Sacrifice

141 11 20
                                    


A/N: This chapter is revised, I accidentally changed the names of the characters.


**************************


*6 months later*



Thorin Odelle Alvarez



Dumating na ang araw ng misyon namin, eto ang kauna-unahang beses na maka kasama ko si Dawn at ate Trinity sa iisang misyon. Hindi ako masyadong sanay maharil nasanay akong palaging nag iisa sa tuwing may isasagawa akong misyon, kasalukuyan akong nasa mansyon ngayon habang pinag mamasdan ang kisame ng aking silid. Kakatapos lang mag hapunan kaya nandito na lamang ako natutulala sa iisang tabi.





Ni hindi man lang ako nakakaramdam ng antok o pagod mula sa huling araw ng pag sasanay kanina sapagkat hindi mawala ang takot at pangamba na nararamdaman ko. Kung maaari lamang na ako na lamang muli ang mag isang pupunta doon, gagawin ko kahit alam kong delikado.





Nag aalala ako sapagkat naalala ko ang mga binanggit niya ng minsan siyang managinip. Hinding hindi ko makakalimutan ang mga salitang binitawan niya habang siya'y binabangungot, sinubukan ko ng maki usap maski kay Vice Commander Nara ngunit hindi siya pumayag sa gusto ko.






Kakayanin daw ni Dawn na harapin ang kaaway na matagal ng nag mamanman saaming lahat, papaano niya kakayanin kung hindi niya nga alam kung sino ang mga iyon? Ni hindi man lang nila inisip na inosente pa si Dawn tungkol sa bagay na ito. Wala pa siyang alam dahil wala namang nag paliwanag sa kaniya at sa halip ay saakin lamang ito ipinaliwanag ni Vice Commander Nara.





Ipipikit ko na sana ang aking mga mata ngunit biglang kumatok si manang sa pintuan ng kwarto ko. "Young master, nandito po ang mga kaibigan ninyo". Malumanay niyang ani saakin. Tumayo ako saaking kama at lumakad palabas ng kwarto ko, bumaba ako sa hagdan para tingnan kung sino ang mga nandito ngayon.






Pag punta ko sa sala ay nandoon sina West, North, Eros at Jared. Ang mga eskreyon nila ay tila katulad ko ring nakakaramdam ng takot, eto ang unang pag kaka taon na naging ganito kaming lahat dahil sa isang misyon. Umupo ako sa isang maliit na sofa habang sila nama'y mag kaka tabi.





"Nandito kami para mang buraot sayo, hindi rin kami maka tulog". Ani ni Jared saakin.





Tipid akong tumawa, sakto ang pag daan ng isa sa mga katulong namin dito kaya naki usap na rin akong mag pakuha ng makakain at maiinom naming lahat. Binuksan ni West ang TV para manood ng walang kamatayan niyang Tom&Jerry kaya pati kaming lahat na kasama niya nadamay na rin, pag dating ni manang ay dala na niya ang mga pag kain na ipinakiusap ko kaya ngayon para kaming mga batang nanood ng cartoons tuwing umaga.







Dahil sa Tom&Jerry ay panandalian kaming nalingat at nakalimot tungkol sa misyon bukas. Maya maya pa ay biglang dumating dito si ate Trinity na naka taas ang isang kilay saaming lahat. "What the hell? Para kayong mga seven years old, cookies and milk? Plus cartoons? Ano kaya ang magiging reaksyon ng mga girlfriend ninyo kapag nakita kayong ganito?". Nagtataka niyang tanong saaming lahat, si West ay tututok lamang sa TV at hindi pinapansin si ate Trinity.






"Trin, wala akong girlfriend sila lang, pati alam naman ni Cece na mahilig si West sa cartoon kaya nga puro tape ng Tom&Jerry ang iniregalo niya may West eh". Tugon ni North sa kaniya. Naupo rin si ate Trinity sa sofa at sinamahan kaming manood, see? Pati siya hindi nakatiis. Parang may secret dark spell ang presnsya ni West kapag nanood siya ng cartoon, pati kami nadadamay at automatikong napapanood.






Before The Lightning Strucks (KOV #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon