(25) PAGPAPATAWAD

3.8K 134 23
                                    

Hinayaan ko lang mag paliwanag si James tungkol sa nangyari kagabi hindi daw niya naiwasan ang libog ng mga oras na iyon.

"Umamin ka nga sakin James plinano mo ba na dalin ako doon para may mangayri sa atin? Ang pagalit kong sabi kay james

" Anong pinag-sasabi mo JV? dinala kita doon dahil naawa ako sayo at yun lang yun wala na akong ibang dahilan pa para dalin ka don nag kataon lang na parehas tayong nadala sa tawag ng laman kaya may nangyari saatin" paliwanag ni James

Ako na tila na tauhan sa sinabi ni James

"Sorry na JV kung mali man ang nagyari Sorry maniwala kaman o hindi ginusto ko ang nagyari. ang kasunod pa niyang sabi

"Ayoko kasi sa lahat yung tipong niloloko ako James yung pinapaikot ako tapos pag maynagyari na Iiwanan nalang na parang basura" ang pagalit kong sagot sa kanya

Hindi ko hinyaan pang makasagot si James kaya pinalabas ko agad siya ng aking quarter.

"Makakalabas kana James".

Kasunod noon ay ang kanyang kusang paglabas. Nahiga muna ako para makapagisip ng tama dahil sa dami ng iniisip ko ay dumagdag pa itong si James kakakilala lang namin pero may nangyari na agad saamin.

Natigil ang pagmumuni-muni ko ng biglang nag-ring ang aking Emergency Phone''

Riiiiiing......Ringggg!

"Doc Emergency po Bed No. 2 " ang sabi ng Nurse na nasa kabilang linya.

" Okay Pababa na ako "

Nagmadali akong bumaba papunta sa Emergency room, pag dating ko doon ay agad kong tinungo ang Bed Number 2 pero pag bukas ko ng kurtina ay Inaayos na ni James ang Pasyente nagkatinginan kami saglit pero agad din niyang inalis ang kanyang titig saakinn, alam ko na kaya na ni James ayusin ang pasyente kaya bumalik ako sa doctors table na nasa loob din ng Emergency Room.
Mga nasa limang minuto na akong naka upo ng mapansin ko na parang natatagalan si James na ayusin ang pasyente nagulat nalang ako ng Sumigaw ito....

" CODE BLUE" CODE BLUE"

Noong narinig ko iyon ay kumaripas ako ng takbo papunta sa Pasyente agad kong tinanong kay James ang status ng Buntis palang pasyente.

" 8 Months Pregnant Nag Labor pero nag karoon ng komplikasyon No Pulse, No Heart Beat. 50/40 BP."

Noong narinig ko ang sinabi niya ay agad ko ito inutusan na isagawa ang mga proseso para bumalik ang malay ng pasyente may ipinabigay din akong mga gamot,alam ko na kailagan ko i ligtas ang bata sa loob ng pasyente kaya nag desisyon ako na isagawa ang Emergency CS dito mismo sa loob ng ER, actually madami na case na nabasa ako na ganito.

Sinabi ko kay James ang balak ko kaya naman wala itong takot na tinulungan ako alam ko na hindi ko din dapat pabayaan ang nanay ng Bata kaya habang isinasagawa ko ang CS ay siya naman tutok ko din sa ina.

Matagumpay ko na nailabas ang Malusog at Masiglang Bata sa loob ng walang buhay na ina, naawa ako para sa bata dahil akala ko ay katapusan na talaga ng nanay ng bata ng bigla itong nagkaroon ng Pulso at doon ay bigla nalang nagising laking tuwa ko ng makita ko silang parehong ligtas natapos ang pagsasara ng hiwa sa ina pina diretcho ko agad sa ICU ang nanay at pina Incubator ko naman ang Bata.

Masyadong toxic ang nagyari sa ER kaya naisipan ko munang bumili saglit ng kape.

" Ate kape " ang sabi ko sa Nagtitinda sa Hospital Canteen.

"Ilan? Doc " tanong Niya

Dalawa po!

