Pagkagising ko ay wala na sa tabi ko si Mark, mukang alam ko na kung asan ito kaya naghilamos muna ako bago lumabas ng kwarto at tama nga ako masayang nag kukwentuhan si Mark at ang pamilya ko sa labas, malalakas na tawanan at me konting tuksuhan pa sila halatang miss na miss ni Mark ang mga ganitong tagpo.
Lumapit ako sa kanila at doon ay nakisalo nadin sa kwentuhan, pag katapos noon ay inaya ko si Mark na mamalengke tuwang-tuwa ito dahil bihira itong maka punta sa mga ganitong lugar, pagkatapos namin mamalengke ay dinaanan narin namin si Gerald sa Presinto para dalan ng konting miryenda at doon ay nag kwentuhan saglit at sympre hindi mawawalan ang tuksuhan.
Pag dating sa bahay ay niluto muna namin ang aming mga pinamili at noong natapos na ay sabay-sabay namin ito pinag saluhan.
Medyo napagod kami sa mga ginawa namin sa loob ng maghapon kaya naman natulog muna kami ni Mark dahil mamaya lang ay aalis muli kami dahil doon kami magpapalipas ng gabi sa bahay nila , hindi pa kasi nakikita ni Tita Gov si Mark.
Mag aala-sais na ng gabi ng lisanin namin ang aming bahay para pumunta sa bahay nila Mark at saktong ala-syete ng marating namin ito medyo kapansin-pansin na tila medyo maraming tao sa bahay nila kaya tinanong ko si Mark.
"Mukang may Party?"
"Nag set kasi si Mommy ng welcome party para saamin kaya inaya din kita dito" ang sabi nito
Pagkapasok namin sa bahay nila ay siyang pagbati nila kay Mark halos lahat naglapitan rito, ibat-ibang tao ang narito may kamag-anak, kasanga sa pulitika at mga ka trabaho ni Tita Gov at ganun din ni Mark, Lumayo muna ako saglit kay Mark at pumunta muna sa catering para kumuha ng maiinom.
Noong halos lahat na ay nakamayan at nakausap na ni Mark napansin ko na palingon-lingon ito at tila may hinahanap at noong nakita niya ako ay mabilis ito lumapit at hinila ako papunta sa sa isang lugar kung asaan ang kanyang kapatid na si Ian at ang kanyang mag-iina.
"Heyyy hello everyone " ang sabi Ni Mark
Sinalubong naman siya ng kanayang anak na si VJ
"Daddddy Daddddy saan ka galing?" Tanong nito
"Baby i need to catch up with Daddys special friend and you know baby may surprise si Daddy sayo"
" Wow daddy" ang sabi ni VJ.
"Eto ang surprise ni Daddy sayo" doon ay mabilis ako hinila ni Mark mula sa labas ng pinto halos mataob-taob ako sa pagkahila niya sa akin.
"Meet you Tito Ninong" ang sabi ni Mark sa Anak.
" Wow Doc JV" ang sabi ni VJ sabay lapit nito sa akin at mabilis itong yumakap.
"Daddy Is Doc JV really my Ninong?" Ang tanong ng anak niya.
"Oo anak , busy lang si Tito JV mo kaya he did not make it na makaantend sa binyag mo. Ang paliwanag ni Mark sa Anak.
Masaya ako sa mga narinig ko alam ko naman talaga na inaanak ko si VJ dahil mula pa noon pinag-usapan namin ni Mark na magiging inaanak namin ang mga anak ng bawat isa saamin.
Pag katapos noon ay lumapit naman ako kay Vanessa para kausapin ito at doon ay nag kakwentuhan kami ng mga nangyari sa kanila at doon nga niya binangit saakin ang mga nangyari kay Mark noong panahon na nagkagalit kami katulad din ito ng mga sinabi ni Mark.
