Someone's POV
Halos mamutok na ang ugat ko sa ulo ng makita ko na wala ng naniniwala sa isyu tungkol kay Donny!, Ang taong iyon bakit ba sya pinoprotektahan ni Charles!.
Kung ako na lang sana ang minahal nya... Sana hindi na ako umabot sa ganito.
Hinagis ko ang laptop ko sa dingding sa sobrang inis ko.
Nag lakad ako papalapit sa pader kung saan naka dikit ang litrato ni Donny punong puno ito ng mga dart na pinag tutusok ko rito.
Naka ngiti pa sya sa litrato na ito, bwisit ka...nagagawa mo paring ngumiti kahit na anong gawin ko sa iyo?..tignan lang natin... sisiguraduhin kong buburahin ko ang ngiti mong iyan." Napaka swerte mo parin Donny, ano bang meron ka ng wala ako? Mas maraming bagay na wala ka na meron ako... Pero bakit ikaw parin ang pinipili nila! Bakit parating ikaw! Dapat mamatay ka ng gago ka eh! Dapat mamatay ka na!... Tama.. dapat mamatay na sya hahahaha tama tama yun lang ang paraan para mawala sya sa landas ko... Para magustuhan na ako ni Charles... Para na rin mabura ang ngiti nya sa labi nya"
Agad kong kinuha ang telepono ko.
" Hello?, Oo may ipapagawa ako sa iyo... Madali lang naman ang gagawin mo... Oo ipapadala ko kaagad ang pera basta siguraduhin mong patay kaagad... Ayoko ng palpak... Sige hihintayin ko ang magandang balita mula sa iyo"
Binaba ko ang telepono ko. Sabay tawa ng malakas.. Donny, Donny... Matatapos na rin ang maligayang araw mo... Dapat sulitin mo na ang araw na nabubuhay ka pa dahil mawawala ka na sa mundong ito Wauhahaha.
************************************
Donny POV
" Kuya Cooper naman eh.. ginagawa mo naman akong bata okey nga lang ako"
Sabi ko kay Kuya Cooper habang nasa loob kami ng grocery store at namimili.
" Dahan dahan lang kasi sa pag lakad...Mahal ko naman nag iingat lang ako"
Sabi nya sa akin habang inaalalayan nga ako.
" Hindi naman ako buntis o napilayan para alalayan mo ako Kuya Cooper kaya kong mag lakad"
Sabi ko sa kanya at ngumuso naman sya sa akin.
" Hindi na ba sumasakit yang likod mo? Baka kasi masakit pa?"
Sabi nya sa kin at naalala ko naman ang nangyari tatlong araw na ang lumipas may nangyari sa amin sa bahay nya at ang kinalabasan?...ayun hindi na ako maka pasok sa school dahil ang sakit ng Alam nyo na...at sobrang sakit din ng katawan ko pakiramdam ko na binugbugog ako eh...Nung sinabi kong mapapalaban ako talagang napalaban ako...pero hindi naman ako nag sisi...dahil mahal ko si Kuya Cooper...saka ginusto ko naman kaya kahit kailan hindi ko sya sinisisi.
" Kuya Cooper naman wag mo na ngang ipapaalala sa akin iyon.. nakakahiya kasi...saka oo okey na ako...halos tatlong araw na rin na ang lumipas"
Sabi ko sa kanya pero kahit na anong paliwanag ko ay hindi parin sya nakinig sa akin at inaalalayan nga parin ako kaya wala akong nagawa kundi ang hayaan na lang sya.
" Sya nga pala Kuya Cooper...Gusto mo mag luto ako mamaya? Sa bahay ka na kumain tinuruan lasi ako ni Kuya Dawnyel na mag luto ng Adobo... special yun kasi tinuro pa ni Nanay iyon kay Kuya"
Sabi ko sa kanya habang nasa likod ko sya at hawak ang baywang ko.
" Uhmm sige ba mahal ko, sa bahay nyo na lang ako kakain mamaya, Kung ganoon bibili pa tayo ng mga ingredients na kakailanganin mo"
Sabi nya sa akin at ngumiti naman ako sa sinabi nya.
" Kuya Cooper naman wag mo na akong alalayan..nakakahiya ang daming nakatingin sa atin...tignan mo sila"
BINABASA MO ANG
Weather we fall Inlove
RandomKisses Series #2 FORMER TITLE: Seasons of Love Ang pag ibig ay pana-panahon lang may panahon na masaya,at malungkot bawat. Panahon ay sumisilbulo sa pag-ibig. Tag-init,Minsan sumisimbolo ng kasiyahan at minsan ay poot. Tag-ulan, Sumisimbolo ng kalun...