Donny POV
" Pero kakasabi ko lang Sir okey lang dahil kakain kami sa labas...Kasi nga Mag DA-DATE KAMI NG ASAWA KO....Sir Cooper...ASAWA KO"
" Huh? Walang masama sa pag bibigay ko ng pagkain Mr. Escallabar dahil iyon ay kusa at hindi pilit, at saka ang sabi mo ay asawa mo sya? Kayong mga kabataan nga naman, Hindi pa kayo kasal kung maka tawag kayo ng asawa sa mga jowa nyo parang totoong mag Asawa kayo...mahaba pa ang panahon Mr. Escallabar..marami pang pwedeng mangyari...at maraming pwedeng magbago"
Sabi ni Sir Cooper habang naka tingin sa akin at saka tumingin kay Charles at kinuha ang Bento Box na hawak nya. At saka binigay sa akin uli, inabot ko naman ito sa huli dahil naka tingin sa amin sina Primo at Emily, putek! Bakit ba parati na lang ako naiipit sa mga gulo? Naiipit ako pag kasama ko sina Primo at Charles.
Pero ngayon naiipit naman ako dahil kina Charles at Sir Cooper. Hays ano bang nangyayari sa buhay ko?, Gumulo ang lahat ng makilala ko si Charles at mas lalong gumulo ang lahat ng bumalik si Sir Cooper.
" At Ang dapat mong isipin Mr. Escallabar...na pag hindi sa iyo ibinigay ang isang bagay wag mong kunin dahil hindi ikaw ang pinag bigyan...at payo ko para mas tumatag ang relasyon nyong dalawa? ...Wag kang mag desisyon mag Isa katulad ng ginawa mo kanina...minsa tanungin mo din ang Asawa mo kung payag ba sya sa mga pasya mo...Ang pag ibig hindi selfish yan ang tandaan mo...Sige mauna na ako! Kita na lang tayo sa lunes mga New Adults!"
Sabi ni Sir Cooper habang masaya itong kinuha ang bag nya at bago sya umalis at tumingin sya sakin at kinindatan ako.
At parang nanigas ako ng ilang segundo dahil sa pag kindat nya....bakit iyon ginawa ni Sir Cooper?...umiling na lang ako dahil kung ano ano na naman ang iniisip ko...di ba...sinabi kong ayoko ng masaktan...pero bakit napa traydor ng puso ko! Bakit bumibilis parin ang tibok nito pag may ginagawa syang hindi nya naman ginawa sa akin noon?,
Katulad ng pag bibigay ng pagkain akin...at lalo na iyong pag kindat...bakit sa palagay ko...nahuhulog uli ako sa kanya?.
Hindi! Hindi na nga pwede bakit ba ang kulit ng puso!? Hays bumuntong hininga na lang ako habang naka tingin sa Bento box na binigay nya sa akin.
" Tuwang tuwa ka dyan sa binigay sa iyo huh? Binigyan ka lang ng Bento box tuwang tuwa ka na? Bakit hindi ka pa ba nakakatikim ng Japanese Food huh? Tsk ang cheap mo talaga"
Biglang sabi ni Charles sa akin at tumingin ako sa kanya halos mag salubong na ang kilay nya dahil sa sobrang sama ng itsura nya. At mag sasalita na sana ako pero...
" Tsk Mauna na ako sa Apartment wala na akong ganang kumain...hoy walang modong lalake ihatid mo na lang tong asawa ko sa apartment mauna na ako paalam"
Sabi nya bigla at bigla na lang syang umalis.
Hindi nya man lang kami pinag salita ni Primo hays...bakit ba ang sama ng mukha nya?.
" Uy, Donny mukhang nag tatampo yung Asawa mo"
Nagulat na lang ako dahil nasa tabi ko na si Emily... bakit ba parating may ganitong eksena ay parating nandyan si Emily? Saka ano bang sinasabi nya? Na nag tatampo si Charles kanino naman at bakit?.
" Huh? Anong nag tatampo?"
Sabi ko naman sa kanya at nilagay nya naman ang mga kamay nya sa kanyang dibdib.
" Ewan ko sa iyo Donny...Hindi ako mag tataka kung hindi mo nakita ang itsura ni Charles kanina....Hays tutal naman kasi kay Sir Cooper ka lang naka tingin habang nag susumbatan silang dalawa"
Sabi nya sa akin at pinan-singkitan ko sya ng aking mga mata dahil sa sinabi nya...ibig sabibin naka tingin lang ako kay Sir Cooper kanina? Eh?.
" Huh? Talaga kay Sir Cooper lang ako kanina na ka tingin? Hindi nga?"
BINABASA MO ANG
Weather we fall Inlove
RandomKisses Series #2 FORMER TITLE: Seasons of Love Ang pag ibig ay pana-panahon lang may panahon na masaya,at malungkot bawat. Panahon ay sumisilbulo sa pag-ibig. Tag-init,Minsan sumisimbolo ng kasiyahan at minsan ay poot. Tag-ulan, Sumisimbolo ng kalun...