Donny POV
" Salamat"
Ang sabi ko sa kanya at humiwalay naman sya sa pag kakayakap sa akin.
" Bakit ka naman nag pa-pasalamat sa akin, natural lang sa mag kaibigan ang matulungan Donny, saka sa mga nangyayari sa iyo mas kailangan nating mag damayan, Hindi naman ako na niniwala sa paratang nila eh, Isa lang silang tao na walang utak dahil hindi sila maka intindi"
Sabi ni Emily.
" Pasenya na.. napaka buti mong kaibigan samantalang ako... Hindi, Ni hindi ko man lang alam na may ganito ka palang pinag daanan... Sa tinagal nating mag kaibigan ngayon ko lang nalaman"
Sabi ko sa kanya at napa yuko naman ako.
" Hays Donny hindi ko naman talaga sinabi sa inyo kaya wala kang kasalanan, saka ang isipin natin kung Sino ang may gawa nitong lahat, at bakit ka nya gustong sirain? "
Sabi ni Emily. Kaya napa isip naman ako, pero naalala ko bigla si Kuya Cooper.
" Sandali lang Emily tatawagan ko lang si Kuya Cooper at sasabihin kong wag muna syang pumasok, baka pati sya ay husgahan din katulad ko"
Sabi ko sa kanya sabay kuha ng telepono ko.
Pero pag tingin ko sa telepono ko ay may mensahe sya para sa akin.
Kaya agad ko itong binuksan Ito agad.
From: Kuya Cooper
Donny, Kung papunta ka palang sa paaralan wag ka na munang pumasok, pakiusap
From: Kuya Cooper
Donny kung nasa paaralan ka na kita tayo mamaya papunta ako mg office ng Principal kakausapin nila ako.
At alam mo na kaya pinatawag so Kuya Cooper ay dahil iyon sa mga larawan.
" Donny, pinapatawag ka sa Office ng Principal, mukhang alam na nila ang lahat at mukhang tatanungin ka na nila"
Sabi ni Emily sa akin kaya napa tingin ako sa kanya at hawak hawak nya ang telepono nya.
" Kung ganoon, pupunta na ako Emily"
Sabi ko sa kanya at agad akong tumayo para mag tungo sa Principal office.
Pero agad nyang hinawakan ang kamay ko.
" Donny, Sasama ako at wag kang kumontra, sa mga oras na ito kailangan mo ng kaibigan"
Sabi nya at gusto kong maiyak dahil, kahit na anong mangyari ay nandyan sya biglang isang matalik na kaibigan sa akin.
" Kung ganoon tara na sa , Baka hinihintay na nila tayo"
Sabi ko sa kanya at ngumiti sya sa akin at kahit na pareho kaming namumugto ang mata at tumawa parin kami hanggang sa pag labas namin sa Hardin, Wala kaming pake sa nga sinasabi nila,dahil unang una wala silang alam, Hindi nila alam ang totoong kwento kaya kahit na anong sabihin nilang masakit ay hahayaan ko na lang.
At pag karaan ng ilang minuto ay nasa harapan na kami ng Principal Office.
" Dito na lang ako Donny, hihintay kita dito kung may problema tawagin mo ako handa akong maging testigo".
Sabi nya sa akin at natawa naman ako sa sinabi nya.
" Wala naman akong kasalan kaya wag kang mag alala hindi mag kakaproblema".
Sabi ko sa kanya.
" Oo na sige na pumasok ka na, Basta tandaan mo nandito lang ako. Ang kaibigan mong si Emily ganda".
BINABASA MO ANG
Weather we fall Inlove
RandomKisses Series #2 FORMER TITLE: Seasons of Love Ang pag ibig ay pana-panahon lang may panahon na masaya,at malungkot bawat. Panahon ay sumisilbulo sa pag-ibig. Tag-init,Minsan sumisimbolo ng kasiyahan at minsan ay poot. Tag-ulan, Sumisimbolo ng kalun...