Donny POV
5 pm na ng hapon ng nakarating kami dito sa Resort nila Charles, at halos ilang oras din akong naka upo sa loob ng Sasakyan nakaka ngalay din pala masakit sa pwet.
At halos ilang oras na din akong tinanong ng tinanong nina kiya hays sana pala hindi ko na lang sinabi dahil sa mga sinabi nila mas lalo pa tuloy naging magulo ang lahat.
************************************
" Ano!? Putek! Sinasabi ko na nga ba!"
" Donny! Kailangan mong mag paliwanag sa amin!?"
Sigaw nila pareho sa ako kaya napa hawak naman ako sa tainga ko dahil sa lakas ng pag kakasabi nilang dalawa.
" Kuya hindi ako bingibpara sumigaw kayo ng malakas"
Saway ko sa kanila.
" Pasenya na Donny pero bakit mo naman iyon ginawa?"
Tanong ni Kuya Dawnyel da akin at kinukwento ko lahat nangyari at mukhang naintindihan naman nila ang sitwasyon ko wala talaga akong pag pipilian.
" Pero mukhang... May gusto ka nga kay Cooper... Pero nakita ko kanina... Parang may gusto ka rin kay Charles"
Sabi ni Kuya Jahleel sa akin at saka umiwas naman ako ng tingin.
" Wala akong gusto sa kanya siguro dahil tinuturing ko lang syang kaibigan"
Sabi ko sa kanila dahil iyon lang naman talaga.
" Ganun? Bakit ng pag agawan ka nila bakit parang na pipilian ka? Hindi ba dapat kung anong gusto mong puntahan at kung sino ang gusto mong sundin ay doon ka pupunta? Pero sa nakita namin kanina parang nag dalawang isip ka pa at mukhang hindi mo alam ang pipilin mo? Umamin ka nga Donny may gusto ka ba sa kanilang dalawa? Kung wala man pakiusap... Wag mong paasahin ang isa sa kanila... Mas mabuting sabihin mo na ng maaga para maiwasan mong mag karoon ng problema"
Sabi ni Kuya Dawnyel sa akin at napa yuko naman ako dahil sa sinabi nya sa akin.
" Wala naman akong sinabing mag kagusto sila sa akin Kuya Dawnyel"
Rason ko naman sa kanya.
" Donny, Hindi porket walan kang sinasabi, Hindi na sila pwedeng umibig sa iyo, at kahit na sabihin mo pang hindi sila pwedeng mag kagusto sa iyo, Wala kang magagawa doon, dahil iyon ay ang nararamdaman nila... Bakit? Hindi ba sinabi rin sa iyo dati ni Cooper na hindi ka nya gusto? Pero anong ginawa mo? Nag hintay ka ng ilang taon, Ng walang kasigaruduhan kung magiging sa iyo na sya, katulad nun sinabi nya na pero dahil mahal mo sya at iyon ang sinisigaw ng puso mo, Hindi mo sya sinunod at puso mo ang pinairal mo at wala kang magagawa dahil mahal mo sya... Hindi nya kasalanan iyon at lalong hindi mo rin kasalanan dahil nag mamahal ka lang".
Sabi sa akin ni Kuya Dawnyel at lalo naman atang sumakit ang ulo dahil sa sinabi nya. Wala akong gusto kay Charles dahil unang una, Roomate ko lang sya, Pangalawa pekeng jowa nga lang ako at pang huli hambog sya.
BINABASA MO ANG
Weather we fall Inlove
RandomKisses Series #2 FORMER TITLE: Seasons of Love Ang pag ibig ay pana-panahon lang may panahon na masaya,at malungkot bawat. Panahon ay sumisilbulo sa pag-ibig. Tag-init,Minsan sumisimbolo ng kasiyahan at minsan ay poot. Tag-ulan, Sumisimbolo ng kalun...