Pahina: 35

476 41 4
                                    

Donny POV

Napapikit na lang ako habang hinihintay na banggain ako ng sasakyan at narinig kong sumigaw na lang ng malakas si Kuya Cooper.

" DONNY HINDI!!!!!"

At pagkalipas ng ilang segundo ay wala akong maramdaman na pag bangga sa aking katawan. Bagkus ay pakiramdam ko naka higa ako.

Minulat ko ang aking mga mata at nagulat ako ng makita kong yakap yakap ako ni Charles!?.

" Mabuti naman at umabot ako"

Sabi nya at tumayo sya at tumingin sa sasakyan na kamuntik na akong banggain, humarurot lang ito ng mabilis papalayo sa amin .

" Donny!"

Sigaw ni Kuya Cooper papalapit sa akin mag sasalita sana ako pero bigla nya akong niyakap ng mahigpit.

" A-Akala ko mawawala ka na sa akin mahal ko...pag nag kataon hindi ko kakayanin...patawad...Hindi na naman kita na protektahan...patawad"

Sabi ni Kuya Cooper at narinig kong umiiyak na sya,niyakap ko na lang sya hanggang sa  tumigil sya sa pag iyak.

Humiwalay sya sa pag kakayakap sa akin at pinunasan nya ang mga luha nya.

" Kuya Cooper... pasensya na pinag alala kita...Hindi ko alam pero hindi ko maigalaw ang katawan ko kanina sa sobrang takot..takot na baka mangyari na naman ang nangyari noon"

Sabi ko sa kanya at umiling sya.

" Hindi ko na hahayaan iyon...at sya nga pala salamat sa pag ligtas sa mahal ko Charles"

Sabi ni Kuya Cooper at tama, si Charles!.

Tumingin ako sa likod ko at nakita ko syang nakantingin sa daan.

" Walang problema sa akin iyon... kaibigan ko si Donny...pero ang pinag aalala ko...Hindi lang basta simpleng aksidente ang nangyari...sinandya ito...ibig sabihin may gusto mag papatay kay Donny"

Biglang sabi ni Charles at gulat naman ako tumingin sa kanya. At naalala ko ang sinabi ng taong may hawak kay Emily...Sabi nya munting regalo..ibig sabihin... Sya ang gustong mag papatay sa akin!.

" Tama! Si Emily! May dumukot lay Emily"

Sabi ko sa kanila at gulat naman silang napa tingin sa akin.

" Paanong nangyari iyon? Kung iniwan ko lang sya kanina sa paaralan? Ibig bang sabihin...dinukot sya sa loob ng paaralan? Impossible naman ata iyon?"

Takhang sabi ni Charles sa akin. Yun nga din ang pinag tataka ko.

" Pero mahal ko...bakit? Saka paano mo nalaman?"

Sabi ni Kuya Cooper sa akin.

" Kanina...habang hinihintay kita tumawag si Emily sa akin, at sabi nya...Sabi nya kilala nya na kung sino ang may gawa nung post sa facebook...pero ng kumaway ka at kinausap ko uli sya wala ng sumagot...pero pag kalipas mg ilang minuto iba na ang sumagot...Hindi ko sya kilala kung babae o lalake sya dahil gumagamit sya ng voice changer..saka ang sabi nya kung hindi ko susundin ang lahat ng sinasabi nya...baka patayin nya si Emily! Ayokong mangyari iyon! Kailangan ako ni Emily!"

Sabi ko sa kanila habang umiiyak.

" Pero Donny, kailangan mong mag pahinga dahil sa nangyari kanina kami na ang bahalang mag ligtas kay Emily"

Sabi ni Charles sa akin pero umiling lang ako.

" Hindi pwede...dahil pag hindi ako ang pumunta o di naman kaya tumawag tayo ng pulis...Ang sabi nya baka makita na lang natin si Emily na palutang lutang sa ilog"

Weather we fall Inlove Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon