Donny POV
Hindi... paanong nangyari ito? Bakit nandito itong mga ito? Paano?...Sino ang kumuha ng mga litrato na ito!?
" Sinong nag upload nito!?"
Sigaw ko sa kanila, paanong nakuhanan nila ang eksena na ito na pareho?, Ang litrato ay dalawa ang una ay si Kuya Cooper at ako na naghagalikan.. kuha ito sa parking area ng kumpanya nina Kuya Jahleel at Kuya Dawnyel.
Pero sino ang kumuha nito? Walang tao sa lugar na iyon maliban na lang kung may sumusunod sa amin ng araw na iyon , at ang isa ay kaming dalawa ni Charles kuha ito sa resort nya at ang eksena dito ay hinalikan nya ako dito, pero ang pinag tataka ko ay hindi kita ang mukha ni Charles dahil pinalabo ito at tanging ako lang ang nakikita, pero alam kong si Charles ito.
At binasa ko ang caption nito.. at galit na galit ang nagsulat nito.
Ang malanding bading, Sya ay si Donny Mark Alvaro isang 4th year College Business Management student, kilala sya ng lahat bilang boyfriend ng anak ng Sponsor ng paaralan natin, pero ni minsan ba hindi sumagi sa isipan nyo na ang taong ito ay talagang masasabi nating gold digger?, Dahil hindi nya talaga mahal si Charles gusto lang nya ng atensyon at para kainggitan sya ng lahat dahil sa karelasyon nya si Charles.
At kita nyo naman sa dalawang litrato na nakikipag halikan sya sa dalawa pang lalake, at ni isa sa kanila wala si Charles, Kung iisipin nyo ay gagawin ito ng isang matinong estudyante..pwes.. nag kakamali kayo, Hindi lang sya estudyante at lalong hindi sya mabait at matino katulad ng iniisip nyo, si Donny ay nakikipag relasyon din sa kilalang Guro na si Sir Cooper Red Isuki ang substitute teacher ng kanilang klase.
Sya ang lalake sa unang larawan pero ang ikalawa ay hindi natin ito kilala dahil marahil isa itong dayo dahil Kuha ito sa kakatapos lang na field trip nila...siguro ay dahil likas na malandi si Donny agad nyang hinalikan ang lalake ng walang pasabe...iyan syang tao malandi sya! Kayo na ang humusga kung maniniwala kayo o hindi pero sa ngayon ay nadurog ang puso ni Charles dahil sa pag tataksil ng malanding Donny na iyon.
Halos mahimatay ako sa nabasa ko...bakit? Ano bang ginawa ko bakit umabot sa lahat ng ganito?
" Sinong nag upload kamo? Aba Malay namin, well kung sino man sya nag pa-pasalamat kami sa kamay dahil kilala ka na naman ngayon Donny isa kang malandi! Mas makati ka pa sa higad! "
Sigaw ni Nathalie pero hindi ako umimik, Hindi ko alam ang gagawin ko... Pano ko ba lilinisin ang kasalanan ko? Paanong nangyari ito?.
" Tumigil ka nga Nathalie! Kung wala kang magandang sasabihin, at saka bakit ba kayo nag papaniwala sa sinasabi nung nag upload nyan? Saka dapat mag duda kayo sa taong iyon dahil unang una, Hindi nyo sya kilala at nag kalat ngayon sa Social media ang mga fake news! At nakakasiguro ba kayong hindi edited ang nasa litrato!? At bakit dahil lang sa isang litrato naniniwala na kayo sa sinabi ng taong may kagagawan nito!? "
Inis na sigaw ni Emily.
" Huh! Sa tingin mo mga bobo kami para hindi namin iyon maisip?, Bakit ? Kung totoo man o hindi ang bagay na ito sa tingin mo ba walang kasalan iyang kaibigan mo?, Dahil kung wala syang kasalanan bakit ginagawa ito ng taong nasa likod ng pag upload ng mga litrato na iyon, ibig sabihin may kasalan sya sa taong iyon... At anong sabi mo? Bakit kami nag papaniwala sa litrato lang? Girl gamitin mo utak mo hindi mo ba nakita ang itsura ng kaibigan mo ng makita nya yung mga litrato gulat na gulat sya... Kaya ibig sabihin totoo ang lahat"
Sabi ni Nathalie na kinatahimik ni Emily, tumingin sya sa akin at saka bumuntong hininga.
" Tara na sa klase Donny, wag tayong makipag usap sa mga taong makikitid ang utak"
BINABASA MO ANG
Weather we fall Inlove
RandomKisses Series #2 FORMER TITLE: Seasons of Love Ang pag ibig ay pana-panahon lang may panahon na masaya,at malungkot bawat. Panahon ay sumisilbulo sa pag-ibig. Tag-init,Minsan sumisimbolo ng kasiyahan at minsan ay poot. Tag-ulan, Sumisimbolo ng kalun...