********************
Aurora Isabelle Alonzo
Pagka dating namin doon ay wala na kaming sinayang na panahon at oras, agad kaming nag bihis at nag handa dahil pupunta kami ng California, San Francisco kung saan nandoon ang puno't dulo ng lahat. Nagawang makapasok ni Gabby at North sa system nila kaya nahanap nila ang exact location ng kinaroroonan ng mga sindikato at terorista, doon sila nanatili at balak nilang mag pakalat ng malawakang virus sa buong mundo. Kapag nag tagumpay sila ay maaaring kalahati o higit pang katao ang maapektuhan non, isang uri ng giant gas bombs ang ipapakalat nila at kapag naactivate iyon ay tatagas lahat ng laman non sa loob.
Sa sandaling malanghap mo ang usok non ay paniguradong indirect infection kaagad ang kakalabasan at isa ka na rin sa mga pasyente ng ZV95, agaran din ang epekto non sa katawan ng tao kaya naman inabisuhan na ang lahat na huwag lalabas sa kalsada at takpan lahat ng maayos ang butas na maaaring lusutan ng usok, kung maaari ay panandalian munang gumamit ng oxygen para hindi maubusan ng hininga habang ginagawa namin ang lahat upang mapigilan ang tangka nitong pag sabog.
Isa pang problema dahil kung dati ay mabagal ang lakad ng mga ZV95 patients, ngayon nakaka takbo na rin sila ng mabilis katulad ng isang normal na tao at mas lalong nakaka takot iyon. Buong mundo ay iyon ang balita, daang libong sibilyan na ang nasasawi habang hindi lalagpas sa dalawang pu't limang libong militar naman ang sugatan at ang iba ay naging mga zombie na rin. May mga nang gagaling sa itaas kaya hinala ng lahat na mula ito sa mga eroplano at mga helicopter ng kalaban, ang ibang skyscraper din ay nagawa nilang maihack kaya hindi magawang isarado ang ilang gusali.
Hindi na biro ang nang yayari ngayon dahil marami ng nadadamay na inosente, ang iba ay dumidiretso sa mga mall at sa grocery store kaagad sila nag pupunta para kumuha ng supply ng mga pag kain at inuming tubig. Maliban sa gera laban sa mga zombie ay mayroon na ring riot sa iba't ibang parte ng mundo dahil sa kagustuhan nilang mabuhay, nag nanakaw at pumapatay na ang iba para sa sarili nilang kapakanan.
Hindi naman namin sila magawang masisi dahil lahat naman ata takot kay kamatayan, wala namang tao ang gugustuhing maagang sumalangit o sumaimpeyerno hindi ba? Kaya lahat sila gumagawa ng paraan kahit na masama pa ito at nakaka sakit ng kapwa, ang ibang sektor ng Cielo ay didiretso sa ibang bansa habang kami ay sa mismong kalaban pupunta.
Pag kabalik namin dito nina North, Elisa, ate Trinity at Gabby ay puro kaagad problema ang bumungad saamin, hindi pa nga kami tapos kay Thorin tapos eto pa? At ang mas masaklap ay natuklasan naming mayroong espiya dito sa loob ngunit hindi pa namin alam kung sino siya dahil dapat pa itong encrypt ni Gabby para malaman namin kung sino ang lapastangang sumasalungat sa sekretong organisasyon.
Sa kabilang banda naman ay tapos na pala ng buong team 1 ang mga pang himpapawid na sasakyang pandigma na gagamitin namin sa pakikipag laban, mga bagong modelo ng CAI¹ ang paliliparin ng mga bawat kapitan ng Cielo at makakatulong ito dahil maaari na kaming mag paulan ng mga bala mula sa itaas. Kung hindi aabot ang gamot na ginawa nina daddy ay maaaring mas dumami pa ang mga apektado at mahihirapang abutin ng gamot ang ibang parte ng mundo, patapos na rin ang lunas para sa virus at ilang oras na lamang ang hinihintay para matapos iyon.
Ang miracle project X ay maaaring kumalat gamit ang hangin dahil ginawa na rin nila itong airborne medicine, gumawa ng mahigit kumulang na isang daang malalaking kapsula ang grupo nila Dra. Nora para ipakalat sa buong mundo at sa oras na matapos iyon ay ligtas na ang sanglibutan. Ngunit kahit na magtagumpay kami roon ay hindi pa rin nawawala ang may pakana kaya maaari pa itong makulit muli, para maiwasan ang ganong bagay ay dapat muna naming tapusin na si Dr. Wilson dahil babalik lamang ang lahat kapag tuluyan siyang nag laho sa mundong ito.
BINABASA MO ANG
Before The Lightning Strucks (KOV #1)
Fiksi IlmiahThis is King's Of Valentine #1- Before The Lightning Strucks. Far past the ocean and beyond the mountains, are you willing to sacrifice for love? She was a warrior with a fury of lightnings and thunder, her brightness captured the eyes of the ocean...