Donny POV
Patuloy parin ako sa pag takbo papalayo sa kanya.
Habang tumutulo ang mga luha ko, bakit? Bakit ba ako umiiyak ng ganito? Wala akong karapatan na makaramdam nito dahil unang una walang kami, Nangako lang sya wala syang sinabi na tutuparin nya.
At ginawa ang salitang pangko dahil lahat ng mga pangako ay napapako.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta hinayaan ko lang na dalhin ako ng mga paa ko sa kung saan hanggang sa nakarating ako sa harapan ng hardin ng Faculty namin, dahil bawat Faculty ay may kanya kanyang hardin at ngayon lang uli ako naka punta dito huli kong punta noong bago pa lang ako sa paaralan na ito hindi ko alam na sa ikalawang punta ko ay malungkot ako at umiiyak.
Pumasok ako sa loob alam kong walang tao dito sa loob dahil lahat ng estudyante ay nasa Canteen para mag meryenda kaya naman malaya akong umiyak at ibuhod ang lahat ng hinanakit ko dito na ang tanging ang hardin lang ang magiging saksi.
" Bakit!!!!!!, Bakit!!!!! Bakit!!!!!"
Paulit ulit kong sabi sa malawak na hardin halos mamaos na ako sa pag sigaw at kakaiyak.
Pero wala akong pake ang sakit kasi sobrang sakit!.
Hindi sya nag paramdam ng ilang taon. Tatlong taon iyon pero bakit ngayon bigla na lang sya nag pakita ngayon? Bakit bigla bigla na lang? Hindi man lang sya nag sabi?.
Alam kaya nila Kuya Dawnyel at Kuya Jahleel ito? Pero bakit walang nag sabi sa akin?.
Patuloy lang ako sa pagiyak habang sinubsob ko ang aking mukha sa aking tuhod.
Bakit? Ganoon parin...ganoon parin walang pinag bago...bakit kahit galit na galit na ako ramdam ko parin...kahit na sinasalita ng bibig ko na wala na, kahit na sinasabi ng utak ko na wala na talaga...pero bakit ang puso ko sinasabing...Walang nag bago?.
Katulad parin ng dati sya parin...Mahal ko parin sya...sya parin si Cooper ang Kuya Cooper ko na nakilala ko na mahal ko...pero hindi,kailangan ng matigil ito... ayokong masaktan uli gaya ng dati ayokong umasa dahil masakit lang umasa lalo na pag alam mo na sa una palang wala naman talagang pag asa.
Humahangulngol ako at umiiyak ako, patuloy ang pag luha ko patuloy parin ang sakit na nararamdaman ko patuloy parin ang daloy ng sakit mula sa puso ko.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko hindi ko alam kung paano? Mawawala ito hindi ko alam kung paano papakalmahin ang puso ko... Lalo na sa dalawang emosyon na nararamdaman ko...Ang Saya at sakit.
Saya na muli ko syang makita sa tinagal tagal ng panahon at sakit na makita syang uli pagkatapos nyang hindi mag paramdam sa akin ng ilang taon.
Sa ngayon hindi ko na alam ang gagawin ko...Parang mababaliw na ako...Parang kahapon lang inaasar pa ako ni Charles at na dawit ako sa isang isyu na dahilan na pag papanggap kong jowa ni Charles pero sa isang iglap... bigla na lang lahat nag bago ng makita ko sya kanina...Parang bumalik ang dating ako, ako na walang ka alam alam sa pag-ibig.
" Hays kahit kailan napaka cheap mo wala ka man lang dalang tissue para sa punasan ang mga luha mo ano? Nag hihintay ka ng taong mabibigay sa iyo nun tsk patawa ka"
Natigil ako sa pagiyak ng bigla long marinig ang boses ni Charles.
Inangat ko ang aking ulo at nakita ko syang nakalahad ang kanyang kamay sa kanyang dibdib habang naka taas ang kanyang kilay.
" Kung nandito ka para lang mag paka hambog...pwede bang wag ngayon? Sa ibang araw na lang"
Sabi ko sa kanya at sabay kuha ng panyo ko para punasan ang mga luha ko.
BINABASA MO ANG
Weather we fall Inlove
RandomKisses Series #2 FORMER TITLE: Seasons of Love Ang pag ibig ay pana-panahon lang may panahon na masaya,at malungkot bawat. Panahon ay sumisilbulo sa pag-ibig. Tag-init,Minsan sumisimbolo ng kasiyahan at minsan ay poot. Tag-ulan, Sumisimbolo ng kalun...