Breaking Dawn 2.2

795 33 31
                                    

**********

Isaac Alonzo

It's been 2 months since our baby girl was born. Ako ang namamahala ng kumpanya ng aking asawa habang nagtuturo sa isang unibersidad na sikat dito sa Pennyslvaian at ang aking pinaka mamahal na asawa ko nama'y nag aalaga saaming anak habang nag tatrabaho sa bahay mansamantala. Iniwan muna namin si Primo sa mga magulang nya dahil gusto nila itong makasama muna habang di pa nakakabawi ang aking asawa.

Maaga kaming nagigising dahil kay Dawn na minsan ay alas dos pa lamang ay umiiyak na, nag hahanda din ng agahan ang asawa ko para saakin, pero minsan di na ako nakaka kain dahil late na akong nagigising dahil sa pagod at puyat galing kumpanya at school.

Nakarinig ako ng mga yapak sa hagdan namin. Si Adrianna pala iyon. Nasa pinto sya habang nakatayo at sumilip saakin.

"Mahal? Isaac? Tapos ka na ba mag bihis?". Tanong saakin ni Adrianna habang nasa tapat ng pinto at hawak ang sandok pang luto.

"Patapos na ako mahal". Habang nag aayos ng aking corporate attire dahil sa kumpanya muna ako ngayong umaga hanngang tanghali, at hapon hanggang gabi sa unibersidad.

Bumaba na rin ako kaagad dahil gusto ko rin munang alagaan ang anak namin kahit sandali lamang.

Pag baba ko sa hagdanan namin, dumiretso ako sa kusina namin at naabutan ang aking asawa na kasalukuyan pang nagluluto ng almusal namin.

"Adrianna?". Lumapit ako sa kanya sabay humalik sa kanyang pisngi.

"Tapos na ako Isaac, maupo ka na muna at mag hantay magpapatulong na ako kay manang". Habang isinasalin sa lalagyan ang kanyang nilutong sabaw.

Nagluto siya ng ham, bacon, itlog, fried rice at sabaw pati na rin ng konting mixed vegetables. Masyado itong marami para saaming dalawa dahil hindi pa naman kumakain ng ganito si Dawn at wala dito si Primo pansamantala.

"Manang Beth! Yaya Sonya! Paki ayos na po ang hapag at sumabay na rin kayo saaming mag asawa". Pag anyaya ni Adrianna sa mga kasambahay namin. Maliban sa mga taga linis ng buong mansion kasama namin sila manang kumain para maubos ang mga niluto kong mga pagkain pang agahan.

Matapos naming kumain ay agad na akong tumayo at pinuntahan ang anak naming mahimbing na natutulog. Naupo ako sa kama sandali para pagmasdan siya.

"Ang cute cute ng baby ko". Bulong ko sa aking sarili habang nakatitig saaking magandang anak. Hindi ko man sila masyadong maalaagan, alam ng diyos kung gaano ko kamahal ang aking mga anak at gagawin ko ang lahat para kanila parehas.

Hindi na muna kami kukuha ng mag aalaga kay Dawn dahil nandito naman sa bahay si Adrianna at paminsan minsa'y nandito ang kapatid nitong Si Kuya Benjamin o Di kaya'y si Carlo.

Habang naga-ayos sila manang ng pinagkainan, napansin Kong papalapit si Adrianna saaming mag ama naka ngiti eto ngunit bakas sa kanyang mukha ang pagod at puyat kakaalaga kay Dawn.

"Mahal? Isaac? Hindi ka pa ba tutuloy?". She almost whispered since Dawn will probably wake up if we make noise.

Tumayo ako at lumapit sa kanya. I kissed her forehead and hugged her tightly.

"Ang ganda ng anak natin Adrianna, kuhang kuha niya lahat sayo lalo na ang mata't ilong mo". I whispered to her ears.

"Alam ko iyon Isaac pero ang mga labi ni Dawn ay galing sa iyo hindi saakin". She giggled.

Oo kung titingnan ng mabuti ang mga labi ng aking anak ay talaga nga namang kuha nya ito saakin. Ngunit ang kabuuan ni Dawn ay ang kanyang ina.

Hindi na rin ako masyado nag tagal sa loob ng kwarto dahil baka magbago na ang isip ko at wag na lamang pumasok. Minsan kase ay ganon ang nangyayari saamin dahil gusto kong alagaan ang mag ina ko.

Before The Lightning Strucks (KOV #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon