Pahina: 16

621 55 10
                                    

Donny POV

Hinalo ni Ate Jamaic ang laman ng kahon at pag taas nya ng kamay nya ay ang pangalan ng unang pagtatanungan o pag uutusan...at ang laro ay mag sisimula na.

" Okey! Ang unang tatanungin ay si Emily!"

Masayang sigaw ni Ate Jamaica.

At agad naman na lahat ng Mata namin ay napunta kay Emily.

" Okey mamili ka Emily, Truth or Dare?"

Sabi ni Ate Jam at nag isip naman ng mabuti si Emily.

" Dare! "

Matapang na sabi ni Emily.

" Mukhang ang una nating kalahok na sumalanga ay talagang nakapa tapang , Okey ako muna ang mag uutos sa iyo... Uhm... Emily I dare you na halikan sa pisngi ang isang lalake na kaklase"

Sabi ni Ate Jamaica at nag hiyawan naman ang mga kaklase kong lalake, maganda rin kasi si Emily kung hindi ngalang may sayad kung minsan.

Tumayo sya at saka nag lakad papunta sa harapan ko.

" Donny pa halik ako sa pisngi, Wala naman sigurong magagalit"

Sabi ni Emily sabay tingin sa dalawang lalake na nasa tabi ko.

" Hahaha ikaw talaga Emily, Parang nung unang kita mo naman sa akin ay hindi mo ako hinalikan sa pisngi sige na, Wala namang malisya"

Sabi ko sa kanya at tumawa rin sya at sabay halik sa kaliwa kong pisngi.

" Salamat Do- Mauna na pala ako'

Sabi nya sabay balik sa pwesto nya at tumingin ako sa dalawang katabi ko at masama ang tingin nila kaya Emily.

At nag patuloy ang laro may umamin kung sino ang gusto nila pero may sumayaw din mg chicken dance kaya tawa kami ng tawa hanggang sa...

" Okey! Ang susunod ay si....Donny! Truth or Dare!"

Sabi ni Ate Jamaica

" Truth "

Sabi mo at ang huling na bunot kanina ay...si Kuya Jahleel na syang magtatanong sa akin.

Hay mukhang mali na ako ang nabunot.

" Okey...hmmm ano kayang maganda tanong sa iyo...Alam ko na!, Sabihin mo kung sino ang taong mahal mo wag kang mag sisinungaling Donny"

Sabi nya sa akin at napa tingin ako sa dalawang katabi ko, naka tingin sila sa akin dahil mukhang mas excited sila sa sasabihin ko.

Hays mas maganda siguro kung iyon na lang ang isagot ko dahil sya lang naman ang taong mahal ko ng matagal na na panahon.

" Uhmm ang taong mahal ko? Sa totoo lang nandito sya"

Sabi ko una sa kanila kaya mas lalong dumikit Ang dalawa kong katabi hays, Naman itong dalawang ito talaga.

" Syempre ang taong iyon ay ang Kuya Dawnyel ko"

Sabi ko sa kanila at napa ngiwi naman silang lahat sa. Sinabi ko pero natawa lang si Kuya Dawnyel sa sinabi ko at nakita ko kung paano mag iwas ng tingin ang dalawang lalake sa tabi ko.

" Kasi hindi ba? Hindi naman porket taong mahal ang tinatanong kailangan na yung taong gustong gusto natin hindi ba? Minsan pwede nating isagot ang kapatid natin, kaibigan natin o mga magulang natin, dahil amin man natin o hindi alam natin sa sarili natin na mahal natin sila kaya kung tatanungin nyo kung sino ang mahal ko,Iyon ay ang Kuya Dawnyel ko iyon"

Sabi ko sa kanila at nag palakpakan naman sila sa sinabi ko.

" Okey okey masyadong nakaka touch ang sinabi mo Donny kaya sa susunod naman na tayo...at ang napili ay si... Dawnyel!"

Weather we fall Inlove Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon