Pahina: 24

523 47 7
                                    

Donny POV

" Wag kang mag alala Donny tama lang naman ang ginawa mo, dapat na syang mag move on, mas lalo lang syang masasaktan pag nakikita ka nyang masaya sa iba.. balang araw maiintindihan nya din ang lahat at saka balang araw mahahanap nya narin ang taong dapat para sa kanya"

Sabi ni Kuya Dawnyel sa akin pero tulala parin ako habang naka tingin sa bintana ng sasakyan.

" Tama ka Kuya Dawnyel... Balang araw talagang magiging... Masaya na ako para sa kanya pag nahanap nya na ang taong mamahalin nya at mamahalin din sya"

Sabi ko sa kanya sabay tingin at ngiti sa kanila.

Nalulungkot man ako pero, masaya rin ako dahil ginawa ko na ang tama ngayon, Tama sila na habang mas maaga pa at hindi pa gaanong kalalim ang sugat na nagawa ko mas mabuting gawin ko ang tama kaysa naman mas lumala pa.

At saka parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib ko, Ang hinihiling ko lang sana pag tanggap nya na ang lahat sana maging magkaibigan pa uli kami.

" Sigurado iyan Donny, Alam mo tayong mga lalake-uhm..Tama! Lalake tayo na inlove sa lalake na lalake din hahaha, ah Basta tayo kasi yung tipong masasaktan man kaya nating tanggapin kung ano talaga ang dapat kaya naman... masasabi kong matatanggap nya rin iyon,bigyan mo lang sya ng espasyo at panahon"

Sabi naman ni Kuya Jahleel at tumango naman ako sa sinabi nya.

" Sya nga pala ang dahil bumalik ka na sa bahay maghanda ka na...siguro talagang namiss ka ni Tito Gil kaya malamang pangigilan ka nito, Alam mo naman iyon, tinuturing ka na nyang anak"

Sabi ni Kuya Jahleel sa akin at natawa naman ako pag naiisip ko palang ang itsura nya.

" Sya nga pala Donny ,siguro jindi namin nasabi sa iyo marahil ay dahil busy kami masyado kaya hindi namin nasabi sa iyo na may asawa at anak na si Tito Gil"

Sabi ni Kuya Dawnyel sa akin na talagang kinalaki ng mga mata ko.

" Huh! Panong nangyari iyon hindi ba..."

" Hays yan din ang reaksyon ko noong una pero nakakatawa lang talaga na kaibigan nya rin pala ang nakatuluyan ni Tito Gil...at babae pa talaga"

Sabi ni Kuya Jahleel.

" Ang sabi nya sa smin, noon College daw sila ay may usapan daw sila ng kaibigan nyang babae na pag wala pa daw silang asawa pag tumuntong nila ng 30 ay mag kikita daw sila at magiging mag Asawa. Nag kita maman daw sila pero kailangan umalis nung babae at alam mo ba? May nangyari sa kanila...at nag bunga ito at iyon may anak na si Tito Gil, lalake Ang anak nila 5 years old na rin ito siguradong matutuwa ka ang cute kasi nya"

Sabi ni Kuya Dawnyel na talagang tuwang tuwa habang binabanggit nga ang anak ni Tito Gil.

Ilang oras ang lumipas at sa wakas nasa bahay na kami nila Kuya Dawnyel.

At pag baba ko palang ng kotse ay nagulat ako ng may humakap sa baywang ko.

At pag tingin ko at isang batang lalake na sobrang taba Nlng pisngi nya at naka ngiti sya ng malapad sa akin.

" Tito Donny!"

Masaya nyang sabi at Nlmapa tingin naman ako kina Kuya Dawnyel at Kuya Jahleel. Lumapit si Kuya Jahleel sa batang lalake.

" Donny, sya ang anak ni Tito Gil, At Casper tama ka sya nga ng Tito Donny mo"

Sabi ni Kuya Jahleel sa akin at ngumiti pa ng mas malaki si Casper sa akin at dahil sa natutuwa talaga ako sa kanya ay agad ko syang binuhay, mabigat sya mabigat talaga pero kaya ko naman syang kargahin, agad kong hinalikan ang kanyang pisngi na kinatawa naman nya.

Weather we fall Inlove Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon