Pahina: 31

460 38 0
                                    

Donny POV

Nagising ako mula sa sikat ng Araw.

Isang magandang umaga! Pakiramdam ko ang gaan ng loob ko... Marahil dahil sa wakas nag kaayos na kami ni Charles at napag pasyahan nya ng maging mag kaibigan kami uli, Alam ko na hindi madali sa kanya ang lahat pero alam ko pag binigyan ko sya ng oras darating din ang araw na magagawa uli naming mag kulitan sa isat-isa.. pag nangyari iyon alam kong naka move on na sya sa akin.

Nag unat-unat muna ako bago nag tungo sa banyo at naligo.

Pag katapos ay nag palit lang ako ng pambahay.

Bumaba ako sa baba ng papunta sa kusina pero napa ngiwi naman ako ng makita kong naglalambingan sina Kuya Dawnyel at Kuya Jahleel sa lamesa.

Sinusuway ni Kuya Dawnyel si Kuya Jahleel... Pano naman kasing hindi nya ito susuwayin kung naka pasok na naman ang kamay ni Kuya Jahleel sa loob ng sando ni Kuya Dawnyel...sa tingin ko ay ehem wag na ko na ngang sabihin.

Umagang umaga ganito ang bubungad sa inyo? Mapapasimangot ka talaga lalo pag wala kang jowa.

" Ehem!... Kaya ayaw kong tumira sa bahay nyo , dahil parating ganito ang nakikita ko umagang umaga"

Sabi ko sa kanila at nagulat naman si Kuya Dawnyel ng makita nya ako at agad nyang tinapik ng kamay ni Kuya Jahleel.

Umayos sila ng upo at umupo naman ako sa harapan nila.

" Wow ah, Donny maka asar ka naman oh!, Wag kong sabihin hindi kapa hinawakan ni Cooper ng mga ganoon?...Sus ikaw ah painosente ka"

Asar na sabi ni Kuya Jahleel sa akin at namula naman ako sa sinabi nya. Putek! Hindi ko ma-imagine na ginagawa ni Kuya Cooper sa akin iyon! Nakakahiya!.

" H-huh!? Hindi katulad mo si Kuya Cooper, Kuya Jahleel may respeto sya sa akin saka...Wala pa kaming oras sa mga ganoong bagay lalo na dahil sa mga nangyari nitong narakaang araw"

Sabi ko sa kanila at natahimik naman silang dalawa.

" Hays pag pasenya mo na itong lalakeng takas sa mental Donny, wag mo na lang syang pansinin."

Sabi na lang ni Kuya Dawnyel.

"Pero pag may oras na layo Donny! Gawin nyo na ng bagay na iyon!"

Sabi ni Kuya Jahleel at halos mamula ako sa hiya sa sinabi nya.

" Kuya Jahleel naman eh!!!!"

Sigaw ko sa kanya at nag tawanan naman silang dalawa, hays pakiramdam ko bumalik na ako sa dating ako.

" Hoy Donny! Bakit hindi ka pa pala naka bihis? Wala ka bang balak pumasok sa paaralan ngayon? Halos ilang araw ka ng hindi pumasok...Hindi ka pa ba papasok ngayon?"

Sabi ni Kuya Dawnyel sa akin.

" Huh? Bakit ako papasok Kuya Dawnyel kung alam nyo naman ang dahilan? Baka nga hindi na nila ako papasukin doon dahil sa isyu na nangyari"

Sabi ko sa kanila at nalungkot naman ako dahil hindi ako makaka graduate ngayong taon na ito, Hays pero hindi lang naman ito ang taon meron pa namang susunod pero nakaka pag hinayang lang na mahuhuli na ako sa lahat ng mga ka mag aral ko pag nagkataon.

" Huh? Hindi pa ba nag text sa iyo si Cooper? Baka hindi mo pa nakikita"

Sabi ni Kuya Dawnyel sa akin kaya napa kunot naman ako ng noo anong text?.

Agad kong kinuha ang telepono ko at agad kong nakita angensahe ni Kuya Cooper.

From: Kuya Cooper

Weather we fall Inlove Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon