Pahina: 36

621 47 0
                                    

Donny POV

" Donny gising na! Donny! Gising anong nangyari sa iyo!?"

Nagising ako sa ng biglang may tumawag ng pangalan ko.

Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata at agad na bumungad sa akin ang maruming sahig at ang isang ilaw na sobrang likot.

Nanlalabo parin ang paningin ko at Ang sakit parin ng ulo ko dahil sa pag kakahampas ng taong iyon.

Bakit nya ba ginagawa nya ito sa akin?. At Sino ba sya?.

" Donny!Okey ka lang ba? Pano ka nakapunta dito?"

Narinig ko ang boses ni Emily kaya agad akong tumingin sa kanya pero dahil kahiga ako sa sahig ay tumingala ako sa kanya.

Pareho kaming naka gapos ang mga kamay at paa namin.

" Emily?...Emily ikaw nga! Akala ko kung ano ng nangyari sa iyo...teka sya nga pala...ayos ka lang ba? Sinaktan ka ba nung taong iyon?"

Sabi ko sa kanya at umiling naman sya, pinilit kong umupo pero napangiwi ako sa sakit ng ulo ko, at tuyo na rin ang dugo kanina.

Pero pagkalipas ng ilang segundo ay naka upo rin ako ng maayos.

" Donny, anong ginawa nya sa iyo? Bakit duguan ka?...Alam mo ba kanina ng dinala ka nya dito natakot ako ng makita kitang duguan..ano bang nangyayari?"

Sabi nya sa akin at pumikit muna ako bago mag salita.

" Kasi yung may gawa ng lahat ng to tumawag sa akin...naalala mo ba? Yung dumukot sa iyo ng kausap mo ako...Ng hindi ka na sumagot sya ang sumagot...at pinapapunta nya ako dito mismo....ayokong masaktan ka Emily kaya nga nandito ako pero mukhang matalino kung sino man ang may gawa nito dahil hihintayin ko pa sana sina Kuya Cooper at Charles sa labas kanya lang
..bigla nyang hinampas ang ulo ko ng kahoy pag katapos ay hinampas nya pa ako uli bago ako mawalan ng malay at pag gising ko andito na ako"

Sabi ko sa kanya. At lumingon sya sa paligid.

" Donny, hayop talaga sya! Hindi ko inaakala na magagawa nya sa atin ito Donny...tinuring natin syang kaibigan pero sya...sya ang may gawa ng lahat ng ito sa atin sya ang may gawa nito "

Sabi nya sa akin at naguguluhan naman ako tumingin sa kanya dahil hindi mo maintindihan ang ibig nyang sabihin.

" Ano ibig mong sabihin na kaibigan natin sya? Yung taong dumukot sa atin? Kaibigan natin sino naman Emily wag kang mag biro ng ganyan...Kung kaibigan natin sya hindi nya ito magagawa sa atin"

Sabi ko sa kanya at talagang hindi ako natutuwa sa sinasabi nya...Hindi pwede! Hindi nya ito magagawa sa amin!.

" Totoo ng sinasabi ko Donny...makinig ka...Yung taong nag post sa Facebook ng litrato ay sya iyon IP address nya ang na kita ko hindi ako pwedeng mag kamali Donny!"

Sabi nya sa akin pero umiling lang ako ayaw long maniwala hindi pwede.

" Pero kahit na anong galit nya sa akin kaibigan parin natin sya baka.. baka nag kakamali ka lang Emily baka mali Lang yung na track mo tama! Baka nga!"

Sabi ko habang pilit kong pinaniniwala ang sarili ko na hindi totoo ang lahat.

Maya maya pa ay umiyak si Emily.

" Donny hindi na sya katulad ng dati...Hindi na sya ang kaibigan natin hindi na sya ang taong nakasama natin ng ilang taon...masakit Oo masakit talaga ng nalaman ko na sya ang may gawa nun pero Donny...gusto ka nyang mamatay oh! Nakikita mo ba ang sarili mo? Hinampas ka nya sa ulo!"

Sigaw ni Emily at umiling ako habang umiiyak, hindi...nag kakamali lang si Emily.

" Hindi! Hindi ako naniniwala hindi nya iyon magagawa kaibigan nya parin tayo Emily kaya wag mo syang pag bintangan"

Weather we fall Inlove Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon