*******
Aurora Isabelle Alonzo
Kasalukuyan kaming nasa tapat ng office at nakaupo habang hinihintay si Ms. Aya at Mr. Victorio. Katabi ko si mommy at nasa gilid ko si kuya naka tayo at busy mag scroll ng phone niya, si daddy naman ay nakatayo rin at nakikipag usap sa daddy ni Luke. Tulala ako dahil iniisip ko kung papaano sasabihin ang ginawa ko sa kaniya.
Well partly hindi ko naman kasalanan iyon dahil siya ang nambastos, at malinaw ang sinabi ko noon sa kaniya na kapag inulit niya at sisiguraduhin kong mag tatanda siya.
Biglang bumukas ang pinto at pinapasok na kami sa loob, bago pa makapasok si Luke ay sinamaan ko siya ng tingin. Subukan niyang mag sinungaling sa harap ng lahat mang hihiram siya ng mukha sa aso.
"Mr. Castelan, ano bang nangyari? Bakit ka inatake ni Ms. Alonzo?". Panimula nung ni Ms. Aya.
"An- p- kas-". Hindi siya makapag salita dahil nakatitig ako sa kaniya. At alam na niya ang ibig sabihin non
"Ikaw na lamang ang tatanungin ko Ms. Alonzo". Kaya naman sumagot ako at totoo lamang ang sinabi ko na si Luke ang nag simula at minanyak niya kami.
"Ms. Aya si Luke po ang nag simula dahil kinuhanan niya kami ng litrato ng hindi nag pa paalam, ayos lang po sana kung maayos na litrato eh kaso po hindi. Picture po ng mga legs namin yon!". Pag susumbong ko sa kaniya.
Siguro naman lusot na ako don diba? Sana maging effective ang drama mode ko.
Nagtaasan ng kilay lahat ng tao sa loob kabilang na si kuya na nagpipigil ng galit. Ang mga magulang naman ni Luke ay tila hindi makapaniwala sa sinabi ko. Well maniwala man sila o hindi ayon ang totoo.
"Ipinatawag na namin ang mga saksi kabilang sina Mr. Chavez". Sabi nung babaeng secretary ni Ms. Aya.
Eh? Sila Red? Wala naman sila don eh! Baka mag sinungaling lang ang mga iyon! Yari na ako!
Mga ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na sina Krystal, Kaella, Keith at Bianca, sumunod naman ang apat na hari.
Tumabi sina Bianca saakin samantalang ang mga hari ay nasa gitnang pagitan namin ni Luke.
"Ngayon mag sabi kayo ng totoo, talaga bang ginawa iyon ni Mr. Castelan?". Taas kilay na nagtanong si Ms. Aya.
Tumango sina Bianca habang ang mga hari ay walang kibo kaya naman sila ang tinanong ni Ms. Aya.
"Akala ko ba nandon kayo? Anong nangyari?". Tanong niya sa kanilang lahat.
Napabuntong hininga sina Eros at West samantalang sina Jared at Thor ay walang pake at mukhang hindi man lang narinig ang sabi ni Ms. Aya.
Naglabas si Jared at Eros ng phone at ipinakita ang mga sinend ni Luke sa group chat ng mga boys. At mukhang naisend din niya ata ito sa pang kalahatan kaya napansin si Bianca. Pasalamat siya at nandito ang mga magulang ko kundi sasapakin ko pa siya ng isa pa!!
"Mr. Castelan, explain this! At siguraduhin mong maayos ang iyong paliwanag!". Galit na wika ni Ms. Aya samantalang si Mr. Victorio ay hinahayaan lamang si Ms. Aya.
"Ma'am I'm sorry po ako po talaga ang mali". Paawang tono ng gago.
"Don't apologise to me apologies to the girls. Nakakahiya ka Mr. Castelan isa ka pa naman sa mga pinaka magagaling dito". Dismayadong tono ni Ms. Aya. Well kahit naman ata sino madi disappoint kay Luke, ang pamilya niya ay sikat at mayaman din.
Galit na ang ama ni Luke at ang nanay naman nito ay walang kibo.
Habang ang si Thorin ay pansin kong nakayukom ang mga palad ngunit hindi ito nagsasalita o kumikilos, naka tayo lamang ito at nakatitig ng masama kay Luke.
BINABASA MO ANG
Before The Lightning Strucks (KOV #1)
Science FictionThis is King's Of Valentine #1- Before The Lightning Strucks. Far past the ocean and beyond the mountains, are you willing to sacrifice for love? She was a warrior with a fury of lightnings and thunder, her brightness captured the eyes of the ocean...