Pahina: 33

435 41 2
                                    

Donny POV

" COOPER!!!!!"

Napamura si Kuya Cooper sabay sara ng Zipper nito at tumabi sa akin at nilagay nya ang throw pillows sa pagitan ng hita nya.

Namula naman ako sabay ayos ng damit ko pero nakalimutan ko na nasira pala ito kanina.

Napatingin ako sa taong pumasok ako ka kaedataran ni Tito Gil mga 40+. Pero nakakahiya dahil nakita nya kami! Sayang nandun na eh! De joke lang nakakahiya talaga.

Bumulong si Kuya Cooper sa akin.

" Pasenya na Mahal ko sa susunod na lang... Hindi ko alam na biglang darating si Papa"

Sabi ni Kuya Cooper at nagulat naman ako na tumingin sa lalakeng nasa harapan namin na naka ngisi itong nakatingin kaya Kuya Cooper parang ninaasar nito ang sarili nyang anak.

Pero teka! Ibig sabihin nito ipapakilala nya ako sa magulang nya sa ganitong sitwasyon.

" Pasenya na sa istorbo, mukhang masama ang timpla ng mukha mo Anak"

Sabi nito kay Kuya Cooper at umiling lang naman si Kuya Cooper.

" Papa naman bakit hindi kayo nag sabi na pupunta kayo dito? Talaga pong naka abala kayo sa amin"

Sabi ni Kuya Cooper na para bang hindi nya Papa ang kausap nya.

Tumawa naman ang Papa ni Kuya Cooper.

" Hahaha Anak ngayon may natutunan ka na, pag balak nyong gawin iyon mag lock kayo ng pinto o di kaya sa kwarto wag sa sofa"

Sabi nito at namula ako sa sinabi nya nakakahiya talaga bakit ba ako na punta sa sitwasyon na ito, pero ang pinagtataka ko bakit hindi ito nagalit sa amin ng makita nya kami? Hindi ba sya nagagalit na lalake din ang karelasyon ng anak nya?.

Napa kamot na lang sa ulo si Kuya Cooper.

Tumayo ito at saka humarap sa akin. Tumingin sya sa polo ko.

" Pasenya na nasira ko ng damit mo kukuhanan na lang kita ng damit ko mamaya"

Sabi nya sa akin at humarap uli sya sa kanyang ama.

" Papa...Sya nga pala si Donny yung matagal ko ng kinukwento sa inyo... Boyfriend ko na po sya ngayon"

Sabi nito, Kay namilog ang mata ko sa sinabi nya, nahihibang na ba sya? Bakit nya iyon sinabi! Bakit parang wala lang sa kanya ang sinasabi nya?.

Kinakabahan ako sa sinabi nya hinila ko ang manggas ng damit saka sya tumingin sa akin, pero ngumiti lang sya sa akin at sinabi nyang manood lang daw ako sa mangyayari.

" Hahahahah!"

Biglang tumawa ang kanyang ama, anong tingin nya sa sinabi ng anak nya? Biro? Hays sadyang may saltik lang siguro ito.

" Hays hindi ko alam na tinupad mo talaga ang sinabi mo sa akin, na pag napasagot mo ang taong minsan bg nagmahal sa iyo...hahayaan kitang maging masaya...dahil iyon ang huling habilin ng iyong Mama ang namuhay kayong masaya..kaya sino ba naman ako para ipagkait sa inyo iyon? Isa na lang akong matanda na nag hihintay ng kunin ng liwanag"

Sabi ng Papa nya at lumapit naman si Kuya Cooper sa kanyang ama at niyakap ito.

" Papa naman nag drama na naman kayo, sabi ko sa inyo okey na mag asawa kayo eh...pero ayaw nyo...pero Papa hindi naman kami aalis sa tabi mo, Wag po kayong mag alala pag naka pag graduate na po si Donny iuuwi ko na sya sa bahay natin"

Sabi nya dito at tumingin naman sa akin ang ama nya sabay ngumiti ito kaya napa iwas naman ako dahil namumula ang pisngi ko sa sinabi nya.

" Aba bakit hindi mo ipakilala sa akin ang gwapo mong nobyo?"

Weather we fall Inlove Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon