**********
Thorin Odelle Alvarez
"I'm definitely not going to that party Jared! Isa pa kayo lang naman ang mag hahanap ng babae don bakit pati ako idadamay niyo?". Galit ako dahil etong mga kupal na to nag yaya naman sa bar, birthday kase nila West at Northwind.
"Tol! Wala naman don si Dawn, at isa pa hindi ka nga niya kilala diba?". Well there we go. He's correct, Dawn doesn't know me yet but I've known her for years.
"Sabi ni West pumunta ka daw, kasama naman kami Thor! Masyado kang faithful, sige ka mamaya hindi pala ikaw mahal niyan iiyak ka ikaw rin". Nang bubuska nanaman tong si Eros, palibhasa babaero eh.
At sa huli sila pa rin ang nanalo dahil hindi ako kinampihan ni Jared at dahil iyon ang gusto ni West. Paano ko ba naging kaibigan tong mga tukmol na to? Mga babaero sila tapos faithful ako? Weird.
Kunot ang noo kong sumama sa kanila, nag suot lang ako ng dark blue long sleeves at fitted na black jeans. Habang ang mga to ay naka todo porma pa, wala na talaga silang pag asa. Hayst.
Naupo lang ako sa isang tabi at nag simula ng mag inom, naiwan ako dito kasama ng mga gamit nila dahil nandon sila abala sa pang hahanap ng mabibiktima.
Nalingon ako sa gawing kanan at nakahanap na agad ang hari ng mga babaero, isang amerikanang maputi ang kahalikan ni Eros ngayon. Wow that's quick. Si Jared naman hindi babae ang pinag kakaabalahan kung hindi ang pagd-dj, mabuti nalang talented tong isang to kaso gago eh. Habang si West kausap ang kambal niya at may kasama rin silang isang babae.
Nang makita ako nina West ay agad silang lumapit at tumabi saakin, kasama rin nila yung isang babae na kausap nila.
"Thor! You made it! Akala ko di ka na sasama eh, ayaw mo daw magpapilit sabi ni Jared". Maka ngiti ang gago wagas palibhasa napagtripan nanaman ako.
"Happy birthday gago, wag ka na mag regalo matanda ka na". Walang gana kong sagot. Paano ba ako magkaka gana? Eh lahat sila abala sa pangba babae habang ako nandito lumalaklak lang ng alak.
"Tol, pinsan ko nga pala si Psyche". Pagpapakilala niya saakin don sa babae. Naglahad ng kamay yung babae pero hindi ko pinansin iyon, ang kamay nga ni Dawn hindi ko pa nahahawakan eh tapos hahawak ako ng iba? Mali yon.
Agad na tinanggal nung babae yung kamay niya at umismid saakin bago ito nag paalam kay West at bumalik sa tabi nung mga kasama niya kanina.
"I hate you West, palagi mo nalang ako ipinapahiya!". Pagalit nitong wika kay West, habang si West naman ay natawa lang at hinayaan lamang ng pinsan niyang babae. Tuluyan ng umalis yung babae at naiwan na kami ni West sa upuan.
"So Thor? Ano na balak mo?". Panimula nitong tanong. Balak saan?
"Anong balak pinagsasabi mo?". Balak yung multo ba yon? Ay Valak pala yon.
"Ang ibig kong sabihin kay Dawn? Paano ka magpapakilala?". Pag lilinaw niyang wika. Hindi ko pa naiisip iyan kahit kailan dahil kuntento naman akong hanggang sa malayo lang siya pinagmamasdan.
"Hindi ko pa alam West, wala pa akong plano". Napailing ako dahil hindi ko alam kung paano siya natural na kakausapin. Hindi siya kumakausap sa ibang lalaki maliban kay Primo at tito Isaac.
Nagpa tuloy nalang kami sa pag iinom ni West, maya maya ay sumama na rin saamin si Jared ngunit si Eros ay hindi na namin makita. Madaling araw na kami naka uwi at buti nga naka uwi pa kami sa kabila ng sobrang kalasingan.
*******
Nahihirapan akong gumising dahil sa sobrang kirot ng ulo ko, hindi rin ako maka galaw. Takte nasaan ba ako? This place smells like pigsty. Oh god! My head is really spinning!
BINABASA MO ANG
Before The Lightning Strucks (KOV #1)
Science FictionThis is King's Of Valentine #1- Before The Lightning Strucks. Far past the ocean and beyond the mountains, are you willing to sacrifice for love? She was a warrior with a fury of lightnings and thunder, her brightness captured the eyes of the ocean...
