Pahina: 22

507 52 6
                                    

Donny POV

Halos dalawang araw na ang lumipas ng mangyari ang gulo na iyon at halos dalawang araw na rin akong walang kasama dito sa apartment.

Hindi na umuwi dito si Charles simula nung umuwi kami, at mas okey na rin siguro iyon dahil aalis naman na ako mamaya dito, ayoko ng saktan si Charles at hinihintay ko lang syang bumalik dito para maka pag paalam ng maayos... Gusto kong linawin ang lahat sa kanya.

Pero mukhang hanggang ngayon ay hindi ko parin sya makausap dahil Hindi pa sya umuuwi.

Maya maya lang at may tumawag sa telepono ko. Pag tingin ko ay si Kuya Cooper pala.

Naging madalas ang pagtawag ni Kuya Cooper, Hindi ko masasabi na kami na dahil hindi naman sya naligaw at mas lalong hindi ko naman sya sinagot sinabi ko lang na mahal ko sya pero wala pang label kumbaga.

"Hello kamusta na ang Mahal ko? "

Sabi nya sa kabilang linya at hindi ko maiwasang mamula sa sinabi nya, simula ng bumalik kami pagtumatawag sya sa akin at parati nya akong tinatawag na mahal.

" Okey lang naman ako Kuya Cooper... Napatawag ka?"

Tanong ko sa kanya, pero kahit na mahal ang tawag nya sa akin Kuya parin ang tawag ko sa kanya.

" Wala gusto lang kitang kamustahin.. saka sya nga pala may pasok na bukas pero hindi ako makakapasok bukas dahil kasalukuyan akong may inaasikaso.. ikaw na ang bahalang mag sabi sa mga kaklase mo mahal"

Sabi nya sa akin at halos mapunit naman ang labi ko sa sobrang kilig, oo na kinikilig ako, Hindi kami nag kikita dahil busy sya sa business nila, dahil may kaunti lang naman daw na problema.

" Sige Kuya Cooper sasabihin ko sa kanila, kamusta naman dyan?"

" Ayos na naayos ko na yung problema pero heto ako at pinapagalitan ang kapatid ko na syang nag papatakbo ngayon ng business namin dito sa Pilipinas"

Sabi nya sa akin kaya tango lang ako.

" Sya nga pala Kuya Cooper yang kapatid mo ay hindi ko pa nakikita bakit noon panahon na nandito ka sa Pilipinas bakit hindi mo sya kasama?"

Tanong ko sa kanya dahil ji minsan noon hindi nya pa nasabi sa amin na may kapatid sya.

" Kasi nga Mahal, sa Tokyo na sya lumaki dahil nandoon naman talaga si Papa, at saka hindi kami masyadong close ng kapatid ko dahil halos tatlo o mga limang beses ko lang syang nakita sa buong buhay ko kaya ngayon kinikilala ko pa sya"

Sabi nya sa akin.

" Ganoon ba Kuya Cooper? Siguro dapat siguro na dalasan nyong lumabas para maka pag bonding kayong magkapatid"

Sabi ko naman sa kanya.

" Sige minsa gagawin ko yang sinabi mo mahal tapos sumama ka narin para makilala ka nya... Para makilala nya ang taong mahal ko"

Sabi nya sa akin at halos mangisay na ako sa kilig dahil sa sinasabi nya.

" Sige na nga ibaba ko na itong telepono, may lakad kasi kami ni Emily ngayon, saka baka marami ka pang gagawin, tawagan na lang kita mamayang Gabi"

Sabi ko sa kanya.

" Hays sige na nga mahal... I love you mahal"

Sabi nya sa kabilang linya pero hindi ako sumagot.

Weather we fall Inlove Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon