Pahina: 18

566 55 6
                                    

Cooper POV

Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko habang naka upo ako sa kama.

Ang bigat parin ng pakiramdam ko matapos kong makita ang pangyayari na iyon.

Kanina ng umalis si Donny para sundan si Charles ay pinapunta ko na sila sa kanya kanya nilang mga kwarto ang lahat naiwan kaming lima na lang.

Sina Dawnyel at Jahleel, Jamaica at Emily at ako na lang ang natira.

************************************

" Okey lang kaya si Donny at Charles?"

Sabi ni Emily at napa tingin naman kami sa kanya.

" Siguro hayaan muna natin sya... Pasensya na nadamay pa tuloy kayo sa hindi namin pag kakaintindi na mag kapatid"

Sabi ni Jamaica.

" Okey lang iyon Jamaica, naintindihan kita napag daanan narin namin iyan ng kapatid ko dati"

Sabi naman ni Dawnyel kaya napa iwas ako ng tingin dahil ang dahilan kung bakit sila nag away ay dahil sa akin.

" Siguro hayaan na lang natin na si Donny ang kumausap kay Charles, mas mabuting pumunta na tayo sa kanya kanya nating silid dahil mag gagabi na at may mga palaro pa tayo bukas hindi pwedeng hindi matuloy iyon"

Sabi ni Jahleel kaya sumangayon naman kaming lahat, at sabay sabay kaming pumunta sa kanya kanya naming mga silid.

Pag dating ko sa kwarto namin ay wala pa silang dalawa, Parang iniisip ko palang na mag kasama silang dalawa ng sila lang ay kumikirot na ang puso ko.

Hays hindi ko alam na ganito ang magiging epekto ni Donny sa akin ng umalis ako ng bansa..

Inaamin ko ng umalis ako ay hindi ko sya maalala hanggang sa...nakita ko uli sya sa post ng Kuya Dawnyel nya sa FB nya nung kinasal sila ni Jahleel.

Hindi ko alam kung panong nangyari pero talagang...nahulog ako sa kanya naiinis nga ako sa sarili kung bakit sa  tinagal na mag kasama kami naging kapatid lang ang tingin ko sakanya.

Hanggang sa lumipas ang ilang taon, Hindi na ako masyadong gumamit ng mga Social media habang nasa America ako at pinagaaralan kung pano patakbuhin ang kumpanya namim, Ni mag bukas ng sarili kong telepono ay hindi mo magawa sa sobrang dami ng mga ginagawa ko ranging landline telephone ang gamit ko para makausap ang mga importanteng tao na kailangan kong kausapin, mga kaliwa at kanan na mga meeting, presentation at ang pag check sa mga tambak tambak na papeles..

Pero nitong huling taon, ay nag karoon ako ng time para sa sarili ko, at ng pag bukas ko ng Social media accounts ko ay nakita ko ang madaming mensahe ni Donny, simula ng araw na umalis ako hanggang sa ang huli nyang mensahe ay 2 years ago pa.

Sinubukan ko syang tawagan pero nag palit na sya ng number sinubukan ko din syang I chat pero deactivated na ang account nya at sa tingin ko ay pinalitan nya na lahat at mukhang...sumuko na sya sa kakahintay sa akin.

Pero hindi ako sumuko...Hindi rin sya pwedeng sumuko,kaya gumawa ako ng paraan  para mag kita uli kami.

Hindi ko na malayan na sa sobrang pag iisip ko ay malapit na pala ako sa dalampasigan kung saan ko huling nakita si Donny na tumakbo.

Weather we fall Inlove Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon