Pahina: 4

859 75 2
                                    

Charles POV

" Ate!, Ang hirap naman mag panggap eh, bakit ba hindi ko na lang gawin ang gusto kong gawin? "

Sabi ko kay Ate habang kinakausap ko sya sa loob ng banyo dito sa loob ng Cheap na paaralan na Ito.

Hays ang hirap mag panggap na hindi ka naiinis sa mga taong naka paligid sa iyo, Yeah alam ko na ang pabango nila ay mga imported at galing abroad.. pero ang damit nila hays nakakainis wala silang ka taste taste sa fashion na masasabi nila.

May nag suot ng mga spaghetti strap tapos maikling palda?, Hindi fashion ang tawag doon isa iyong kawalang galang!, Bakit hindi na lang sila nag suot ng panty at bra? Kung ang intensyon lang naman ay ipag malaki kung anong meron sila.

Hays mga babae nga naman oh oh,

" Tumahimik ka nga! Charles ang sabi ko sa iyo makibagay ka...Pano mo mapapatakbo ang kumpanya kung hindi ka marunong maki halubilo sa ibang tao?, Gusto namin na maging normal ka noong isip Bata ka pero, Alam ko kung bakit nag sisi si Papa maging ako ay nag sisi kung bakit pinilit ka naming mag bago"

Sabi ni ate sa kabilang linya at napa iling naman ako.

" Hindi ko talaga kayo maintindihan Ate, Nakakalito kayo...ito na ang huling taon na susunod ako sa inyo ni Papa pero sa susunod pang mga taon, Pag katapos kong grumaduate, gagawin ko na ang gusto ko...sige na Ate mauna na ako at may pasok pa ako"

Sabi ko kay Ate at hindi ko na sya pinatapos na mag salita.

Agad kong ibinulsa ang telepono ko sa bulsa ko at saka agad akong tumayo sa low quality at mukhang di naman kalinisan na banyo ng paaralan na Ito.

Hindi ko alam kung saan napupunta ang mga binibigay ni Papa na pera para sa paaralan na ito, Hays minsan nga matanong kay Dean kung saan na pupunta ang mga pera na binibigay Ni Papa.

Lumingon ako sa paligid ng cubicle at napaka sikip dito parang hindi ka makagalaw, Yung Alam nyo iyong pakiramdam na napapaligiran ka ng mga Low quality at cheap na mga bagay....Parang nasusuka na ako at parang pakiramdam ko masisira agad ang mga Low quality dito sa paligid ko.

Kaya agad akong labas ng  sa cubicle at pag labas ko ay nagulat ako dahil sa nakita ko.

Nakakagulat talaga na may nakita akong limang mga babae sa harapan ko..Pwes hindi na ako mag tataka pa dahil alam kong gwapo ako kaya ako ang habol nila pero bakit pati dito sa banyo ng mga lalake? Hindi ba nila alam ang salitang privacy?.

Gusto ko sanang tanungin sila kung tinuruan sila ng mga Guro nila ng sign ng lalake at babae, pero wag na lang dahil baka mabulyawan ko lang sila ng wala sa oras.

" Uhm... pasenya na pero anong ginagawa nyo dito sa loob ng banyo  ng mga lalake?"

Malumanay kong sabi sa kanila pero ng totoo nasusuka din ako sa kanila dahil alam kong hindi rin maganda ang ugali nila tulad ko.

" Ikaw pala si Charles Escallabar, at talagang totoo nga ang sabi nila ang gwapo mo nga at maganda ang katawan"

Sabi ng isang Babae na sa tingin ko ay pinaka maganda sa kanila, pero sa totoo lang para sa akin walang maganda sa kanila.

" Salamat naman kung ganoon pero matagal ko ng alam iyon"

Punong puno ang kumpyansa ko habang sinasabi iyon.

Maya Maya ay biglang lumapit ng isang Babae sa akin yung babae na sinasabi kong pinaka maganda sa kanila.

" Alam mo, Unang tingin ko palang sayo, gusto na kita "

Bigla nyang sabi at sa totoo lang napa ngiwi ako sa sinabi nya, ganito ba? ka-desperado ang mga babae ngayon? Parang mauubusan ng lalake sa mundo, pero gusto ko syang mag salita pero ayaw ko sa kanya.

Weather we fall Inlove Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon