Donny POV
" Ito ang kwarto na iyon ako ang naka tira dito pero tutal meron ka na dalawa na tayong titira dito"
Sabi ko sa lalakeng Ito na palinga-linga sa kabuan ng kwarto.
" I see, mukhang malinis ka naman sa gamit, pero mukhang mga low quality na gamit lang ang meron dito sa kwarto na Ito, madaling masira at pangit ang kalidad"
Prangkang sabi nya habang naka tingin sa mga gamit na dala ko. Pero imbes na mainis ako ay ngumiti lang ako sa kanya.
" Tol kalma ka lang"
Payo naman sa akin ni Primo na nasa tabi ko, Alam kong nag pipigil din sya ng inis sa lalakeng Ito.
" Sa totoo lang talaga pina sadya ko talaga ang mga iyan dahil hindi naman ako titira dito habang buhay, halos ilang taon lang naman kaya hindi naman siguro masama kung mga ordinaryong gamit ang mga gagamitin mo hindi ba? Saka nagiging praktikal lang ako walang masama doon"
Sabi ko naman sa kanya at tinignan nya ako at saka tumingin uli sa paligid.
" Hindi ko naman hinihingi ang sagot mo, sinabi ko lang na low quality ang mga gamit mo ang dami mo ng sinabi"
Sabi nya at napa taas na ang kilay ko dahil sa sinabi nya,aba't hindi lang pala sya hambog, Isa rin syang pilosopo.
" Pasensya na Tol , pero hindi ba tinuro sayo ang salitang sensitive? Parang wala ka kasi nun eh"
Kalmado ngunit may diin na sabi ni Primo. Tinignan nya si Primo na parang wala syang pake sa sinabi nito.
" At...sino ka naman? Sa usapan namin dito ng landlady, isang tao lang ang nakatira dito,At sino ka namang asungot ka?"
Sabi nito kay Primo.
" Ako si Prince Primo Echavez, at kaibigan ko lang naman ang Roommate mo"
Sabi ni Primo sa kanya, na halatang may pag mamalaki sa bawat salita nya.
" Owww Echavez, kaano-ano mo ba Ang pamilya Echavez na nag mamay-ari ng mga hotel at condominium dito sa Pilipinas? Isa ka ba sa ka apelyido nila?"
Sabi nito sa kanya at nandilim ang mukha ni Primo dahil sa narinig nya.
" Ahh... Primo sa tingin ko mag kita na lang tayo bukas sa Campus"
Sabi ko sa kanya dahil ramdam ko na naiinis na sya dito sa lalakeng Ito.
" Oh well bago ka umalis I will formally introduce my self first"
Sabi nito sa amin,
" I'm Charles Escallabar, Ang pamilya namin ang may ari ng mga ilang resort dito"
Kung may pag mamalaki kanina sa pag sasalita ni Primo, samantalang sya ay punong puno ng kahambugan.
" Pwes, Wala din kaming pake sayo, kahit sa inyo pa lahat ng mga Mall dito tsk...tabi!"
Inis na sabi ni Primo sabay bangga kay Charles at umalis ng silid at hindi man lang nag paalam sa akin.
" Tsk! Walang modong lalake"
Sabi nya at tumingin sa akin.
" So...saan ang kama ko?"
Sabi nya sakin at tumingin lang ako sa isang malaking kama na kasya ang limang taon sa sobrang laki.
" Isa lang ang kama dito kaya naman tabi tayo, pero wag kang mag alala dahil malawak ang espasyo"
Paliwanag ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Weather we fall Inlove
RandomKisses Series #2 FORMER TITLE: Seasons of Love Ang pag ibig ay pana-panahon lang may panahon na masaya,at malungkot bawat. Panahon ay sumisilbulo sa pag-ibig. Tag-init,Minsan sumisimbolo ng kasiyahan at minsan ay poot. Tag-ulan, Sumisimbolo ng kalun...