EPILOGO

1.2K 64 24
                                    

Donny POV

" Mahal ko naman eh bilisan na natin, baka hindi tayo maka abot"

Sabi ni Kuya Cooper sa akin habang hinihingal na ako at pinag papawisan na rin ako sa ginagawa namin.

" Bakit ngayon mo pa kasi naisip na gawin to Kuya Cooper? Ang sakit na naman ng katawan ko mamaya"

Sabi ko kanya.

" Hays di ba sabi ko parati naging gagawin to tuwing umaga para masanay ka? Sa bibilisan na nga  eh... O ayan na o malapit"

Sabi ni Kuya Cooper habang ako ay napangiwi dahil sa sakit na nakakaramdaman ko.

" Ahhhhhh!"

Sigaw ko na lang at sabay pag higa ko sa sahig habang pinag papawisan ang buong katawan ko.

" Hahaha ang hina mo parin sa mga ganito Mahal ko... Pano ka masasanay kung sa sit ups palang pagod ka na? "

Sabi nya sa akin at napa nguso naman ako sa sinabi nga sabay umupo ako.

" Kasi nga po halos ilang araw na akong nag e-erhersiyo at masakit na ang buong katawan ko... Kuya Cooper naman graduation namin ngayon eh"

Sabi ko sa kanya at natawa naman sya.

" Kaya nga alam ko iyon mahal ko... Di ba sabi mo gusto mong maging fit dahil sabi mo tumataba ka na? Kaya nga sinasanay kita eh"

Sabi nya sa akin sabay nakaw nya ng halik sa pisngi ko.

" Kuya Cooper naman eh... Mag pahinga lang ako pagkatapos maligo na ako baka mahuli tayo"

Sabi ko sa kanya at natawa na lang sya sa sinabi ko.

Tumango sya at hinalikan nya uli ako sa labi bago sa tuluyang pumunta sa banyo para maligo.

Halos ilang buwan na rin ang nakalipas pag katapos ng insidente na iyon... At sa totoo lang maraming nag bago... Katulad ngayon simula nung araw na iyon pinag paaalam na ako ni Kuya Cooper kina Kuya kung pwedeng dito na ako manatili sa bahay nya at pabor naman sina Kuya doon kaya heto tuluyan na nga kaming nag sama ni Kuya Cooper ng pinaka mamahal kong lalake.

Si Emily ayun naka hanap na rin Ng taong mamahalin, halos ilang buwan na rin silang mag jowa wala naman kaming problem sa boyfriend nya dahil mabait ito sa amin.

Si Charles ay okey na mag kaibigan parin kami.. pero nag seselos parin si Kuya Cooper sa kanya sa tuwing inaakbayan ako ni Charles at natatawa na lang ako pag nag babangayan sila.

Masaya naman kaming lahat maliban na lang kay Primo na na hospital pag katapos ng nangyari... Ng nahulog sila sa bangin ni Nathalie ay himalang naka ligtas si Primo dahil na sabit ito sa isang puno... Kaya lang dahil sa taas ng pinag bagsakan nya ay na trauma sya at halos ilang buwan din syang di namin makausap pero nh nag laon ay nakikipagkulitan na din sya nasa isang hospital sya ngayon at mamaya ay pupunta rin sya sa graduation dahil kasama parin sya sa mga graduate.

Pero ang nakakalungkot ay ang pag kamatay ni Nathalie.. Hindi na kami nag sampa ng kaso bilang pag galang sa pag kamatay nya kahit na naging masama sya sa amin ay alam naming mabait parin sya nilamon lang sya ng labis na pag mamahal kay Charles.

" Mahal ko tapos na akong maligo sumunod ka na at ng makaalis na tayo"

Sabi ni Kuya Cooper at sumigaw naman ako ng oo.

Pag kalipas mg ilang minuto ay natapos na akong maligo.

" Handa ka na ba Mahal ko?"

Sabi nya sa akin at tumango naman ako at sabay kaming nag tungo sa paaralan.

Weather we fall Inlove Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon