Pahina: 15

648 51 4
                                    

Donny POV

Alas sais na ng gabi, Ngunit nasa kwarto parin kaming tatlo habang nag aayos ng kanya kanya naming mga gamit.

" Mauna na kayong maligo ng sa ganun ay saktong hapunan ay nandun na lahat tayo"

Sabi ko sa kanila.

Medyo naiilang ako sa kanila dahil pareho silang naka hubad baro at tuwalya lang ang naka tapis sa pang iba-bang bahagi bg katawan nila,nananlangin ako na sana wag mahulog ang tuwalya
na iyon.

Masasabi kong mas angat sa katawan si Sir Cooper marahil dahil matured na sya at talagang makikita mo ang Abs nya na bakat na bakat, at malalaki rin ang braso nya, Macho ika-nga nila.

Habang si Charles hmmm nakita ko naman na dati syang naka hubad pag katapos maligo, Hindi sya papatalo may abs din sya pero hindi ganoon kahulma katulad ng kay Sir Cooper.

" Kung ganoon, Mauna kana Charles, dahil alam kong mainit sa labas baka nangangati ka na kaya alam kong sabik ka ng maligo"

Naka ngiti na sabi ni Sir Cooper pero halos mag salubong naman ang kilay ni Charles dahil sa narinig nya.

Hays wag nyong sabihin na pati ang paligo ay pag tatalunan pa nila.

Kanina yung bag pack ngayon? Pati kung sino ang mauunang maligo kailangan talagang pag talunan?.

" Naku Sir Cooper sige na ikaw na ang mauna, Hindi naman ako nangangati, saka ikaw na ang mauna dahil may edad ka na Sir baka mabagal ka ng kumilos kaya mas mabuting mauna ka na makakapag hintay naman kami".

Asar naman na sabi ni Charles kay Sir Cooper.

" Alam mo Charles kahit na 25 na ako maliksi parin ako, At saka mauna ka na wala naman akong balak maligo ng matagal, baka ikaw ang mabagal gumalaw kaya ayaw mong mauna?...bakit siguro para kang babae na gumalaw kaya ka mabagal maligo"

Asar din na sabi ni Sir Cooper.

" Sir, Ang pag tatagal ng pagligo ay upang malinis ko ang buong katawan ko, dahil mas malinis ang katawan mas maayos tignan, bakit ikaw Sir? Madali ka lang maligo ibig sabibin...Hindi ka talaga malinis tignan, anong klaseng ligo iyon? Ligo ng uwak? Buhok mo lang binabasa mo?"

Sabi ni Charles at nakita kong ngumiti lang si Sir Cooper pero naka kuyom na ang kamay nya, batid kong naiinis na sya, okey siguro tama na ang narinig ko.

Pag sila ang mag kasama pakiramdam ko nasa debate ako hays ang sakit nila sa ulo.

" Oy sya tama na iyan, tutal wala naman gustong maunang maligo sa inyong dalawa, at dahil baka mahuli pa tayo sa hapunan mamaya, ako na lang ang maunang maligo"

Sabi ko sa kanila at nag lakad ako sa pagitan nilang dalawa sabay iling, Ang laki ng problema nila sa isat-isa.

" Sabay na tayo" " Sasabayan na kita"

Pareho nilang sabi at nagulat naman ako at tumingin uli ako sa kanilang dalawa. At pareho silang masamang naka tingin sa isat-isa.

" Hindi ba masamang tignan na kasabay mong maligo ang Asawa ko Sir Cooper?"

Sabi ni Charles at ngumiti lang ng ubod ng tamis si Sir Cooper.

" Mas lalong napaka pangit tignan pag mag kasintahan ang mag kasama sa loob ng banyo, baka iba ang isipin ng tao"

Sabi naman ni Sir Cooper.

" Nag papatawa ka ba Sir Cooper? Wala naman kaming gagawin na masama, maliligo lang kami ng sabay...bakit sa tingin mo magandang pagmasdan pag kayong dalawa ang mag kasama sa loob ng banyo? Sa tingin ko masamang ideya iyon"

Weather we fall Inlove Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon