabi ko
Pero napansin ko na nagiba ang tabas ng muka ni Gerald halatang nagalit ito sa sinabi ko, walang paalam itong tumayo mula sa aking tabi.
"Bahal ka nga jan mag isa" sabi ni Gerald
"Uy oh sandali saan ka pupunta" ang sabi ko sa kanya sabay habol sa kanyang paglakad
"Uuwi bahala ka" sagot niya
"Uy teka nga" sabay hawak ko sa kanyang mga mata
"Bakit" tanong niya
"Wala namang masama sa sinabi ko diba? At sa tingin ko iyon ang tama" sabi ko sa kanya
"Anong tama don JV? Nilalayo mo nanaman ang sarili mo saakin, OO magkakapamilya na ako pero walang magbabago sa atin tandaan mo yan" at doon nga ay mabilis akong iniwan nito
Halatang hindi siya sangayon sa mga sinabi ko, sinakay naman niya ako pauwi sa bahay nila pero galit parin ito, pag dating sa bahay nila ay tumuloy agad ito sa kwarto nila at doon ay iniwan ako mag isa sa sala kaya nahiga nalang ako sa sopa at doon ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Nagising ako dahil sa malakas na pagtunog ng aking cellphone at noong aking tignan ang tumatawag ay mula sa isang landline user, kaagad ko naman itong sinagot.
"Good evening can i speak to Mr. JV" tanong ng babae sa kabilang linya
"Yes, speaking" sagot ko
"This is from The Genxx Medical City"
Kinabahan at nagtaka ako ng marinig ang pangalan ng sikat na hospital na matatagpuan sa isang malaking lunsod bakit naman sila tatawag hindi naman ako nag apply sa kanila kaya minarapat ko na pakingan nalang ang nasa kabilang linya.
"Tinawagan po namin kayo to inform you na Mr. Alli is here and naka admit sa ICU due to Accident since kayo po ang huling kausap niya kayo po ang aming unang tinawagan please pumunta po kayao dito agad Mr. Alli is in critical condition.
Hindi na ako nakapagsalita pa ng marinig ko ang sinabi ng kausap ko mula sa kabilang linya tumulo nalang bigla ang luha ko dahil nalala ko gaano kabait si Alli saakin, wala na ako dapat sayangin pang oras kaylangan ko nang makapunta roon.
Saktong palabas naman si Gerald ng Makita niya ako na umiiyak, doon ay sinabi ko sa kanya ang nagyari kay Alli nag presinta ito na samahan ako na puntahan si Alli, hiniram niya muna ang sasakyan ng pinsan niya para mas mabilis namin marating ang lugar.
Halos dalawang oras naming binyahe ang papunta sa hospital. Pagpasok palang sa hospital ay malakas na ang tibok ng aking puso, hindi ko alam pero parang may mali sa mga sandaling iyon.
Saktong pagdating ko sa ICU ng Hospital ay siyang bigalang pagbagsak ng aking mga luha dahil sa naubutan ko, si Alli na pilit ni rereviveng mga doktor.
Inalalayan ako ni Gerald ng mga sandaling iyon hanggang sa marinig ko ang katagang ayaw ko sanang marinig
"Time of Death 9:30 pm"
Dito na mas bumuhos ang luha ko, dito nako hindi nakapagpigil pa at pumasok sa ICU bed kung asaan si Alli Hidi ako napigilan ng kahit sino na naroon basta ang gusto kong gawin ay mayakap man lang si Alli
" Andaya mo Alli sabi mo mamasyal tayo gumising ka jan! gising na" ang sinasabi ko ng paulit-ulit habang patuloy ang aking pagiyak
Medyo matagal ako sa ganoong posisyon ng itayo ako ng isang babae na hindi ko naman kilala at doon ay niyakap ako nito, naluha ito habang niyayakap ako
"Alli is with his Dad now" ang sabi ng babae
Nahimasmasan naman na ako ng mga oras na iyon luamabas kami ng ICU room at dinala na si Alli sa isang funeral parlor sinundan naman namin ito kasama parin ang babae na hanggang ngayon ay hindi ko kilala.
Habbang hinihintay maiayos si Alli ay kinausap ako ng babae
"You are JV right" sabi niya
"Yes po" sagot ko
"I'm Imelda Alli's Mom" sabi niya
Doon ay nagulat ako dahil ang kanina pa'palang kasama ko ay ang nanay ni Alli
"Alam mo iho Alli is Very Very happy noong nakalaya ka, he's very proud of her self dahil he won the biggest case na hinawakan niya and hindi lang un you know iho you are very special kay Alli" sabi ni Mrs. Imelda saakin
Doon ay tila gumaan na ang loob ko ng marinig ang mga sinabi niya , marami pa ito naikwento habang hinihintay namin na ma Cremate si Alli, halos lahat pala ng nagyayari sa aking buhay ay naikwento na ni Alli sa Family nya hindi daw kasi masiktretong tao si Alli pero isa ang kinagulat ko sa mga si nabi ni Tita Imelda.
"Mahal ka ni Alli at ang bilin niya ay wag ka naming pababayaan " sabi ni Tita saakin
At doon muling tumulo ang aking mga luha. Natapos ang halos tatlong-oras na pag hihintay na makalabas ang mga abo ni Ali at maiiuwi namin ito sa kanilang tahanan.
Isang araw lang ang naging burol ni Alli base narin sa mga gusto niya noong nabubuhay pa ito, kaya kinabukasan ay inilibing narin ito. Nangako naman ako kay Tita na dadalawin sila lagi para mangamusta.
Inihatid narin ako ni Gerald sa aming bahay para makapagpahinga dahil bukas ang simula ng trabaho ko kay Gov. Arnaldo ang tatay ni Dave.
BINABASA MO ANG
ANAK NI GOV
RomanceIto ay kwento ng Pagkakaibigan at Pagmamahalan. Sino ang unang Bibigay? Disclaimer: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of t...