Charles POV
Tulala, at parang wala sa katinuan iyan ngayon ang itsura ko habang, naka subsob ang mukha ko sa mini bar ng resort ko.
Hindi ko rin maisip na dahil dun sa nangyari kanina kaya nag lalasing ako.
Nag lalasing ako para makalimutan ang dalawa kong problema.
Ang una ay ang problema ko sa Ate Jamaica ko at ang pangalawa... Ay ang nangyari kanina lang.
************************************
" Donny, Gusto kita... Hindi bilang kaibigan kundi higit pa... Gusto rin sanang totohanin na lang natin na maging tayo"
Sabi ko sa kanya, Alam kong hindi ko pag dapat sabihin ito pero sa tuwing magkalapit sila ni Sir Cooper parang halos gusto ko syang hilain papalayo sa kanya at sabihin na akin sya, pero bakit ko naman gagawin iyon? Sinong niloko ko sarili ko? Sa hindi naman kami talaga, at isa ring rason kung bakit ayaw ko pang matapos ang pag papanggap namin ay dahil alam ko na may gusto na ako sa kanya hindi ko talaga sya gusto nung una hanggang sa pansin ko rin sa aking sarili na.... Nakangiti ako pag nakikita ko syang masama ang itsura pag binibiro ko sya O di naman kaya napapatitig ako sa kanya pag seryoso syang nag iisip.
Mga ganun na bagay hanggang sa nalaman ko na hulog na pala ako sa kanya.
Hindi ko alam kung anong ginagawa ko sa sitwasyon ngayon, halo halo ang nadarama ko, galit,saya,lungkot,at pagnanasa.
Hindi ko alam na mas nanaig sa akin ang pagnanasa kaya akmang mag sasalita sana si Donny pero agad kong hinila ang batok nya sabay hatak papalapit sa akin , sabay lapat ng aming mga labi.
Kitang kita ko naman sa mukha nya na gulat na gulat sya sa ginawa ko.
Sobrang lambot ng mga labi nya at dahil parang hindi ko na alam ang gagawin ko ay sinumulan kong igalaw ang mga labi ko.
Hinigop ko ang itaas na bahagi ng labi nya sabay dila ko dito at nilasap ang sarap ng labi nya,Hindi ko Alam, Alam kong walang lasa ang laway ng isang tao pero sa pag kakataon na ito ay nalalasahan ko na sobra itong tamis maaring sa kinain nya kanina o talagang sa isip ko lang Ito nalalasahan.
Pero ng pinilit kong ipasok ang dila ko sa sakanya ay nagulat sya at agad akong itinulak ng malakas at parang nagising naman ako Sa reyalidad na mali ang ginawa ko.
Kahit na alam kong may gusto ako sa kanya mali parin na halikan ko sya na walang pahintulot.
Mag sasalita sana ako ng bigla nya akong sinapak ng malakas kaya napa gawi sa kanan ang aking mukha at bahagya pa akong napa ngiwi dahil sa naramdaman ko na hapdi sa gilid ng Labi ko.
Napa tingin ako sa kanya pero tulala lang sya na naka tingin sa akin.
" Bakit?...Bakit mo iyon ginawa Charles?"
Sabi nya sa akin at kita ko sa mukha nya ang pag kalito.. akmang lalapit ako sakanya pero lumayo sya sa akin at saka umiling.
Mag sasalita na sana ko pero bigla nya akong tinalikuran at agad syang umalis ng hindi nag sasalita.
Kaya naiwan ako ng mag isa sa dalampasigan.
BINABASA MO ANG
Weather we fall Inlove
RandomKisses Series #2 FORMER TITLE: Seasons of Love Ang pag ibig ay pana-panahon lang may panahon na masaya,at malungkot bawat. Panahon ay sumisilbulo sa pag-ibig. Tag-init,Minsan sumisimbolo ng kasiyahan at minsan ay poot. Tag-ulan, Sumisimbolo ng kalun...