Pahina: 6

797 72 10
                                    

Donny POV

Napa buntong ako  ng hininga dahil sa kanina pa talaga akong kinakabahan.

" Tsk, Pwede bang tigilan mo ang pag buntong hininga? Nakakababa ka ng class, tsk tsk pwedeng umarte ka lang katulad ng ginagawa mo sa mga shooting nyo ng kaibigan mong mainitin ang ulo"

Sabi ni Charles, napa tingin ako sa kanya at pinaliitan ko sya ng aking mga mata , hindi nya talaga mapigilan na mag salita ng walang halong panlalait o di kaya at pag kahambog nya.

At hindi ko ba alam kung bakit sa huli pumayag din si Primo na mag panggap kaming mag jowa.

At ang sabi nya kay Charles ng sinabi nya kung may gusto si Primo sa akin ay talagang napa tunayan ko na kaibigan ko talaga sya.

************************************

" Kung umasta ka parang kasintahan mo si Donny....o baka naman may gusto ka sa kanya?"

Matapos magulat ni Primo sa sinabi ni Charles ay napalitan ng galit na galit na expresyon ang mukha nya.

" Nahihibang ka ba?!, Maaring talagang kung umasta ako kay Donny ay talagang napaka OA kung titignan mo pero, hindi dahil sa may gusto ako sa kanya, kaibigan ko sya at tinuring ko syang nakababatang katapid, tapos pag iisipan mo akong may gusto sa kanya? Ganyan ba kakitid ang utak mo? "

Inis na sabi ni Primo at napa ngiti naman ako dahil ganoon din ang tingin ko sa kanya parang isang kuya na handa akong ipag tanggol.

Napa ikot lang naman ng mga mata si Charles at hindi nagsalita.

Mukhang kahit papano masaya ako dahil may naka pag patigil rin sa bunganga nyang walang ibang lumalabas kung hindi kahambugan at kayabangan.

" Papayag ako sa pagpapanggap nyo, ayoko rin ma isyu si Donny at pero mayroon akong kundisyon... Iisa lang naman pero kailanganong sundin"

Sabi ni Primo at tumingin lang sa kanya si Charles na halatang walang pake sa pinag sasabi ni Primo, Hays itong lalake talaga na ito ! Pag ako nainis dito ako na ang sasapak sa kanya.

" Wag kang gumawa ng bagay na ikapapahamak ni Donny kung hindi, malalagot ka sa akin"

" Hah! Ako tinakot mo? Sa payat mong yan? Makakaya mo akong laban?, At wag mong isipin na papatulan kita hindi ako pumapatol sa mga low class na katulad mo"

Sabi ni Charles at halos sumakit na naman ang ulo ko dahil sa bangayan nila.

***************************************

" Tara na pumasok na tayo kanina pa tayo dito sa harapan ng gate ng Campus, sabihin mo nga wala ka bang balak pumasok? Sa Cheap na paaralan na Ito? "

Sabi ni Charles sa akin at tinginan ko sya ng masama at naki pag titigan lang sya sa akin.

" Grabe nakakatakot ang pag titig mo naku natatakot na ako tsk!"

Sabi nya at punong puno iyon ng kahambugan.

Napa iling na lang ako.

" Tara na nga nakakainis kang kasama"

Sabi ko sa kanya at akmang papasok na ako sa loob ng bigla nyang hinawakan ang pulsuhan ko at saka napa tingin ako sa kanya.

Weather we fall Inlove Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon