(48) TAPATAN

3.3K 157 16
                                    

Naramdaman ko nalang ang mga labi ni Dave na dumampibl sa aking leeg na nagbigay saakin ng kakaibang sensasyon, hanggang sa iharap ako nito sa kanya at doon nga ay inangkin naman niya ang aking mga labi, sa umpisa ay marahan ang kanyang mga naging halik hanggang sa bigla niyang kinain ang aking dila na siyang nag pataas ng aking libido sa katawan.

"Ahh ahhh uhmnn" ang tanging maririnig mo sa banyo

Pero sakabila ng sarap na aking nararamdaman ay bigla nalang pumasok sa isip ko ang mga ginawa ni Mark sa akin at doon nga ay natauhan ako na hindi dapat ako muling magpadala sa emosyon dahil baka muli akong masaktan at alam ko na may ka relasyon si Dave kaya naman bigla ko nalang tinulak si Dave na siyang naging dahilan upang magbitiw ang aming halikan.

"Sorry Sorry Dave" ang mga katagang lumabas sa aking bibig at doon nga ay tuluyan na akong lumabas ng banyo.

Mabilis akong nag bihis pero hindi tulad nang inaasahan ko ay hindi agad sumunod si Dave sa akin mga sampung minuto pa ang lumipas bago ito lumabas ng banyo.

Nagkatitigan kami sa mata ngunit isang galit na titig ang ibinigay niya saakin

"Tapos kanang magbihis right? So you can go outside now!" Ang utos ni Dave

Kaya wala akong nagawa kundi lumabas nalang ng kwarto at hintayin ko nalang ito sa sala balak ko rin kausapin ito at magpaliwanag.

Ilang minuto pa ang lumipas ay lumabas na ito sa kanyang kwarto naka short at t-shirt lang siya

"Dave pwedi ba tayong magusap? Tanongbkonsa kanya.

"Pagod ako JV wag ngayon" sagot niya

"Oh sigue uuwi nalang muna akonsaamin" ang sabi ko agad sa kanya

"Gabi na sa guest room kana matulog kung ayaw mo maglakad ka pauwi" ang masungit na sagot ni Dave

"Dave sorry " ang sagot ko naman sa kanya

"Sorry for what JV" ang saglot naman niya

"Sa kanina" sagot ko kay Dave

Nakita ko na lumapit ito sa kusina at pagbalik ay may dala na itong alak.

"Oh anong gagawin mo? " Tanong ko?

Pero hindi ako sinagot ni Dave bagkus ay lumabas ito at pumunta sa pool area doon nga ay uminom ito mag isa.
Kahit na medyo nagsisi ako ay tinatagan ko parin ang loob ko at alam ko na tama ang ginawa ko na tumangi kay Dave. Pumasok nalang ako kwarto at doon nga ay nahiga hindi ko narin naramdaman na nakatulog na pala ako.

Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama saaking mukha, pag tingin ko sa oras ay mag aalas-siyete na pala ng umaga kaya nag madali na ako na bumangon at ginayak ko ang aking sarili balak ko rin na umuwi muna sa bahay at doon na maligo bago pumasok muli sa trabaho, inisip ko narin na walang balak si Dave na ihatid ako kaya naman ay nag book na agad ako ng Taxi.

Pag baba ko ng sala ay si Dave na agad ang bumungad sa akin.

"Antagal mo magising malalate pa ako sa trabaho ng dahil sayo" ang masungit na sabi nito

"Hindi ba pweding Good morning muna?" Ang sabi ko sa kanya

" Sakay na ihahatid na kita"

"Okay lang nag book nako ng Taxi" sagot ko

"No i said sakay na" ang sabi niya na halatang galit

Kaya naman agad din akong sumakay sa kanyang sasakyan at nag cancel nalang ako sa na book ko taxi.

Habang nasa byahe kami tahimik kang ito nag ddrive hindi ako kinakausap ni Dave alam ko na galit pa ito kaya naman pinili ko nalang din manahimik, ilang minuto pa ang lumipas ay nadaan kami sa isang kilalang fastfood chain nagulat ako ng bigla niyang niliko sa drive-tru ang sasakyan.

ANAK NI GOVTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon