Pahina: 28

518 54 6
                                    

Charles POV

Bakit? Bakit sa bandang huli akala ko handa ako sa magiging resulta ng ginawa ko, akala ko kala ko kaya ko, akala ko kakayanin ko ang sakit at makakapag move on din ako kaagad pero... Nag kamali ako.

Hindi pala ganoon kadali, Hindi ganoon mag move on pag alam mo sa sarili mo noong una palang, Alam mo na sa sarili mo na mahal mo na sya.

Ang saklap dahil unang tingin ko pa lang sa kanya noon tatlong taon na Ang nakakalipas.

Ng araw na iyon naalala ko, pumunta ako sa Mall para bumili ng Tsokolate na powder, iyon ang paborito ko at nag mamadali pa noon ako dahil baka maubusan ako at aksidente kong nabangga ang push cart nya, tatawa parin ako pag naalala ko ang itsura ko noon, Yung panahon na iyon ay para akong bata na nakita ng bagay na kayaman para sa akin ng napatingin ako sa binili nya dahil ang Tsokolate na iyon ay ang paborito ko.

Tinanong ko sya kung ubos na ang Tsokolate na iyon pero ang sabi nya ay marami pa daw, pero nakatingin parin ako sa Tsokolate na powder, Kaya noon sa huli ay binigay nya sa akin ang pinamili nya at talagang tumawag tuwa naman ako sa sinabi nya at ng binigay nya sa akin ito ay agad ako itong niyakap na parang bata.

Nakakatawa man pero masasabi kong nagustuhan ko na sya ng araw na iyon, simula noon bago kami umalis ng pilipinas ay parati akong pumupunta sa mall para makita ko syang muli pero....Hindi ko na sya makita hanggang umalis kami ng pilipinas.

At isa sya sa dahilan kung bakit, Kung bakit ako bumalik dito at sya rin ang dahilan kung bakit mas ginusto kong baguhin ang sarili ko sa isang matinong lalake...naging masama lang at napunta ako sa ganito kong ugali ng dahil sa mga magulang ko.

Gustong gusto ko talaga sya lalo na yung nga ngiti nya...Kaya sinabi ko sa sarili ko na pag nag kita uli kami, Alam kong magugustuhan nya ako pero...lahat ng pag hihintay ko at pag titiis ko para lang mas lalo akong mapalapit sa kanya, lahat ng mga ginawa ko pati na ang paminsan minsan kong pag bibiro sa kanya...lahat ng iyon nawala.

Nawala sa isang iglap ng makita kong sa iba sya naka tingin at hindi sa akin, ako yung nasa tabi nya pero ng biglang dumating si Cooper parang nawala ang atensyon nya sa akin.

Hindi ko sya sinisisi...pero naiinis ako sa sarili ko...galit na galit ako! Dahil unang una wala akong karapatan na magalit, dahil ginusto ko ito, kahit na alam kong malabo na, na wala na talagang pag asa...umasa parin ako na mapapansin nya rin ako.

Akala ko tama na ng lahat ng ginawa ko para sa kanya para mahalin nya ako pero hindi...Dito ko na realize na...pag mahal mo ang isang tao hinding uindi mo iyo agad makakalimutin lalo na pag alam mong may pag asa pa....at na realize ko din na pag hanggang kaibigan lang talaga ang tingin nya sa iyo...wag mo ng ipilit na mas higit pa doon ang mararating nyo.

Dahil pag pinilit baka ang pag kakaibigan nyo mawala pa...sa tingin ko pinapaalala sa akin na maging kontento na ako sa kung anong meron man kaming dalawa, na hanggang kaibigan lang kami.

Pero hindi ganoon kadaling mag move on hindi ganoon agad matatagal ang sakit...at lalong hindi ganoon agad mag hihilom ang sugat na nakuha ko...pero alam ko na sa pag lipas ng panahon araw, buwan o taon man makakalimutin ko din lahat ng ito.

At darating ang araw na magiging malapit uli kami sa isat-isa bilang kaibigan na lang.

Maya maya ay may kumatok sa kwarto ko...Wala ako ngayon sa apartment..nasa bahay ako ngayon namin dito sa bahay namin dito sa pilipinas.

" Charles nandyan ka ba?"

Sabi nito at pinunasan ko ang mga luha ko,

" Anong ginagawa mo dito?"

Weather we fall Inlove Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon