*4 years later*
*****************
Aurora Isabelle Alonzo
Sa mga nakalipas ng taon ay mas lalong pinag tibay ng pag subok ang aking sarili, ang mga bagay na nalagpasan ko ay wala pa sa kalingkingan ng napag daanan ko noon at kumpara ngayon ay hindi na ito masyadong mabigat para saakin. Natutunan ko kung papaano maging malakas at maging isang mandirigma kahit na walang espadang hawak, nasanay na akong mabuhay kasama ang sakit ng nakaraan dahil ang mga kahapong nakalipas ay hindi na maaaring balikan pa.
Marahil ang mga nang yayari saakin ay isa lamang parte ng isang pahina saaking istorya, lahat ng bida ay may kani-kaniyang kahinaan ngunit ang pagka wala ni Thor ay hindi naging hadlang para tumigil ako sa pag susulat ng mga susunod na pahina at ipag patuloy ang nasimulan namin, kahit na hindi niya ako magawang samahan ngayon ay alam kong darating ang isang araw na muli naming sabay na isusulat ang aming tula sa kalangitan at kasama na roon ang aming supling na ngayo'y apat na taong gulang na.
Ang bawat nilalang na nabubuhay sa mundo ay mayroong halaga at dahilan, noon akala ko ay titigil na sa pag tibok ang puso ko ng sandaling makarating saakin ang balitang wala na si Thor. Sa unang taon ay kinaya ko naman ang sakit mula sa paghati at pangungulila dahil sa pag dating ni Theodore at Althea saaking buhay kaya talagang maituturing silang tunay na kayamang walang kahit na ano man ang maka palit.
Sisiguraduhin kong saakin ang korona ng tagumpay, hinding hindi na ako makakapayag na muli silang nakapag hasik ng kasamaan at mandamay ng mga taong inosente. Tapos na ang pag hihintay ko dahil ako naman ang maniningil sa lahat ng utang nila, pati ang interes ay sisingilin ko na rin dahil masyado na silang huli mag bayad at sapat na ang apat na taong pag papasensya sa mga kahayupan nila.
Naulit nanaman ang isang aircraft hijacked sa bansang United States, Arlington, Virginia, at halos dalawang daang libo ang nasawi sa aksidente, mga bata, matanda at halos lahat ng individual doon ay apektado. Kinaylangan naming puntahan ang bansa upang sagipin sa mga teroristang kasama pala ng sindikatong kalaban namin ngunit mga galing sila sa malalayong probinsya ng iba't ibang bansa at ang iba sa kanila ay mula sa sarili nating bansa.
Dahil sa nang yari na iyon ay isang linggo akong hindi nakauwi sa kambal, malaki naman na sila ngunit hindi pa rin maiiwasan ang paminsang pag hahanap nila saakin lalo na't ako lang naman ang magulang na naka kasama nila ngayon. Sa tuwing may pasok ako sa trabaho o may misyon ako ay sina Krystal at Maia ang nag aalaga sa kanilang dalawa, kakauwi lamang nilang dalawa sa bansa at nasasabik na silang makita ang mga anak namin kaya naman nag atubili kaagad silang pumunta sa mansyon.
Ang iba ko kaseng mga kaibigan ay masyadong abala na lalo na't hindi na sila mga nag lalaro at dumating na rin ang araw na kaylangan nilang pumalit bilang taga pag mana ng mga pinag hirapan ng kanilang mga magulang, ang pinalalago nilang establesimiento ay ang siyang mamanahin ng mga magiging supling nila sa susunod na henerasyon.
Sa loob ng apat na taon ay maraming magagandang balita ang natanggap namin katulad na lamang ng pag babalik ni Eros, ang kasal nina kuya Primo at Avi, ang nalalapit na pag iisang dibdib ni West at Cece at ang muling pag babalikan nina Jared at Al o Laurenna. Maski si North at Elisa ay may relasyon na rin pala ngunit ngayon lamang sila umamin, si Polaris at Captain Ahmed medyo complicated pa rin pero mukhang malalagpasan nila iyon at higit sa lahat si Captain Light at Nikka ay opisyal ng magka relasyon. Si Thorin na lamang ang hinihintay kong bumalik, mali ako sa pag aakalang mahahanap ko siya kapag naka balik ang isa sa kanila, ngunit hindi pa rin ako tumitigil sa pag hahanap at sana mag bunga ito ng magandang balita.
BINABASA MO ANG
Before The Lightning Strucks (KOV #1)
Fiksi IlmiahThis is King's Of Valentine #1- Before The Lightning Strucks. Far past the ocean and beyond the mountains, are you willing to sacrifice for love? She was a warrior with a fury of lightnings and thunder, her brightness captured the eyes of the ocean...