Donny POV
" Ang layo naman ng bahay mo Kuya Cooper, ibig sabihin bumabyahe ka pa ng mahaba para lang maka pasok sa paaralan? "
Tanong ko sa kanya habang naka tingin ako sa labas, at pinag mamasdan ang bawat lugar na dinadaanan namin.
" Ah. Hindi naman may bahay ako malapit lang sa paaralan pero diba ? Sabi ko sa iyon na ipakilala kita sa kapatid ko?... Kaya sa bahay tayo namin malapit sa dating pinag aaraal mo dati... Doon kasi sya nakatira ngayon"
Sabi ko sa kanya at tumango naman ako, grabe iba talaga pag mayaman kahit saan may bahay.
" Mahal ko wag mong isipin yung nangyari kanina dahil magiging ayos din ang lahat.. Hindi naman ako papayag na hindi ka maka pagtapos, pano kita maiuuwi sa bahay kung magaaral ka pa uli? "
Sabi nya sa akin at lumaki naman ang singkit kong mata at ramdam ko ang init ng buong mukha ko sa sinabi nya.
" K-Kuya Cooper naman eh kung ano ano ang sinasabi mo... Saka hindi ko na iniisip iyon dahil alam kong nandyan ka naman para sa akin pag kasama kita hindi ko na iniisip ang lahat ng mga problema ko"
Sabi ko sa kanya at saka sabay iwas sa kanya dahil pakiramdam ko mas lalong namula ang buong mukha ko!.
" Hindi ko alam na babanatan mo ako ng ganyan mahal ko, Hindi ko man maipakita sa iyo pero kinikilig ako"
Sabi ni Kuya Cooper sa akin at pinalo ko ang braso nya.
" Wag ka ngang mag salita ng ganyan! Nahihiya na nga ako eh tapos binibiro mo pa ako"
Sabi ko sa kanya at natawa naman sya, pero sa totoo lang nahihiya ako sa mga sinasabi nya ni sa panaginip hindi ko naisip na magiging ganito kami ng taong gusto ko, tatlong taon na ang nakakalipas.
At totoo naman ang sinasabi ko sa kanya makita ko lang sya makasama ko lang sya parang lahat ng problema ko nawawala.
" Sige na tama na tama na hindi na kita bibiruin... Pero totoo naman Kasi mahal ko hindi ko alam na sasabihin mo sa akin ang bagay na iyon, Ang cute mo pa naman pag namumula ka"
Sabi nya sa akin kaya agad ko namang tinakpan ang mukha ko dahil sa sinabi nya, kasalanan ko bang pag kinikilig at nahihiya ako namumula ang buong mukha ko?.
" Hindi kaya ako namumula! Mainit sa labas kanya siguro ganoon"
Depensa ko naman sa kanya. Narinig ko na namang tumawa sya kaya tumingin ako sa kanya at tinignan ko sya ng masama.
" Baba na nga ako wala tigil mo na itong sasakyan"
Sabi ko sa kanya kata tumingin naman sya sa akin.
" Mahal ko nag bibiro lang naman ako hindi ko lang maiwasan na natawa dahil sa reaksyon mo ang sarap mo kasing yakapin"
Sabi nya sa akin.
" Hindi basta itigil mo na itong sasakyan, baba na ako"
Sabi ko sa kanya. At tumingin sya sa akin yung parang nag mamakaaawa na wag na lang.
" Ihinto mo ang Sasakyan"
Sabi ko sa kanya pero hindi nya ako pinakinggan.
" Pag bumaba ka hahalikan kita"
Sabi nya sa akin kaya natahimik ako sa sinabi nya.
" Ano ihihinto ko na ba?"
Sabi nya sa akin at ngumiti naman ako sa kanya.
" Wag na lang pala"
Sabi ko sa kanya at ngumiti naman sya at bigla nyang tinabi sa gilid kaya nagulat akong napa tingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
Weather we fall Inlove
RandomKisses Series #2 FORMER TITLE: Seasons of Love Ang pag ibig ay pana-panahon lang may panahon na masaya,at malungkot bawat. Panahon ay sumisilbulo sa pag-ibig. Tag-init,Minsan sumisimbolo ng kasiyahan at minsan ay poot. Tag-ulan, Sumisimbolo ng kalun...