Sakabila nito may isang tao akong napansin na tila kanina pa iwas sa akin ni bumati ay hindi din nito nagawa hindi ko maintindihan bakit ganito siya hindi ito tulad ng dating noong una ko siyang nakilala ano kayang nangyari kay Ian? Ang tanong ko nalang sa isip ko.
Habang masayang nag sasalo-salo ang lahat sa bahay nila Mark ay siya namang pag-aalala ko kay Ian kaya nag isip ako ng paraan pano ko ito makakausap.
Napansin ko na paalis na ito sa Lugar kung saan nagaganap ang kasiyahan kaya minarapat ko itong palihim na sundan umakyat ito sa taas kung saan matatagpuan ang kanyang kwarto at noong nasa tapat na ito at papasok na ay siyang mabilis kong tulak sa kanya kaya mataob-taob itong napapasok sa kwarto mabilis din akong pumasok at sinara ko ang pinto.
"What the f*ck" ang angas nitong sabi
"Hoy unayaos ka nga Ian kala mo ba hindi ko napapansin na hindi mo ako kinakausap" ang sabi ko sa kanya
"Pagod ako kaylangan ko nang mag pahinga" ang sabi nito at nahiga sa kama
" Wait bakit kaba galit saakin? Ano ba ang nagawa ko Ian? " Tanong ko
"I said pagod ako can you please leave me alone" sabi nito bago nagtalukbong ng kumot
Agad naman akong lumapit dito at doon ay buong lakas kong hinila ang makapal na kumot na bumabalot sa kanya kaya tumambad saakin ang gwapo niyang muka
" Ano bang problema mo JV" ang pasigaw na tanong nito sabay upo mula sa pagkakahiga
"Ikaw ano bang kinagagalit mo saakin" sabay lapit ko naman sa kanya
"Gusto mo malan? Gusto mo?" Ang gisil na tanong ni Ian saakin na halos magkadikit na ang muka namin
Bago paman ako maka sagot ay mabilis na niyang inangkin ang aking mga labi at doon ko muling naramdaman ang tamis ng paghalik ni Ian, naging maalab ang mga unang sandali ng aming paghahalikan bago ito bumitaw saglit at nag salita.
" lIkaw ang problema ko JV dahil Mahal Kita"
Ako naman ay tila nabingi sa narinig ko kay Ian
"Mula noong nag away kayo ni kuya ay umasa ako na mapapasakin ka pero ngayon na mukang okay nanaman kayo nawalan nanaman ako ng pag-asa na mahalin ka" ang lumuluhang sabi ni Ian
At doon ay muli niya akong hinalikan Labi sa Labi, dila sa dila at laway sa laway at noong akmang huhubaran na ako ni Ian ay parang bigla nalang akong natauhan at doon ay mabilis ko siyang tinulak palayo.
" Sorry Ian Sorry" ang nasabi ko nalang sa kanya, mabilis kong nilisan ang kanyang silid at tumungo agad sa katabing kwarto na alam ko na quest room nila pumasok ako at sinandal ko ang aking sarili sa likod ng pinto madilim ang paligid at hindi ko na sinindi pa ang ilaw, doon ko binuhos ang mga luha ko dahil sa mga narinig ko kay Ian.
Patuloy ang pag agos ng aking luha ng may biglang nagbukas ng ilaw sa silid at nagsalita.
" Tama nayan sigurado ako mahal ka noon"
Dahil sa gulat at dahil pamilyar ang boses ay minarapat kong tignan ang taong nag salita at doon nakita ko ang taong nag salita pala ay walang iba kundi si.........
Author's Note:
Maraming salamat Sa lahat ng bumabasa at patuloy na sumusuporta saatin
New Normal na tayo kaya Konting pasensya sa mabagal na update.
Vote !
BINABASA MO ANG
ANAK NI GOV
RomanceIto ay kwento ng Pagkakaibigan at Pagmamahalan. Sino ang unang Bibigay? Disclaimer: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of t...