Pahina: 21

494 50 1
                                    

Donny POV

"Anong ibig mong ipahiwatig Donny! Pinagtataksilan mo ba ang kapatid ko! Mahal mo ba talaga sya! "

Sabi ni Ate Jamaica sa akin at hindi ako naka sagot sa sinabi nya.

" Ate Jamaica si Charles!"

Sigaw ni Primo at napa tingin kami sa kanya ng sabay.

Nakita kong namimilipit sa sakit si Charles habang hawak hawak nya ang kanang braso nya.

Pero nagulat ako ng bigla syang napatingin sa akin hindi ko alam kung dahil sa nasasaktan sya sa nabali nyang braso o ano pero kitang kita ko sa mata nya ang lungkot.

At agad akong umiwas dahil hindi ko sya kayang titigan ng ganoon ang nakikita ko sa mga mata nya.

Agad na lumapit si Ate Jamaica kay Charles at binuhat sya nina Kuya Jahleel at Kuya Dawnyel at agad naman akong lumapit sa kanila.

" Charles okey ka lan-"

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko at di narin ako tuluyang naka lapit kay Charles ng biglang humarang si Ate Jamaica sa harapan ko.

" Anong ginagawa mo?"

Inis nyang sabi sa akin.

" Ate Jamaica kaka-"

" Wag mo akong tawaging Ate! Hindi kita kaano ano!, At layuan mo na ang kapatid ko! Kasalanan mo itong lahat eh!"

Sigaw nya sa akin kanya nagulat naman ako maging lahat ng mga kaklase ko.

" Alam kong alam mo ang tinutukoy ko Donny, Alam ko kung anong nangyayari...pero sana naman Donny di mo na pinaabot sa ganito...wag ka ng lumapit sa kapatid ko"

Sabi ni Ate Jamaica at iniwanan nya ako at nag tungo sya sa kapatid nya.

" Wala ng! Field Trip na magaganap!!! Wala na! Magsiuwian na kayo!"

Malakas na sabi ni Ate Jamaica at nagulat lahat kami maging sina Kuya Dawnyel at Kuya Jahleel.

" Jamaica pero naman ka-"

" Walang pero pero! Umalis na kayo! Alis na!"

Sigaw ni Ate Jamaica.

" Mga New Adults...sige na ayusin nyo na ang mga gamit nyo at ngayong hapon aalis na tayo"

Sabi ni Kuya Cooper at malungkot na nag sipasukan lahat ng mga  kaklase ko sa kanilang mga kwarto at nag simula ng mag ayos ng mga gamit.

Umalis silang lahat hanggang sa kaming dalawa na lang ni Kuya Cooper ang natira.

Hindi ko Alam..na sa sobrang kasakiman ko, umabot sa ganito lahat...Kung saan may nasaktan, may nadamay, at higit sa lahat may  mga taong nagagalit sa akin...at nawalan na ako ng isang kaibigan.

Ganoon na ba talagang ako kasakim? Sa kadahilanan na ayaw kong may masaktan...mas pinili ko silang dalawa at pilit na binibigyan ang isa ng pag asa.

Ang sama kong tao, sobrang sama ko talaga.

" Donny okey ka lang ba?"

Sabi ni Kuya Cooper sa akin at tumingin ako sa kanya habang umiiyak uli ako.

" Kuya Cooper...Tama pa ba ang ginagawa ko?"

Sabi ko sa kanya at maging sya ay hindi rin gusto ang nangyayari ngayon.

Totoo ngang...dapat masaya ako dahil alam ko na pinili ko ang taong mahal ko.

Pero bakit hindi ako masaya dahil may tao akong nasasaktan.

Weather we fall Inlove Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon