End Game: Triumph

236 5 0
                                    











*2 months later*









********************









Aurora Isabelle Alonzo








Unti unti ng bumalik sa ayos ang lahat, nag sisimula na ang mga tao sa muling pag bangon at nag papatuloy na mabuhay para sa mga natitirang minahal sa buhay. Maraming ang naulila at nawalan ng mga taong pinahahalagahan natin pero pinili pa rin nilang ipag patuloy ang kwentong nasimulan, at nasa kamay ng bawat isa ang pasya kung mabubuhay ka ng masama o mabuti.






May mga indibidual na nahihirapang bumalik dati pero araw araw nilang sinusubukan, humahanga ako sa mga taong hindi nawawalan ng pag asang magiging maayos ang lahat. Hindi man ngayon o kinabukasan ang araw na iyon ngunit alam kong sa tamang panahon ay muling masisilayan ng lahat ang liwanag mula sa silangan, kasama ang mga taong nanatili pa sa kanilang mga piling.










Nag sisimula na rin nilang itayo ang mga gumuhong gusali at tahanan, kani–kaniyang ambagan para makatulong sa mga mas higit na ngangaylangan. Hindi naman simpleng bagyo o kung ano mang trahedya ang sumalanta at yumanig sa buong mundo, isang pang yayaring naging bangungungot sa lahat ng nakasaksi. Paniguradong naka sulat na kaagad dito sa kasaysayan ng sibilisasyon ng mga tao, at hindi na ako magugulat kung pag aaralan ito ng susunod na henerasyon para malaman nila kung gaano karaming tao ang nag sakripisyo at sumugal upang wakasan ang hidwaan.









Sa ngayon ay mabagal ang pag proseso sa lahat dahil hindi naman lahat may kakayahang maka bangon ng parang walang nang yari, ang iba ay nanatiling naka kulong sa kahapong hindi na muling mauulit habang ang nakararami naman ay mukhang handa ng harapin ang hamon nila sa buhay. Kasalukuyan kaming nasa bagong bahay na mula kina West at Cecelia, nakakatuwang isipin na kumpleto na kaming buo. Kasama ko na si Thor at ang mga anak namin sa iisang bubong, walang problema at payapang nag sisimulang mamuhay.







Sa katunayan nga late natutulog ang kambal dahil sa takot na bigla nanamang mawawala ang tatay nila, naging mas malapit sila kay Thor at aaminin kong medyo madaya ang bagay na iyon. Nakakatawa lang naman dahil siya na ang napupuyat ngayon dahil siya na ang hinahanap–hanap ng kambal sa tuwing umiiyak sila sa madaling araw, ah! Isama pa ang pag papaligo at pag turo ng paraan kung papaano kumain ng mga isa si Thor na rin ang gumagawa para makabawi sa mga panahong wala siya sa tabi nila.









Ako naman ang nag papahinga ngayon, dahil siya ang nakikipag laro kina Theo at Thea buong mag hapon at take note walang tigil. Hinayaan ko lamang silang mag bonding dahil matagal silang nawalay sa isa't isa, palagi ko naman na silang maka kasama ngayon kaya sila muna. Isa pa abala ako sa kumpanya dahil natambak ang trabaho ko, apat na buwan lang naman akong nawala pero nag mistulang mount Everest ang mga dokumentong kaylangan kong ayusin at pati ang kaso tungkol kay Irienna ay hindi pa rin natatapos.








Pakiramdam niya ay maling diretsahan ko siyang sinisante, kaya kinabukasan sa korte ang punta destinasyon ko bukas imbis na sa opisina at siyempre kaylangan ko ng abogado kaya tinawag ko sila Jared. Una makakatulong iyon sa kanila dahil galante naman akong mag bayad at pang huli para siguradong maayos ang trabaho, wala naman akong ginawang mali dahil sapat naman ang ebidensyang maipapakita ko samantalang siya wala kahit isa unless balak niyang gumawa ng mga fake evidence.









"Dawn? Are you gonna be fine tomorrow? Don't you want me to come with you?". Nag aalalang tanong ni Thor saakin. Hindi na ako baby for heaven's sake, I managed to beat the hell out of those zombies and we survived the zombie apocalypse together but he still thinks that I couldn't handle a weak ass bitch? On no no no, that's foul.








Before The Lightning Strucks (KOV #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon