Donny POV
Naka upo kami ngayon sa mahabang sofa nina Kuya Dawnyel sa kabilang Sofa ay naka upo sina Kuya Dawnyel , Kuya Jahleel at Ate Jamaica.
At kaharap naman namin sila dito sa ikalawang sofa... At syempre kasama ko yung dalawa. Si Charles sa kaliwa at sa kanan si Sir Cooper at ako yung nasa gitna!.
Bakit parang ang pangit naman ng pwesto ko?.
Habang ang tatlong tao sa harapan namin at nag bubulungan sila at sabay titingin sa amin at mamaya ay may patango-tango pa silang tatlo at mag uusap uli.
Lumapit ako ng kaunti kay Charles at bumulong sa kanya.
" Sa tingin mo dapat na ba nating sabihin na hindi talaga tayo? "
Sabi ko sa kanya at tumingin sya sa akin habang naka kunot ang noo nya. At binigyan ko naman sya ng kunot ng noo din para sabihin na bakit?.
" May kasalanan ka pa sa akin, bakit hindi mo sinabi na magkapatid iayo ni Kuya Dawnyel? "
Bulong nya sa akin.
" Pero hindi naman yun ang tinatanong ko sa iyo Charles ang layo ng sagot mo sa yanong ko"
Medyo inis kong sabi sa kanya pero umayos lang sya ng upo bago nag salita ng mahina sapat na para marinig ko.
" Hindi, Wag muna ngayon saka ko na lang sasabihin kung bakit hindi pa pwede"
Sabi nya sa akin at mag sasalita pa sana ako pero napa lingon ako sa harapan ng biglang tumikhim si Kuya Jahleel.
" Mga bata tama na yang bulungan nyo dyan ,Sa apartment nyo na lang yan pag usapan hindi dapat dito pag usapan ang mga ganyang bagay, masyadong sensitibo"
Sabi ni Kuya Jahleel at napa tingin naman ako sa kanya.
" Anong sensitibo Kuya Jahleel?"
Sabi ko sa kanya. At saka bumuntong hininga sya.
" Wag na nga kayong mag maangmaangan... Hindi ba nag uusap kayo kung mag tatalik kayo mamayang Gabi? "
Sabi ni at halos lumuwa ang mata ko sa sinabi nya ganun din si Kuya Dawnyel at agad naman na binatukan si Kuya Jahleel.
" Baby labs naman bakit mo naman ako binatukan nakakahiya sa bisita oh"
Sabi mi Kuya Jahleel kay Kuya Dawnyel pero isang masamang tingin lang ang binigay ni Kuya Dawnyel at natahimik naman si Kuya Jahleel.
" Pasenya na Charles, Jamaica at Cooper sadyang malikot lang ang imahinasyon ng taong ito"
Sabi ni Kuya Dawnyel at sabay akbay kay Kuya Jahleel at saka kinurot ang tagiliran nya.
" Sa sala ka mamaya matutulog lalakeng takas sa mental"
Sabi ni Kuya Dawnyel at natawa naman ako dahil napa nguso si Kuya Jahleel na parang bata.
" Hays... Hindi ka parin nag babago Jahleel... My gosh hindi parin ako maka paniwala na may ganito kang side"
Sabi ni Ate Jamaica at mas lalong ngumuso si Kuya Jahleel.
" Pahabain mo pa yang nguso mo at ng hihilain ko na iyan"
Sabi ni Kuya Dawnyel at umupo na lang ng maayos si Kuya Jahleel.
" At okey mabalik tayo sa inyong dalawa"
Sabi ni Kuya Dawnyel at sabay tingin sa amin ni Charles.
Napa ayos naman ako ng upo at saka sila nag tanong.
" Paanong naging kayo?"
" Masasabi kong love at first sight ang nangyari ng mag kita kami sa harapan ng apartment dahil niligtas ako ng Asawa ko sa mga Gangster na nag susuot ng mga Low quality-, Basta ganun na iyon"
BINABASA MO ANG
Weather we fall Inlove
RandomKisses Series #2 FORMER TITLE: Seasons of Love Ang pag ibig ay pana-panahon lang may panahon na masaya,at malungkot bawat. Panahon ay sumisilbulo sa pag-ibig. Tag-init,Minsan sumisimbolo ng kasiyahan at minsan ay poot. Tag-ulan, Sumisimbolo ng kalun...