Donny POV
" So.... kamusta naman yung hambog mong roommate?"
Tanong bigla ni Primo sa akin habang nasa Cafeteria kami at nag hihintay ng klase namin 9 am ang pasok namin pero 8 am palang nandito na ako dahil sa hindi ko makayanan ang ugali ni Charles.
" Hay... Kung pwede lang na lumipat ng kwarto ginawa ko na, Wala syang ibang ginawa kung hindi ng mag reklamo at mag reklamo at panay lait ng mga bagay bagay na pag mamay-ari ko"
Inis kong sabi sa kanya.
" Katulad naman ng ano? Tsk maging ako umalis na lang kahapon dahil sa inis"
Sabi ni Primo.
" Katulad ng matutulog na sya alam mo bang, nilait nya ang puda ng una maging ang bedsheets? "
" Anong klaseng punda ba yan? At bedsheets? Galing ba yan ng Mall? Bakit wala akong makitang tatak ng mamahaling brand? Ano ba to? Galing sa palengke? Tyangge o baka naman ukay-ukay? Parang hindi safe na higaan at mukhang mag kaka rashes ako pag hinigaan ko yan"
" Anong akala nya sa sarili nya? At para bedsheets at punda lang nilalait nya pa? May pagkakaiba ba ang mga bagay kung mamahalin? O hindi?"
Sabi ko sabay iling ng dalawang beses.
" Eh ano naman ang sinabi mo? Ng sinabi nya iyon?"
Tanong ni Primo sa akin.
" Syempre sinabi kong, Kung ayaw nya ng mga Cheap at Low quality na punda ng unan at bedsheets ay sa sahig sya matulog tutal sabi ko naman na high quality maman ang ginamit na semento at doon at hindi basta basta kaya hindi madaling masira"
Sabi ko sa kanya at napa halakhak naman si Primo sa sinabi ko.
" Grabe, seryoso ka ba dyan Tol? Sinabi mo talaga iyon sa kanya? ... Pero tama lang iyon sa kanya ang hambog kasi sya, sobrang yabang pa"
Sabi ni Primo sabay kagat ng hamburger nyang binili kanina.
" Hay sinabi mo pa at kaninang umaga talaga ang nakakainis, dahil akala mo kung sinong magaling, hindi naman sya marunong magluto pero kung maka asta ay parang tagaluto nya ako"
" Wag mong damihan ang mantika, lalo na at hindi Olive oil ang gamit mo masyadong mataas sa calories, tsk tsk ang cheap pati mantika tinitipid, Lutuan mo ako ng Chicken"
" Akalain mo iyon? Sasabihin nya sa akin na cheap ang matika na gamit ko? Itlog lang ang niluto ko kailangan pa bang special na matika pa ang ilagay ko? At kung maka utos sya parang close kami"
Inis ko uling sabi sabay sip-sip ko ng juice na in-order ko kanina.
" Tol, Wala kang magagawa kung hindi ang tiisin ang ginagawa nya kasama mo sya sa kwarto hindi mo sya pwedeng palayasin, Pero Tol payo ko sayo? Wag mo na lang syang pansinin"
Sabi no Primo at may point naman sya doon sa sinabi nya, mas mabuti nga kung wag ko na lang syang pansinin dahil baka hindi lang ako makaka pag pokus sa pag aaral kung parati ko syang sasagutin ng sasagutin.
Habang kumakain kami dito sa Cafeteria ay biglang nakita ko si Emily na papalapit sa Cafeteria, dito mismo sa pwesto namin.
Pag dating nya ay agad syang umupo sa tabi ni Primo.
" Emily? Anong ginagawa mo dito?... Hindi ba 10 minutes na lang bago ang first period natin? Bakit ka pa pumunta dito? "
Tanong ni Primo kay Emily.
BINABASA MO ANG
Weather we fall Inlove
RandomKisses Series #2 FORMER TITLE: Seasons of Love Ang pag ibig ay pana-panahon lang may panahon na masaya,at malungkot bawat. Panahon ay sumisilbulo sa pag-ibig. Tag-init,Minsan sumisimbolo ng kasiyahan at minsan ay poot. Tag-ulan, Sumisimbolo ng kalun...