Cooper POV
" Aba aba mukhang maganda ang gising mo Cooper? Naka score ka ba kagabi?"
Sabi ni Jahleel sa akin habang nag aayos kami ng mga gagamitin mamaya sa laro na hinanda namin.
" Jahleel, wag ka ngang mag isip ng marumi, masama bang ngumiti at maging masaya? "
Sabi ko na lang sa kanya at ng loko ay todo asar sa akin, hays kaya pala sya parating binabatukan sya ni Dawnyel hays ngayon alam ko na masyado syang madaldal.
Talagang isa nga syang taong takas sa Mental.
" Iyan din ang dahilan ko nun kaya wag kang mag kaila Cooper"
Sabi nya sa akin at umiiling na lang ako .
Halos mapunit ang Labi ko sa sobrang lawak nh ngiti, dahil sa kulitan namin ni Donny kagabi pati ang aksidente nyang pag halik sa akin ay hindi parin maalisa sa isipan ko.
Maya maya ay hindi parin mapawi ang ngiti sa labi ko.
" Hays tumigil ka na nga sa pagbibiro Jahleel at ng baka mahampas kita ng wala sa oras"
Sabi ni Dawnyel sa Asawa nya at napa iling naman ako.
Hindi ko alam kung paano ko sila nahaharap ngayon kung alam kong naging parate din ako ng buhay nilang dalawa, ako nga lang ng ssa sa hadalang sa love story nila.
Pero ngayon? Okey na ako, tanggap ko na na talagang hindi kami para sa isat-isa, lumaban ako pero sadyan mahal nila ang isa't isa kaya hinayaan ko na sila.
Sana ngayon....nahanap ko na rin ang taong para sa akin, Sana lang talaga hindi na naman dumating sa punto na sa ikalawang pag kakataon na mag paparaya na naman ako.
" Jamaica...okey ka lang kanina ka pa tulala"
Sabi ni Dawnyel kay Jamaica na kanina pa naka upo lang at balisa tila may iniisip sya...siguro ay ang kapatid nya iyon kaya ganoon.
" Ah wala may iniisip lang ako, Hindi pa ba tayo pupunta sa kakain Ng umagahan? Kanina pa sila nakahain at maya maya rin ay gising na ang mga bata"
Sabi ni Jamaica kaya tumango naman kami at sumangayon, tutal tapos na kami sa ginagawa namin.
" Kung ganoon tara sa hapag at hintayin natin silang magising"
Sabi ni Dawnyel at nag lakad na kami papunta sa dinning area.
Pag dating namin doon ay nakarinig kami ng sigawan.
" Bakit kasi hindi mo pa sabihin sa kanya na wala ka talagang pag tingin sa kanya? Nasasaktan na iyong tao, Hindi ikaw iyan eh... Hindi ka ganyan ano bang nangyayari sa iyo Donny! "
Sigaw nito at ng marinig ko ang pangalan ng taong mahal ko ay agad akong nag pumasok sa loob pero mukhang ganun din ang nasa isip ng mga kasama ko pero pag bukas namin ay nakita namin sina Donny at Primo na naka tayo malapit lang sa amin pero di nila kami napansin.
" Hindi ko naman sinasadya"
Sabi ni Donny at napa tawa naman si Primo.
" Hindi mo sinasadya? O nag bulagbulagan ka lang?, Akala ko talaga kilala na kita Donny eh, pero sa nakikita ko ngayon baka nga lahat ng pinakita mong ugali ay hindi totoo baka nga peke kang tao eh"
Sabi ni Primo at akmang pupuntahan ko na sana Donny pero hinarang ako ni Dawnyel.
" Hayaan mo sila Cooper usapan nila iyon wag kang makisali"
Sabi niya kaya naman tumingin lang ako uli sa dalawa.
" Hindi Primo... Alam mong lahat ng pinakita ko sa iyo ay totoo, saka Hindi ko naman intensyon na makasakit ng iba... Oo alam ko naging maka sarili ako dahil hindi ko alam na hahantong sa ganito lahat... Pero maniwala ka naman Primo, nahihirapan ako naguguluhan na ako... Hindi ko alam ang gagawin ko"
BINABASA MO ANG
Weather we fall Inlove
RandomKisses Series #2 FORMER TITLE: Seasons of Love Ang pag ibig ay pana-panahon lang may panahon na masaya,at malungkot bawat. Panahon ay sumisilbulo sa pag-ibig. Tag-init,Minsan sumisimbolo ng kasiyahan at minsan ay poot. Tag-ulan, Sumisimbolo ng kalun...