Pahina: 9

720 64 3
                                    

Donny POV

" Kung ganoon hindi ko na pala matutupad ang pangako ko sa iyo"

" Kung ganoon hindi ko na pala matutupad ang pangako ko sa iyo"

Napa hawak ako sa ulo ko habang umiiling pa, bakit ko ba iniisip ang sinabi nya? Hindi na dapat ako nag papa-apekto sa mga sinasabi nya... Matagal ng wala iyon, matagal ng panahon iyon kaya siguro mas mabuting wag ko na lang masyadong isipin.

" Hoy! Donny ano pang ginagawa mo dyan huh? Anong balak mong gawin sa boring mong buhay? Hindi ka ba papasok ngayon? "

Inis na sabi ni Charles at napa tingin naman ako sa kanya.

" Huh? Wala tayong pasok ngayon... Sabado ngayon kaya bakit bihis na bihis ka? "

Tanong ko sa kanya at saka nakita ko naman syang tumingin sa akin habang walang expresyon ang kanyang mukha.

" Bakit? Totoo naman hindi ba? Sabado ngayon"

Sabi ko sa kanya at umiling sya at tumingin sa salamin para ayusin ang damit nya.

" Hays karapatdapat ka talagang tawaging cheap at low class.. Alam mo yun? "

Sabi nya sabay tingin sa akin at nilagay nya ang kamay nya sa dibdib nya at saka  nag salita.

" Sabado nga ngayon... Pero mukhang ulyanin ka na sa taon mong 20 tsk tsk! Hindi ba ang sabi ni Emily ay pupunta tayo sa Campus dahil next week at pupunta tayo ng field trip sa isang resort? At kailangan nating mag plano,kaya bumangon ka na dyan at ng makapag luto ka na ng umagahan! "

Inis nya sabi sakin at nag lakad sya papunta sala.

At talagang wow talaga wow talaga... Sya na nga itong nag uutos sya pa itong galit?.

Hays wala na rin akong magagawa dahil nga kilala ko na sya alam kong nag susungit lang sya dahil nahihiya syang sabihin ng maayos ang sinabi nya.

Hays agad akong bumangon sa kama at saka nag tungo sa banyo.
Bakit ba kasi nagiging makakalimutin na ako nitong nakaraang araw.

Pag katapos kong mag bihis ay mag luluto na sana ako ng umagahan ng biglang hinawakan ni Charles ang kamay ko.

" Tsk tsk ang bagal mo kasi! wag ka ng mag luto ng cheap na pag kain ma huhuli na tayo sa meeting natin"

Sabi ni Charles sa akin at mag sasalita pa sana ako ng bigla akong hinila ni Charles palabas ng apartment at pag labas namin ay nakita ko si Primo na naka sandal sa kotse nya habang inip na inip na nag hihintay.

" Primo!"

Sigaw ko sa kanya at tumingin sya sa akin at ngumiti pero ng tumingin sya kay Charles ay napa simangot sya at saka napa ikot ng kanyang mga mata...Hays...may magbabangayan na naman.

" Hoy! Hambog na lalake! Bakit ba ang bagal bagal mo? Siguro ang tagal mo na namang mag bihis at mamili ng mga damit mo!"

Inis na sabi ni Primo at  napa ngiti naman ako ng pilit, dahil ako talaga ang dahilan kaya nahuli laming lumabas dahil late talaga akong nagising.

" Hoy! Walang modong lalake! Ikaw kung maka bintang ka nakita mo bang ginawa ko iyon huh!? Nakita mo!?"

Inis rin na sabi ni Charles.

At pumagitna na ako sa kanila at saka pilit ko silang pinapapakalma.

" Tama na iyan, Primo ako talaga ang may kasalanan, nahuli ako ng gising...saka wag na nga kayong mag away dahil baka mahuli na talaga tayo sa meeting natin"

Weather we fall Inlove Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon