Donny POV
" Tumigil na kayo!"
Malakas na sigaw ni Ate Jamaica pero ngayon nakita kong umiiyak sya hindi dahil sa galit sya kundi dahil sa nalulungkot sya.
" Hindi ba kayo nahihiya? Nasa hospital tayo, nasa loob si Charles walang malay tapos ganito ang ginagawa nyo? "
Sabi ni Ate Jamaica sa amin napa yuko lang naman ako habang natahimik naman si Emily at hindi na nag pumiglas pa.
" Jamaica! Bakit ka ba lumabas bantayan mo ang kapatid mo at hindi ko hahayaan na pumasok ang salot na ito sa kwarto ng kapatid mo! "
Sigaw ng Papa nya pero nagulat ako ng sinagot ni Ate Jamaica ang Papa nya.
" Pa! Tama na hindi ka ba nahihiya sa pinag gagawa mo?"
Sabi ni Ate Jamaica at napa kunot naman ako ng noo dahil sa sinabi nya.
" Ano bang pinag sasabi mo Jamaica!"
Inis na sabi ng Papa nya pero umiling lang si Ate Jamaica ka.
" Tama na Papa tama na... Marami ka ng nasasaktan para lang sa kasalan na ikaw naman talaga ang dahilan"
Sabi ni Ate Jamaica habang umiiyak ito at natigil naman ang Papa nito.
" Papa, Hindi mo pa naiisip na kaya ganito si Charles kaya kamuntik nya ng kitilin ang sarili nyang buhay dahil sa iyo? Dahil kahit kailan wala kang bilib sa kanya pakiramdam nya mag isa lang sya, imbes na dapat nasa tabi nya ako sinunod ko kayo, pero dapat hindi na lang dahil kung hindi lang sana nya naramdaman na mag isa sya wala sya ngayon sa sitwasyon na ito.
Pero mali na kayo Papa maling mali na kayo,.. maaring tama nga kayo nasaktan ni Donny si Charles pero hindi nyo ba napansin? Na dahil sa kanya sa kanila nag karoon ng kaibigan si Charles unti unti na syang nagiging masaya at ngumingiti na rin sya...tapos sasakyan mo ang nga taong hindi nangiwan sa kanya? At sasabihin na kasalan nila ito pero alam naman natin na sa simula at sapul! Tayo ang may kasalanan ng lahat..kaya Papa tama ba tumigil na kayo"
Sabi ni Ate Jamaica. At natahimik naman kaming lahat sa sinabi nya. Ibig sabihin kung tama ang hula ko, maaring nag kasagutan silang mag ama at dahil alam ko naman na hindi maganda ang relasyon nila dahil narin sa na kwento ni Charles sa akin ang lahat siguro maaring dahil ito sa ama nya at hindi dahil sa akin pero kahit ganoon alam kong naka dagdag pa ang ginawa ko sa kanya kaya nya nagawa ito kaya may kasalan parin ako.
" Huh! Wala akong kasalanan kung meron mang may kasalan yang bading na salot na iyan ang may kasalanan! Hindi ako!, Peste sya sa buhay ng kapatid mo dapat syang mamatay!"
Sigaw ng Papa ni Charles kaya nagulat ako ng bigla syang mag wala at dahil sa pag wawala nya. Ay nabitawan sya ng mga nurse na may hawak sa kanya at laking gulat ko ng papunta sya sa direksyon ko at akmang susuntukin nya ako pero nagulat ako ng bigla syang tumilapon papalayo sa akin at agad itong nawalan ng malay.
Nakatulala parin ako habang naka tingin sa papa ni Charles.
" Sobra na ang ginawa Mr. Escallabar uindi ko na kayang laitin at maliitin mo pa ang taong mahal ko marahil ganito nga kami maaring salot ang tingin nyo sa amin dahil labag ito sa Batas ng Diyos pero anong magagawa namin kung ito ang nararamdaman namin, sinabi na ba na bawal ang mag mahal? Kung ganoon nyo kamahal ang asawa nyo mga boyfriend or girlfriend nyo ganoon din namin kamahal ang isat-isa, Tao din kami hindi kami salot"
Sabi ni Kuya Cooper habang galit na galit itong naka tingin sa Papa ni Charles.
Agad naman na tumakbo si Ate Jamaica kay Papa nya at akala ko magagalit sya sa amin pero tumingin sya Kay Kuya Cooper at saka ngumiti nh mapait.
BINABASA MO ANG
Weather we fall Inlove
RandomKisses Series #2 FORMER TITLE: Seasons of Love Ang pag ibig ay pana-panahon lang may panahon na masaya,at malungkot bawat. Panahon ay sumisilbulo sa pag-ibig. Tag-init,Minsan sumisimbolo ng kasiyahan at minsan ay poot. Tag-ulan, Sumisimbolo ng kalun...