(46) GOV. ARNALDO

3.5K 185 48
                                    

Maaga akong gumayak para sa unang araw ng trabaho sa kapitolyo, sa totoo lang hindi ko alam anong posisyon ang ibibigay sa akin ni Gov- Arnaldo.

Mag aalas siyete ng unaga ng marating ko ang kapitolyo, nag txt ako kay Dave na nasa labas lang ako , nag reply naman ito na papunta narin at hintayin ko lang daw siya.

Nagkita nga kami at kasama niya rin si Gov. Arnaldo binati naman ako nito at kinamusta

"Oh ih handa kanaba sa bago mong trabaho" tanong ni Gov sa akin

"Opo and it's my pleasure to work with you Gov" sagot ko

Inaya niya ako na dumalo sa flag raising ceremony kasunod noonnay nag salita ito sa harap ng bawat empleyado, dito ay maraming bilin ang matandang Gobernador, halos lahat naman ito ay para sa ikagaganda ng lalawigan, pero bago paman matapos ito sa kanyang pananalita ay siyang tawag niya saakin papunta sa harapan.

"Oh siya nga pala ngayon araw na ito ay gusto ko ipakilala sa inyo si Dr. Jiroh Vladir Viliaz or Dr. JV he's young but his very wise and talented, samahan ninyo ako na i-welcome ang bago nating provincial Administrator Dr. JV

Doon nga ay nagpalakpakan ang lahat, ako naman ay tila hindi parin makapaniwala sa aking narinig dahil, isa sa pinakamataas na pwesto ang ipinagkatiwala ni Gov saakin

"Congratulations JV" sabi ni Dave sabay yakap saakin

Nagulat ako sa mga kinilos ni Dave

"Thank you Hindi ko expect na ganito agad ang posisyon ko Dave"

"As i told you, you deserve all of that" sabi naman ni Dave

Inaya ako ni Dave na umakyat muna sa opisina ni Gov doon ay masaya kaming nag salo sa inihandang almusal. Pagkatapos ng kainan ay nag paalam na si Dave saakin dahil pupunta muna ito sa kanyang munisipyo.

"JV ako ang susundo sayo mamaya " ang sabi ni Dave bago ito umalis

Naiwan kami ni Gov at doon nga ay may mahalagang bagay itong sinabi saakin.

"JV"

"Yes po Gov" sagot ko

"Gusto kong maging totoo sayo you know naman ang nagyari sayo ang alam mo na isa sa consequence niyan ay hindi na maalis sayo" sabi ni Gov.

"Opo and I'm very thankful po sa inyo for thrusting me" sagot ko

"Gusto kitang tulungan JV" sabi ni Gov

"Natulungan nyo na po ako dito palang sa binigay ninyong trabaho" sabi ko naman

"No JV hindi lang sa trabaho"

Ipinakita ni Gov ang isang folder saakin

"Noong araw na nakilala ka namin ay agad kitang pina imbestigahan sa aking mga imbestigador, halos lahat nalaman ko na sayo" siwalat ni Gov

Medyo nalungkot ako dahil hindi pala buo ang tiwala niya saakin.

"Wag kang malungkot diba sabi ko tutulungan kita, pero kaylangan mo rin akong tulungan iho" sabi ni Gov

"Ano po?" Sagot ko naman

"Gusto kitang tulunga na maging matatag iho, ayoko na muli kang makita na isang talunan gusto kitang hasaain na maging matapang at malakas para pag nakaharap mo ulit ang pamilya ni Mark ay hindi ka parang isang batang paslit na yuyuko nalang sa kanila"  seryosong sabi ni Gov

"Pero bakit nyo po gagawin yon?" Tanong ko sa kanya

"Dahil nakita ko sayo ang sarili ko noon iho ganyang-ganyan ako noon talunan malamya pero may isang taong tumulong saakin at isa pa dahil ikaw lang ang nakita ko na mabuti kang kaibigan para kay Dave at mukang kaya mo akong tulungan sa misyon ko kay Dave" sagot ni Gov

"Ano po misyon nyo kay Dave?  tanong ko

"Gusto ko na kumbinsihin mo si Dave na tumakbo sa pag ka Gobernador ng lalawigan sa susunod na eleksyon or else"

"or else ano po" tanong ko naman

"IKAW ANG TATAK O SA PAGKA GOBERNADOR"

gulat na gulat ako sa mga sinabi ni Gov, halos lahat ng sinabi niya ay ni minsan ay hindi pumasok sa isipan ko.


Andito ako ngayon sa aking opisina wala naman ako masyado pang ginagawa bukod sa pag pirma sa ilang mga dokumento at ang pagkakabisado sa mga bilin ni Gov. Napakarami kasi nito bilin kanina lahat daw ng ito ay para saakin para daw maging matatag ako kahit na makaharap ko pa si Tita Gov, may mga tao din itong pinapunta sa opisina hindi para sa trabaho kundi para sa akin , pina pa train niya ako sa isang personality Development course , ito ung mag tuturo sayo pano makisalo sa mga may kaya , pano mo sila haharapin at pano ka sasagot na hindi bumababa ang pagkatao mo, buong maghapon ay ganon nga ang aking ginawa.

Alas singko na ng hapon ng lumabas ako sa opisina, medyo pagod pero may kaylangan pa akong kitaain walang iba kundi si Dave na kanina pa naghihintay sa baba.

"Oh pasensya na Dave medyo na late ako andami kasi tinuturo nung adviser na binigay ng Daddy mo" sabi ko kay Dave

"Haha ganyan talaga sa umpisa lang yan so lets go" sabi niya

Nag byahe nga kami at habang nag da-drive siya ay siya namang banat ko ng kakakwento ng mga nangyari sa buong maghapon hindi ko nga namalayan na nakarating na pala kami sa kanyang bahay.

Bumaba kami at muli ko nakita ang mga kasambahay ni Dave

"Good evening po Mayor" bati kay Dave

"Handa na ba ang mga pagkain manang?" Tanong niya

"Opo Mayor" sagot

Doon ay tinungo nga namin ang kusina at doon bumungad sa akin ang marami nanamang pagkain pero bago kami mag simula ay kinausap muna ni Dave ang mga kasmabahay niya.

"Diba gusto nyo mag Day-off lahat" sabi ni Dave sa limang kasmabahay at isang driver niya

"Opo mayor"

"Okay pwedi na kayong umalis lahat ngayon iwan nyo nalang kami at sa isang araw na kayo bumalik , Manag Elsa ibigay mo narin ang sahod nila para sa katapusan ng buwan" sabi  Dave

Laking tuwa naman ng lahat at madali ngang nag si-alisan ng bahay ni Dave at tanging  kaming dalawa lang ang naiwan ngayon

"Bakit mo naman sila pinaalis lahat" tanong ko

"Para masolo ka , bakit ayaw mo ba?" Sagot ni Dave habang nakangiti ito saakin.

ANAK NI GOVTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon