Donny POV" Hindi ba nakakakilig si Sir Cooper! Kaya kung makita mo ang ibang estudyante na kinikilig sa inyo... Iyan ang dahilan hindi sya natatakot na ipag sigawan sa mundo sa mundong ito na kung saan maraming taong makikitid ang utak! Ganoon ka nya kamahal Donny"
Sabi ni Emily sa akin. At napa iyak na lang ako sa sobrang tuwa.
Hindi ko alam na darating ang panahon na may isang taong ipagsisigawan sa mundo na mahal na mahal nya ako.
Akala ko hanggang pangarap ko lang iyon pero hindi, dahil totoong nangyayari ito sa akin.
Mahal na mahal kita Kuya Cooper.
" Sya nga pala may isa pa...galing iyon kaya Charles"
Sabi ni Emily at pinunasan ko ang mga luha ko sabay binasa ko ang post ni Charles na naka tag din sa akin.
Hi ako si Charles Escallabar, gusto kong linawin na ang lalakeng kahalikan ni Donny sa isang litrato ay ako...Pero walang kasalan si Donny, ako ang kusang humalik sa kanya pero hindi nya iyon ginutso.
Dahil alam kong hindi naman ako ang mahala nya, At totoo na nag panggap kami dahil sa kadahilanan na kailangan para walang lumapit na ibang babae sa akin dahil ayoko ng istorbo , Inaamin ko makasarili ako pero simula ng makilala ko si Donny sya ang unang naging kaibigan ko.
Hindi sya pumayag noong una pero dahil wala syang pag pipilian pumayag sya, Pero sa totoo lang ako ang nahulog sa kanya pero alam ko naman na iba ang gusto nya...Hindi totoong sinaktan nya ako dahil ako mismo ang nanakit sa sarili ko, dahil umasa ako na magiging kami kahit na sa iba na sya naka tingin, pero dahil sa pangyayari iyon may natutunan ako, Ang maging kuntento sa kung anong meron ako ngayon...ngayon ang pinahahalagaan ko na lang ay ang pag kakaibigan namin... Patawarin nyo ako sa ginawa kong kaguluhan...pero kung sino man ang naninira kay Donny walang katotohanan iyon.
Dahil mabait at hindi ganoon Ang kaibigan ko.
Hindi ko alam pero bakit pag masaya ako kailangan kong umiyak?.
" Kaya ng nag post silang dalawa...Wala ng naniwala doon sa naninira sa iyo bagkus ay hinahanap na nila ang nag post nun...at ng pinaka huling balita ko sa iyo Donny...Hindi ka aalis sa paaralan! Dahil hindi ka nila papatalsikin!"
Masayang sabi ni Emily at nagulat naman ako sa sinabi nya niyakap ko sya at umiyak ng umiyak.
" Hays...Hindi kami papayag na hindi ka kasama sa graduation...kanya gumawa kami ng paraan lahat kaming kaklase mo...Hindi kami umalis sa harapan ng Principal office hanggang sa hindi ka nila binabalik...kahit na anong pantataboy nila ay hindi kami umalis, dahil ang klase natin ay ang pamilya natin at pag pamilya hindi nangiiwan"
Sabi ni Emily kaya humiwalay ako sa pag kakayakap sa kanya.
Tumingin ako sa mga kaklase ko na umiiyak na din lumapit ako sa kanila at nag group hug laming lahat.
" Maraming salamat! Hindi ko alam kung pano ako makakabawi sa inyo...pero sana sana kahit na may kanya kanya na tayong trabaho magkikita parin tayong lahat"
Sabi ko sa kanila at tumango naman sila bilang tugon.
" Kamusta! May na miss ba ako?"
May biglang nagsalita sa harapan ng pinto humiwalay ako sa kanila at pag tingin namin ay lumawak ang ngiti namin ng makita namin si Charles na may benda pa sa leeg nya.
" Pasenya na nahuli ako ayaw pa kasing pumayag ni Ate Jamaica hahaha mapilit lang ako"
Sabi nya walang sabi sabi ay agad akong tumabok at niyakap sya ng mahigpit.
BINABASA MO ANG
Weather we fall Inlove
RandomKisses Series #2 FORMER TITLE: Seasons of Love Ang pag ibig ay pana-panahon lang may panahon na masaya,at malungkot bawat. Panahon ay sumisilbulo sa pag-ibig. Tag-init,Minsan sumisimbolo ng kasiyahan at minsan ay poot. Tag-ulan, Sumisimbolo ng kalun...