Inabot ni ate ang kape saakin at agad naman akong bumalik sa ER doon nakita ko si James na naka dukmo sa Table na katabi din ng table ko

"Oh Magkape ka" ang sabi ko sa kanya kasabay ng pag abot ko nito. Nakita ko ang pagkagulat niya sa aking ginawa kinuha nya ito at ngumiti saakin.

" Okay naba tayo JV? Hindi ka naba galit"

" OO James Okay na, pasensya ka na pala sa nasabi ko kanina sadyang nadala lang ako ng emotion ko. Sorry talaga" ang sabi ko sakanya"

Ngumiti ito ng abot tenga dahil sa aking mga sinabi at akmang yayakapin ako ng pigipan ko siya

"James Madaming Tao"

"Ai sorry pero Masaya lang talaga ako... So pwedi pa natin ulitin ung kagabi?. Ang kasunod nitong sabi

" Loko-loko ka din noh! Sabay ng pag suntok ko ng mahina sa kanyang hita"

"Pero salamat talaga JV Hindi mo alam pano mo ako napasaya" ang sabi nya saakin.

Naging maayos na muli ang pakikitungo ko kay James simula ng mga oras nayon, sinabi din niya saakin na napakagaling ko daw na doktor sa ginawa ko kanina unang beses palang daw siyang nakakita ng ganoon at madami siyang natutunan saakin, pinaliwanag ko naman sa kanya ang tawag sa Emergency procedure na iyon, sinabi ko din sa kanya ang tuwa ko ng makita ko ang bata at ang nanay na parehong buhay.

Kinabukasan habang naghahanda ako para umuwi na dahil katatapos ng aking duty ng may biglang tumawag na unknown number saakin.

📞+63915...

"Hello sino po sila?" Ang aking tanong.

📞 Hello si kuya JV po ba ito?

" Oo sino ito"

📞 Kuya JV si Jenny ito kapatid ni kuya Gerald"

Kinabahan ako ng mga sandaling iyon tumatakbo sa isip ko na baka may nangyari di maganda kay Gerald halos 2 araw na nga pala ito hindi nag ttxt.

" Bakit anong nagyari?"

📞 " Kuya Wala na si Tatay tapos si kuya nag kukulong lang sa kwarto ayaw kumain naawa na kami kaya tinawagan kita baka sakaling makinig siya saiyo"

Nabigla ako sa sinabi ni Jenny, natatandaan ko ng huli kaming nagkausap ni Gerald ay maayos ang lagay ng kanyang itay.

Alam ko na kailangan ako ni Gerald sa mga oras na ito kaya nagmadali akong nagtungo sa HR Department ng Hospital para mag paalam at mag file ng 5 Days Leave. Napagbigyan naman ako kaagad kaya nagmamadali na akong lumabas ng hospital dahil didiretcho na sana ako sa Buss Terminal para maabutan ang byahe. Nang malapit na ako sa Gate ng Hospital ay nakita ako ni James.

" Oh bakit parang nag mamadali ka?"

" Ah James kailangan ko kasi umuwi sa bayan namin nag file din ako ng 5 days Leave"

" Bakit ano nangyari" ang tanong niya kaya sinabi ko na sakanya ang aking pakay sa paguwi nagulat nalang ako ng iabot ni James ang susi ng sasakyan niya saakin"

" Oh gamitin mo na ng hindi kana mahirapan mag byahe"

" Salamat nalang alam ko kailangan mo din yan" ang sabi ko kay James

" No Gamitin mo na kahit nga sayo nayan okay lang May tatlo pa akong sasakyan kaya okay lang"

"Salamat talaga James dibale babawi ako sayo pag uwi ko"

Kinuha ko agad ang susi ng sasakyan at nag tungo sa parking area ,kinawayan naman ako ni James ng matanaw niya akong nakalabas na ng hospita at ngayon ay binabyahe ko na pauwi sa aming bayan, matagaltagal nadin noong huling beses akong nakauwi.

ANAK NI GOVTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon