Promise

214 16 26
                                    



************


Aurora Isabelle Alonzo


Napasarap ata ang tulog ko ngayon at hindi ako nagising sa una kong alarm, may oras pa naman dahil maaga aga pa kaya naman masaya akong gumising at naligo. Ang unipormeng ayaw ko noon ay excited akong isuot ngayon, matapos kong mag bihis at mag ayos ng sarili ay agad akong bumaba at binati ang lahat.

"Magandang umaga po manang!". Masaya kong bati sa kaniya. Ngumiti saakin si manang "Magandang umaga rin saiyo hija". Pag bati niya pabalik.

Pag punta ko sa hapag ay nandon na si kuya at nag sisimula ng kumain ng agahan, agad akong umupo sa harapan niya "Good morning kuya". Masaya ko ring pag bati sa kaniya.

Ngumiti saakin si kuya Primo "I like that you're happy, I suppose maganda ang date ninyo kagabi? Saan kayo galing?". Tanong ni kuya Primo saakin. "Pumunta kami sa pista kuya, sa Sublian festival". Masaya kong tugon sa kaniya. Ngumiti na lamang saakin si kuya at nagpa tuloy na sa pagkain kaya naman kumain nalang din ako.

Unang beses kong naunang natapos sa pag kain kaya naman nauna na akong nag paalam para pumasok sa school.

"Kuya Primo, una na po ako". Pag papaalam ko. Hindi na siya sumagot saakin at kumaway na lamang katulad ng lagi niyang ginagawa. Kinuha ko na ang gamit ko atsaka lumabas para kunin ang sasakyan ko. Pag pasok ko sa aking sasakyan ay nakatanggap ako ng isang mensahe mula sa kaniya, agad ko iyong tiningnan.

Thor: Good morning my darling, always remember that I love you.

My heart instantly flutter, and I can't really explain how happy I am. Agad akong nag reply sa text niya, but somehow I got a feeling that somethings up.

Ako: Good morning din, nasa school ka na?

Ilang minuto akong nag hantay sa reply niya ngunit walang dumating, kaya naman hinayaan ko nalang muna dahil baka hindi niya lamang napansin o baka naka tulog siya sa classroom ulit. Sumakay na ako at nagpa takbo ng mabilis papuntang school.

Mabuti na lamang ay hindi traffic ngayon kahit may ginagawang daan, agad akong nakarating sa school. Wala pang masyadong tao dahil maaga pa at wala naman klase, ang iba kase ay tanghali na pumasok dahil mag aayos lang naman daw.

Agad akong humanap ng parking, ngunit pansin kong wala dito ang sasakyan ni Thor. Okay breath, it's impossible na wala siya dito ngayon. Inisip ko na lamang na hindi siya nag dala ng sasakyan at nagpa tuloy na sa pag lalakad matapos kong ilock ang mga pintuan ng aking sasakyan.

Dumiretso ako sa classroom at nandon na pala si Krsytal, agad niya akong pinuntahan atsaka tumabi saakin.

Maganda ang mga ngiti niya ngayon "Kamusta ang date niyo kagabi? May nangyari ba?". Kumunot ang noo ko sa tanong niya "Ano ba akala mo saakin? Kaladkarin? Nanliligaw palang yung tao, gusto mo may mang yari na agad?". Nagtataka kong tanong pabalik sa kaniya.

Natawa siya sa sinabi ko "I'm just kidding Aurora, teka eh bat parang beast mode ka? Did something really happen?". Muli niyang tanong. Napabuntong hininga ako "Last night we almost got stabbed dahil may mag jowang nag aaway at nadamay kami, then he texted me this morning but he didn't replied back". Dismayado kong wika.

She bit her lips "Maybe he's just sleeping, alam mo naman na maaga yun pumapasok para matulog eh. If he's not in the classrooms maybe he's in the library or at the rooftop kung saan sila tumatambay". Pag papaliwanag ni Krsytal saakin.

I sighed heavily "I'll just check it later, Tara na mag simula na tayo". I faked a smile para hindi masyadong halata na may kaba at takot akong nararamdaman sa dibdib ko.

Before The Lightning Strucks (KOV #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon