Donny POV
" Bakit!? Bakit ba ganyan ka sa akin? Hindi kita maintindihan... Bakit parati mo na lang akong pinagbabawalan na wag kong lapitan si Kevin?"
Sabi ko sa kanya sabay tulak ng mahina sa kanya dahil naguguluhan na ako sa mga kinikilos nya.
Pero hindi sya nag salita tahimik lang sya habang naka tingin sa akin.
" Ano!? Hindi ka na naman ba mag sasalita!? Bakit ganyan ka na lang ha!? Pag tinatanong kita ayaw mong sumagot, pag kasama ko si Kevin pinapagalitan mo ako! Ano ba talaga ang gusto mo ha? "
Inis kong sabi sa kanya at nararamdaman ko na ang pag bagsak ng mga luha ko sa aking mata dahil sa bigat na ng nararamdaman ko.
" Kung wala ka naman magandang rason para pag bawalan ako na lapitan si Kevin, wag mo na lang akong pakialaman"
Sabi ko sa kanya gamit ang malungkot kong boses.
Tumalikod ako sa kanya at dito ko na ramdam ang pag tulo ng mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.
Gusto ko ng umalis dito ayoko na!.
Ihahakbamg ko na sana ang aking mga paa ng biglang mayroong mga braso na yumapos sa aking bewang." Wag kang umalis paki usap...ayoko lang na makita kitang masaya sa kanya na dapat ako ang gumagawa... Dahil may gusto ako sa iyo"
Sabi nya kaya gulat na gulat ako sa kanyang sinabi. Dahan-Dahan ko syang hinarap at sabay nag tama ang aming mga mata.
Dito ko nakita na totoo at walang bahid ng kasinungalingan ang kanyang sinabi sa akin... Kung ganoon ay mahal nya din pala ako.
Unti-unting nag lalapit ang aming mga mukha palapit ng palapit, hanggang sa ilang pulgada na lang ang agwat ng aming mga labi.
Tumingin sya sa aking mga labi at napa lunok ng ilang beses saka tumingin uli sa aking mapupungay na mga mata.
Hanggang sa di ko namalayan na papalapit na ang kanyang mga Labi konting konti na la-
" CUT!!!!!"
Agad akong akong lumayo sa lalakeng Ito na kamuntik ko ng makahalikan.
Rinig na rinig ko ang palakpakan ng mga aking kaklase dahil sa maganda ang pinakita namin sa pag arte.
Oo tama kayo,gumagawa kami ng isang patalastas na may kinalaman sa kurso namin Business Management ang kinuha ko kaya napag pasyahan naming tungkol sa Isang Restaurant ang eksena namin at ipapakita ang tamang papapalakad dito.
Ang pag arte naman namin kanina ay, parang parte lang nito para humaba at para rin may kwento at kakaiba ika-nga nila.
Dahil imbes na Babae at Lalake ang mag kasintahan ay pareho kaming lalake na pinag pareha kaya naman masasabi kong talagang kaka-iba..
" Grabe ang galing galing mo talagang umarte Donny bakit di ka na lang sumali sa Drama Club bagay ka roon"
Sabi ni Emily sa akin na syang direktor ng proyekto na ito.
" Naku, Alam mo naman na talagang sa pag aaral lang ako naka pokus Emily kaya ang ganyang mga bagay at talagang wala akong oras at interes"
Sabi ko sa kanya at tinawanan lang nya ako at saka nag paalam na aalis.
Pinunasan ko naman ang aking mga luha kanina, dahil sa totoo talaga ang mga luha ko kanina.
" Hi Babe!"
Biglang may umakbay sa akin at paglingon ko ay agad kong tinanggal ang kanyang kamay na nasa aking balikat at saka tinulak ko sya ng medyo malakas sapat na para mapalayo sya ng ilang metro.
BINABASA MO ANG
Weather we fall Inlove
RandomKisses Series #2 FORMER TITLE: Seasons of Love Ang pag ibig ay pana-panahon lang may panahon na masaya,at malungkot bawat. Panahon ay sumisilbulo sa pag-ibig. Tag-init,Minsan sumisimbolo ng kasiyahan at minsan ay poot. Tag-ulan, Sumisimbolo ng kalun...